Ritz Azul skips lavish party on her 18th birthday to do charity work

Ritz Azul on her decision not to have a debut party: "Kasi imbes na pang-cotillion ko, or ibang gastusin sa birthday ko, mas gusto kong magbigay-saya sa mga bata. Naghahanap pa ako ng pagbibigyan sa ngayon. Tapos, gusto ko sana sa isang eskuwelahan sa Pampanga. Kasi yung mga bata doon noong bumisita ako, pumapasok sila nang walang tsinelas. Gusto ko sana silang bigyan sila ng tsinelas at magpakain ng konti."


Bukas, January 11, ang ika-18th birthday ng Kapatid star na si Ritz Azul.

Pero ibinalita niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na walang selebrasyon na magaganap sa kanyang debut.

Paliwanag niya, "May taping ako ng Glamorosa, kaya yung party na mamimigay sa mga bata, after siguro ng week na ito at kung loloobin...sana sa Sunday."

Ano yung ipamimigay niya sa mga bata?

"Kasi imbes na pang-cotillion ko, or ibang gastusin sa birthday ko, mas gusto kong magbigay-saya sa mga bata.

"Naghahanap pa ako ng pagbibigyan sa ngayon.

"Tapos, gusto ko sana sa isang eskuwelahan sa Pampanga.

"Kasi yung mga bata doon noong bumisita ako, pumapasok sila nang walang tsinelas.

"Gusto ko sana silang bigyan sila ng tsinelas at magpakain ng konti."

Wala raw kaso kay Ritz kung sakali mang palagpasin niya ang kanyang 18th birthday na hindi siya nagpa-party nang bongga.

Aniya, "Pakiramdam ko naman, doon ako masaya sa pamimigay.

"Pakiramdam ko magiging isang pinaka-memorable sa akin din yung pamimigay ko."

May gift ba siya na gustong makuha o matanggap para sa kaarawan niya?

"Siguro gift sa sarili ko, gusto ko magkaroon ng tirahan sa Manila.

"Doon naman sa mga magbibigay? Kung ano ang gusto nilang ibigay sa akin, maluwag kong tatanggapin," sagot ni Ritz.

Wala pa naman daw material gifts o special gift na natanggap si Ritz mula sa kakilala niya sa labas at loob ng showbiz. Puro letters at messages lang daw ang natanggap niya.

Nagbiro pa nga ito na baka ngayong Wednesday raw siya bibigyan ng mga kaibigan at kakilala niya.

SK CHAIRMAN. Nabanggit din ni Ritz na isa pala siyang Sangguniang Kabataan (SK) Chairman sa kanilang barangay sa Sta. Rita, Pampanga.

Dire-diretso na ba ang pagpasok niya sa pulitika?

Sabi niya, "Yun nga, sabi ko siguro hanggang SK lang.

"Wala pa isip ko na tatakbo ng konsehal o kapitan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero bahala na kung ano ang mangyayari."

Paano ba siya napasok at nagka-interes sa pulitika?

Kuwento ng young actress, "Kasi third year high school pa lang ako, binabalak ko nang tumakbo ng SK.

"Kasi sabi nila, last na lang itong SK na ito, e.

"E, sabay nun ang Star Factor.

"Sabi ko, kung hindi man ako manalo sa Star Factor o mapasok dito, at least may career naman ako sa pulitika.

"Kaya nga sabay-sabay yung ginawa kong pagsali sa Mutya ng Kapampangan, Star Factor, at pag-i-SK ko.

"Akala ko kasi nung hindi ako nanalo ng Star Factor, wala na. Wala na talaga.

"Kaya ayun, tumakbo ako as SK Chairperson na gustung-gusto ko naman.

"Kaya ngayon, nagkasabay naman yung showbiz at politics."

ASPIRING BEAUTY QUEEN. Sa mga naunang interview ni Ritz, nabanggit niyang gusto rin niyang maging beauty queen maliban sa pagiging isang aktres.

Kung saka-sakali, paano niya pagsasabayin ang lahat ng ito—showbiz, politics, at pagiging beauty queen?

"Gusto ko kasi....uhm, gusto naming tatlo ng parents ko.

"Nagustuhan ko dahil yun ang pangarap ko. Noong maliit ako, pangarap kong maging beauty queen.

"Noong medyo lumalaki na ako, pangarap kong tumulong sa mga bata, kaya tumakbo ako sa pagka-SK.

"Eto namang showbiz, hindi ko naman in-expect na magiging ganito.

"Kaya nagpapasalamat ako kay Mr. Perci [Intalan]. Kina Sir Bob [Barreiro] at Sir Ray [Espinosa] sa pagtitiwala nila sa akin.

"Yung pagpasok ko sa Star Factor, hindi ko ini-expect na mapapasok ako sa Top 4.

"Noong nag-audition nga ako, parang try ko lang. Pero napasok naman.

"And then, noong napasok na ako sa showbiz, nagdire-diretso naman yung career. Lagi akong nabibigyan ng projects.

"So, talagang masaya ako kasi yung mga gusto kong pasukang career opportunity, maganda yung flow ng career ko."

AWARD-WINNER. Nakaka-isang taon pa lang sa showbiz si Ritz, pero may award na siyang napanalunan—ang Breakthrough Performance by An Actress mula sa Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society o ENPRESS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami rin ang nagsasabing mahusay siyang umarte na parang hindi siya baguhan.

Ano ang reaksiyon dito ni Ritz?

"Nahihiya po ako. Hindi kasi ako sanay na pinupuri, lalo na nung mga mas matatagal pa sa akin sa industry.

"Nagpapasalamat lang po ako dahil na-appreciate nila yung talent ko.

"Sabi nga nila, bakit daw parang ang lalim ng pinaghuhugutan ko pag umaarte raw ako.

"Yung mga pinagdaanan ko, yun po yung ginagamit ko sa acting.

"Naranasan ko pong magkaroon ng konti at mawalan, kaya yun po yung ginagamit ko sa acting ko po," saad ni Ritz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN