Diether Ocampo denies Alta is shelved; says he still wants to be friends with Kris Aquino

Diether Ocampo on Kris Aquino’s statement that they can’t be friends anymore: "For whatever reason, I really respect the person. Probably she has her own reason why.

"And ako naman, di ba...never namang nawala yung ano ko sa kanya. Nandito lang ako, alam niya yun. Ke magkita kami o hindi, parang di na tinatanong yun.

"She would always be like, you


"Sandali, papa-bless ko muna siya para magkaroon ng happy lovelife!" birong natatawang sabi ng manager ni Diether Ocampo na si Monch Novales nang lapitan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapamilya actor para sa panayam na ito.

Blessing kasi ng bagong opisina ng Star Magic kaya naroon si Father Carmelo Calauag kahapon, January 9, sa ELJ Bldg. ng ABS-CBN.

Ang nasabing pari ang nag-officiate ng misa at nagbendisyon ng bagong tanggapan ng talent arm ng Kapamilya network.

Sunud-sunod sina Shaina Magdayao, Jessy Mendiola, Vina Morales, at Diether na binendisyunan ni Father Calauag.

Kinausap isa-isa ni Father Calauag ang mga artista na parang may mga wish na sinasabi tsaka sila dadasalan.

Matapos no’n, paglingon namin, kakuwentuhan na ni Diether ang Angelito actor na si JM Guzman.

Medyo seryoso ang usapan nina Diet (palayaw ni Diether) at JM kaya hinayaan muna namin sila.

HAPPY LOVELIFE? Nang makita naming patapos na ang kanilang pag-uusap ay niyaya na namin si Diet na umupo kasama namin.

"Ayan, na-bless ka na. Magkaka-lovelife ka na!" biro namin sa aktor.

"Harinawa!" natawa naman niyang sagot.

Wala ba talaga siyang lovelife?

"Ang daming binibigay sa ’king trabaho ni God, e," pakli ni Diet.

ALL ABOUT ALTA? Ano ba ang kasunod na project niya pagkatapos ng Guns and Roses nila nina Robin Padilla at Bea Alonzo?

Nabalitang kasama si Diether sa teleseryeng Alta na pagsasamahan nina Gretchen Barretto, KC Concepcio, at Angelica Panganiban.

Pero may mga usap-usapang mukhang hindi na raw ito matutuloy.

Ayon naman kay Diet, "May mga changes, e, so...may mga adjustment na nangyayari.

"We’re hoping that... Kasi mahirap pag minamadali mo ang isang proyekto, di ba? Baka mahilaw."

Bakit sinasabing hindi na raw matutuloy ang Alta?

"Well, I really don’t know.

"Kami, we’re just here. Hindi ko puwedeng pangunahan."

Si KC ay mayroon nang X-Factor Philippines. Dinig namin ay inilipat na raw si Gretchen sa ibang proyekto, at maging si Angelica Panganiban ay magkakaroon na rin ng ibang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapag-taping na ba sila o ongoing na ito?

"I’m not in the position to give details pagdating diyan, e.

"Yung mga taga-production ang dapat n’yong kausapin.

"That I really don’t know.

"Kami naman, it doesn’t really bother us.

"Kasi hindi naman mawawala yung proyekto dito kasi sobrang dami.

"It’s not really... hindi na saklaw ng ano ko ’yan, e.

"Kami bilang mga actor, kumbaga we’re here [waiting lang].

"For the meantime, I’m taking my time to train.

"I’ve been training, honing my skills and learning a lot of things.

"Dati siyempre busy ka, di mo magawa yung mga gano’ng bagay.

"Now, I’m taking advantage of this opportunity na...yun. Nag-aaral uli ako," saad niya.

TRAINING, TRAINING! Sa school?

"Yeah. Well, kasi hindi ka puwedeng tumigil, e.

"You have to learn a lot of new things na...just like how the technologies evolve.

"Na kami rin, nakakasabay kami sa changes.

"If not, pag gumawa ka na naman ng trabaho, parang iwan na iwan ka.

"Maganda yung prepared ka."

At ang isa sa mga training na pinagdaanan ni Diet ay...

"Kasi di natin maiwasan yung mga unpredictable na kalamidad na dumarating sa atin. So, I got involved with...

"Kasi galing kami CDO [Cagayan de Oro na sinalanta ng bagyong Sendong], ’tapos nag-Dumaguete pa kami.

"Mga nakasama ako kasi diyan, yung mga marshall natin sa ABS-CBN.

"I got in touch with them, napag-alaman ko that they conduct regular training. Yung mga emergency response.

"Tumawag ako and sabi ko, ’If you have an available na schedule, I want to try.’

"At least to have a technical know-how.

"Yung mga gano’ng bagay na hindi mo masasabi.

"Minsan nasa set ka, tapos may mangyari, you’ll exactly know what to do."

Ano pa ang pinagkakaabalahan niya sa ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I study a lot of old films," sagot niya.

"Like last night, I went to watch this film by Christopher Plummer, Michael Caine, and Sean Connery.

"Napakaganda g kuwento nito. It was shot during 1975.

"Yung A Man Who Would Be King. Ang ganda ng istorya.

"We try to draw inspiration from ano, mga lumang palabas.

"Yung, you get new ideas ’tapos incorporate it with the old ideas, ’di ba?

May kalaliman ang kuwento ng The Man Who Would Be King [1975].

"Yeah. It’s the jouney of a man...like dalawa silang magkaibigan, yung journey nila.

"Like in my case, parang you evolve from a boy, to a guy, to a man.

"That’s how you look at things, how you become a man. But it’s a never-ending process.

"Parang refining.

"That’s what I do right now. I refine myself in different...yung aspect of my life."

Ayon pa kay Diet, pinag-aaralan din niya ngayon ang pagbuo ng konsepto para sa TV projects and film dahil malamang daw ay pasukin din niya ang pagpo-produce.

"Kasi sa tagal ko ba naman dito sa industry, siyempre gusto rin nating i-share yung mga natutunan ko at naituro sa ’kin ng mga kasamahan ko sa industriya.

"I would want to also give back," sabi niya.

FRIENDSHIP WITH KRIS AQUINO. Ayon kay Diet ay nagpalitan sila ng mensahe ng Queen of All Media na si Kris Aquino nitong nagdaang Kapaskuhan.

Pero, may nasabi si Kris sa isang interview na parang, "I can’t be friends with Diether anymore."

Ano ito?

Ayon kay Diet, "For whatever reason, I really respect the person. Probably she has her own reason why.

"And ako naman, di ba...never namng nawala yung ano ko sa kanya. Nandito lang ako, alam niya yun.

"Ke magkita kami o hindi, parang di na tinatanong yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She would always be like, you know...one of my, you know, very good friends in the industry.

"And for that, parang lagi ko na nga lang sinasabi na, if people don’t understand that kind of friendship [wala na kaming magagawa].

"Sa amin naman, as long as we know where we are, kung ano kami sa isa’t isa, yun ang importante.

"Na hindi naman kung ano yung sasabihin ng mga tao paligid, e.

"I mean, yung connection naming dalawa, that’s what I really value."

Pero bakit hindi na sila puwedeng maging magkaibigan, ayon kay Kris?

"I don’t know. You should ask her that.

"Ako naman, di ako nawawala, nandito lang ako.

"If she needs me, I’m just here.

"Nothing changed," nakangiti pero mariing sabi ni Diet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN