Gerald Anderson admits Sarah Geronimo is "very special" to him, but insists he is not courting her

Gerald Anderson on Sarah Geronimo: ’She’s very special to me, napakaganda niya, napabakait. Pero hindi ako nanliligaw sa kanya. Kinikilala ko pa lang siya. Hindi pa kami nakakalabas na dalawa."


Bago matapos ang 2011, muling na-link sa isa’t isa sina Gerald Anderson at Sarah Geronimo.

Ito ay dahil muling nagkapareha ang dalawa sa pelikulang Won’t Last A Day Without You.

Ito ay follow-up movie nila pagkatapos ng blockbuster hit na Catch Me, I’m In Love.

Usap-usapan na nagtuluy-tuloy na raw ng closeness ng dalawa, kung saan nakita pa raw na dumalaw ang young actor sa commercial shoot ng Pop Princess.

Mas lalo nga raw nagkalapit sina Gerald at Sarah pagkatapos ng showing ng kanilang second movie, patunay raw na hindi lang pang-promo ang closeness nila.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gerald sa studio ng ASAP 2012 noong Linggo, January 8, tinanong namin siya tungkol sa balitang panliligaw niya kay Sarah.

Ayon sa matinee idol, "Kumbaga, I’m taking this chance para makilala ko pa si Sarah.

"Hindi naman kinakailangan na ganun agad, hindi naman ako nagmamadali.

"Okay naman kami ni Sarah, nakikilala ko siya as friend talaga.

"Open ako in dating, yung makakilala ng ibang tao."

Iginiit ni Gerald na hindi siya nanliligaw kay Sarah.

Aniya, "Oo naman, she’s very special to me, napakaganda niya, napabakait.

"Pero hindi ako nanliligaw sa kanya.

"Kinikilala ko pa lang siya. Hindi pa kami nakakalabas na dalawa."

Kumusta naman ang pakikitungo sa kanya ng mga magulang ni Sarah, na kilala bilang mga istrikto at protective sa kanilang anak?

Ayon kay Gerald, "Okay naman, sobrang bait nila sa akin.

"Overrated yung mga balita sa kanila before.

"May dahilan naman si Tita Divine para maging ganun."

KIM CHIU. Kung successful ang primetime series ni Gerald sa ABS-CBN na Budoy, mainit ding tinatanggap ng mga manonood ang My Binondo Girl na pinagbibidahan naman ni Kim Chiu.

Dating magka-loveteam sina Gerald at Kim.

Dahil sa tagumpay ng My Binondo Girl, napatunayan ni Kim na kaya niyang magdala ng sarili niyang show kahit wala si Gerald at puwede siyang itambal sa iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinatutuwa naman daw ito ni Gerald.

Aniya, "Masaya ako for her.

"Sinusuportahan ko nga siya kasi mahal na mahal ko si Kim.

"I care for her, she’s special to me.

"Sinabi ko kay Kim bago mag-start ang My Binondo Girl na magki-click ang loveteam nila."’

Ang tinutukoy ni Gerald ay ang tambalan ni Kim at ni Xian Lim.

Ano naman ang reaksiyon ni Gerald sa balitang may espesyal na namamagitan na raw kina Kim at Xian?

"Well, kung ganun, personal na nila yun.

"Kumbaga, wala na akong karapatan na para mag-comment dun," sabi ng young actor.

BUDOY. Ipinagpapasalamat naman ni Gerald ang patuloy na tagumpay ng kanyang pinagbibidahang serye, ang Budoy.

Pero aminado siya na hindi pa rin nawawala ang pressure sa kanya.

"Marami pang dapat abangan kaya masaya ako, pero marami pa kaming gagawin para sa tao.

"Nandun pa rin yung pressure kasi gusto kong tapusin ang Budoy na magandang-maganda, yung gugulatin ko pa rin yung mga tao.

"Nagulat kasi sila nung simula, hanggang ngayon nagugulat pa rin sila sa mga pangyayari.

"Siyempre, gusto ko hanggang sa dulo," saad niya.

Ano ang ginagawa ni Gerald para hindi siya bumitiw sa kanyang character bilang Budoy, lalo’t mahirap ang role niya rito.

"Ang hirap talaga, lalo na sa ginagawa namin kasi gumagaling siya, so mahirap timplahin.

"Marami pang dapat abangan, but I’m really thankful na pinapanood siya ng mga tao."

Ano naman ang reaksiyon niya sa opinyon ng iba na malaki ang posibilidad na manalo siya ng award para sa pagganap niya sa Budoy?

"Sana hindi yung award na sa akin lang. Sana magkaroon kami ng award para sa special children, para sa edukasyon nila.

"Siyempre, natutuwa ako na pinapansin ang acting ko, pero sana pansinin nila yung mensahe," sabi niya.

INCREDIBLE 2011. "Incredible" ang naging deskripsiyon ni Gerald sa taong 2011.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, "Masaya, kasi nagkaroon ako ng dalawang movies under Star Cinema, ’tapos Budoy pa.

"So, napakaganda ng 2011 sa akin.

"For 2012, sana doble ng 2011 ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN