Enzo Pineda admits crying when Louise delos Reyes had an accident; not bothered by never-ending gender issue

"Gender issue? Hindi naman ako bothered. Kasi I know myself. Kung may mga issues, not just that issue, kung may ibang mga issue na alam kong hindi totoo, hindi ko na lang pinakikialaman. Kasi hindi naman totoo, I don’t have to be bothered. Hindi ako affected," says Enzo Pineda.


Maganda ang pasok ng 2012 para sa Kapuso young actor na si Enzo Pineda dahil pasok siya sa ilang projects ng GMA-7.

Kasama na rito ang dalawang pelikula ng GMA Films: Just One Summer nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona, at My Kontrabida Girl nina Rhian Ramos at Aljur Abrenica.

Glowing nga ang mukha ni Enzo nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang career noong 2011 at sa nakini-kinita niyang magiging daloy ng kanyang propesyon bilang artista ngayong 2012.

"Masaya... masaya!" bulalas niya habang nakangiti.

"Actually, just last month, I did a TVC [TV commercial] for a fastfood chain.

"So, happy ako dahil I also did another commercial for a food chain last Christmas.

"Pero yung TVC for a fastfood, this year [ipalalabas].

"I’m happy that my career is doing well and I’m looking forward for more projects to come.

"So, happy ako sa mga nangyayari."

NEXT IN LINE. Marami ang nagsasabing si Enzo na ang susunod na ibi-buildup ng GMA-7 sa kategorya ni Aljur Abrenica.

Ano ang reaksiyon niya rito?

"Wow!" sambit niya.

"Siyempre, it’s a big honor for me, lalo na si Aljur ay isa sa mga sumikat na artista na galing sa StarStruck katulad ni Mark Herras.

"I’m happy to be next in line."

Handa na ba siyang malantad sa mas maraming intriga at pambabatikos ng mga susulpot na detractors niya kung saka-sakali?

"I’m prepared naman sa kung anumang career opportunity ang ibigay sa akin.

"I love what I’m doing. For me, it’s not a job, it’s a craft.

"So, I’m just loving my life right now. Happy ako," sabi niya.

MORE "EXPOSURE." Sinisiguro rin ni Enzo na mas marami siyang "ipakikita" sa taong ito.

"I guess so. Kasi nag-Cosmo centerfold na ako last year.

"So, more expectation this year and I’m up fo the challenge. Let see."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang saan ang kaya niyang pagpapa-sexy?

"Tingnan natin, tingnan natin," tugon niya.

Pag-iisipan daw ni Enzo kung kaya na niyang magpakita ng kaunting belly hair sa susunod na pictorial niya sa Cosmo.

Bukas din ba siyang gumanap ng gay character o gumawa ng intimate scene na ang kapareha ay kapwa niya lalake?

"A, para sa akin, any role is a challenge.

"It depends on the character, lalung-lalo yung maipapakita ko ’yung acting capabilities ko.

"I can do more in acting," sagot ng 21-year-old actor.

LOUISE DELOS REYES. Pagdating naman kay Louise delos Reyes, stable pa rin daw ang "friendly relationship" nila nito.

Patuloy rin nilang itinatanggi na pormal na ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.

"Hindi pa kami," diin ni Enzo.

"Siguro we’re concentrating in our work. So, ayun, trabaho muna.

"And at the same time, we’re just happy na nai-inspire kaming dalawa to do better in our careers."

Natatandaan pa ni Enzo yung naging partisipasyon niya nang maaksidente si Louise habang ginagawa nito ang isang stunt sa pelikulang Shake Rattle & Roll 13.

Kuwento ng young actor, "Oo, pinuntahan ko siya. I was the first one to be there in St. Luke’s.

"Galing ako ng Cosmo party. I did an event for Cosmo.

"Tapos nagtataka ako kung bakit hindi pa siya nagre-reply sa mga texts ko.

"So, I called her. Hindi siya sumasagot.

"I called her mom, yun pala, nahimatay na pala siya.

"Para ngang teleserye ang reaksiyon ko, alalang-alala nga ako sa kanya. Kasi first time, e.

"Kasi before that, there was this stunt she was doing na mahuhulog siya.

"Bitin yung mattress, she fell on her head. Natamaan yung likod ng ulo niya.

"So, I told her to rest.

"Bilib nga ako sa kanya kasi masipag siya, e.

"Kahit alam mong galing ka injury or anything, itutuloy pa rin yung trabaho niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro hindi pa siya fully recovered at that time. So, hindi natin naiwasan yung accident."

Hindi itinanggi ni Enzo na umiyak siya sa sobrang awa at pag-aalala kay Louise noong mga sandaling iyon.

Sabi niya, "I was worried kasi malapit siya sa akin.

"So, hindi maiiwasan na ganun ang mararamdaman mo if you care for a person.

"So, parang alalang-alala ako."

HOW MUCH HE LOVES HER. Natawa naman si Enzo nang tanungin namin kung gaano niya kamahal si Louise. Para kasi maiyak siya sa nangyari sa dalaga, ibig sabihin malalim ang pagtingin niya dito, di ba?

"Ang hirap naman ’yan!" tawa niya.

"Hindi, malalim yung pinagsasamahan namin ngayon ni Louise."

Mahirap bang sabihin kung gaano niya kamahal si Louise?

"Hindi. Hindi mahirap, pero siyempre mahal ko siya."

Hindi niya kayang mawala si Louise kaya siya naiyak?

"Uhm, yeah. Gano’n siya kalapit sa akin ngayon.

"And I just want her to be happy and to be healthy, lalo na sa trabaho," pag-amin niya.

GENDER ISSUE. Kahit open na sa publiko ang intensiyon ni Enzo kay Louise, hindi pa rin nawawala ang "gender issue" sa guwapong young actor.

Hindi ba siya nababahala dahil naroon pa rin ang "gender issue" sa kanya?

Ani Enzo, "Gender issue? Hindi naman ako bothered. Kasi I know myself.

"Kung may mga issues, not just that issue, kung may ibang mga issue na alam kong hindi totoo, hindi ko na lang pinakikialaman.

"Kasi hindi naman totoo, I don’t have to be bothered. Hindi ako affected.

"Parang ako naman, kung may ibang issues...

"Not just that, kung totoo, I’ll tell the truth. Kung hindi, I just don’t mind.

"Parang lumalaki lang yung problema pag ganun.

"Hindi mo na kailangang magsalita."

Alam ba ni Louise yung isyung ito sa kanya?

"I think she knows, pero nagagalit rin siya sa mga taong nagsasabi ng gano’n. Pinuprotektahan lang niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko naman sa kanya, ’You don’t have to be affected kasi hindi naman totoo.’

"Pero siyempre, nagwu-worry siya and naa-appreciate ko yun.

"Saka hindi lang naman yun sa bagay na yun, kahit saan.

"Kami ni Louise, we protect each other."

Sa pagkakaalam ni Enzo, nagsimula ang gender issue na ito sa kanya nang nakikipag-compete pa siya sa StarStruck V.

Hindi nga lang niya alam kung saan at paano sumulpot ang intrigang ito sa kanya.

Sabi ni Enzo, "That was two years ago.

"Past is past and, sa totoo lang, to clear that out, wala nang ganyang issue na nangyayari.

"So, siguro lahat ng tao sa showbiz, magkakaroon at magkakaroon ng isyu kahit hindi nila ini-expect.

"So, kailangan you know yourself and I think that’s more than enough."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN