Claudine Barretto and husband Raymart Santiago fly to Italy on January 24 for their second honeymoon

Claudine Barretto on her career this 2012: "Dalawa na ngayon yung manager ko, so maraming plano sa career ko this 2012, so I’m really excited. So, sa mga fans ko, sana maging mas excited na kayo sa maraming projects na gagawin natin sa taon na ito."


Sisimulan ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago ang 2012 sa pamamagitan ng kanilang second honeymoon.

Ayon kay Claudine, sa taped interview sa kanya ng Showbiz Central noong Linggo, January 8, "Aalis kami this January...this month, for Italy. Oo, on January 24.

"Pinlano namin iyon para makapag-bonding kami kasi hindi pa .. parang once pa lang kami nakapag-spend time na kaming dalawa lang, na yung 10-day trip namin in Bangkok.

"Lagi kasi kasama yung mga bata.

"Pati nung honeymoon namin sa Amanpulo, kasama pa rin namin si Sabina.

"So, parang ngayon, naisip namin na oras naman para yung kaming dalawa lang talaga.

"Para talagang makapag-bonding and to really spend time talaga together."

Bagamat nabalot ng kontrobersiya ang 2011 nina Claudine at Raymart, naging masaya naman daw ang holidays nilang mag-asawa.

"Siguro medyo...medyo masaya lang, masaya lang itong Pasko lalo na yung New Year.

"Kasi, kami lang nina Raymart at yung dalawang anak namin at yung staff namin.

"’Tapos, sinelebrate namin yung sa farm namin sa Tanay and dun kami nag-fireworks.

"It was really magical for our children to see that.

"Talagang nakapag-bonding kami," kuwento pa ni Claudine.

Isa pang tinik na nabunot mula kay Claudine ay ang pagkakabati raw nila ni Gretchen Barretto, na dumamay sa kanya sa kasagsagan ng kanyang mga problema.

"Sa dami ng pinagdaanan ko ng 2011, having my sister back in my life outweighed parang lahat ng mga pinagdaanan ko.

"Nung merong mga panahon na kinailangan ko last year yung mga kaibigan ko at wala sila...and that you really have to choose your friends very, very well."

Kaya naman pagkatapos ng mga personal na unos, busy na ulit si Claudine, lalo na sa special appearance siya sa Tween Hearts na TV series ng GMA-7.

"Ang saya-saya nilang kasama! Masaya, masaya yung grupo.

"Parang natatandaan ko yung mga teenage years ko na ang kukulit, ang sarap!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang iniisip ko, ang sarap ng ganung age ulit ano?

"Na wala pa talagang iniintindi, wala pa talagang masyadong ano...kundi yung sarili nila kasi wala pang pamilya.

"Wala pang mga anak, and mababait yung mga bata and magagaling," saad ni Claudine tungkol sa young cast ng Tween Hearts.

Mas focused na raw si Claudine sa kanyang career ngayong 2012.

"Dalawa na ngayon yung manager ko, so maraming plano sa career ko this 2012, so I’m really excited."

Ang tinutukoy ni Claudine ay sina Shirley Kuan at Vic del Rosario ng Viva Entertainment.

"So, sa mga fans ko, sana maging mas excited na kayo sa maraming projects na gagawin natin sa taon na ito.

"Babawi tayo!" bulalas ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN