Richard Gomez comfortable working with Dawn Zulueta again despite their romantic past

Richard Gomez on working again with ex-girlfriend Dawn Zulueta: "Marami kaming magagandang eksena together. ’Yong mga confrontations. ’Yong mga light moments together. So, nare-rekindle sa mga tao ’yong relationship namin ni Dawn."


Nitong nakaraang holiday season ay naging sobrang abala ang aktor na si Richard Gomez.

Hati ang kanyang katawan sa pagtulong sa asawang si Lucy Torres-Gomez bilang congresswoman sa Ormoc City, at sa taping ng bagong serye na Walang Hanggan kasama ang dating kasintahang si Dawn Zulueta.

REUNION WITH DAWN. Balik-tambalan sina Richard at Dawn Zulueta sa ABS-CBN teleseryeng Walang Hanggan.

Tinatampukan din ito nina Coco Martin at Julia Montes.

"We’ve been taping practically every day kasi naghahabol kami ng oras," sabi ni Richard nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), matapos silang mag-guest ni Dawn sa The Buzz noong Linggo, January 8.

Excited daw si Richard sa kanyang role sa nabanggit na teleserye.

"It’s very nice. Kasi, ’yong tatlong generations ng istorya, bawat isa sa amin, may matigas na foundation.

"Hindi siya ’yong ordinaryong teleserye na nasa isang lugar lang ’yong istorya.

"Ito, talagang iba-iba."

Ano ang pinaka-challenging part ng papel niya?

"Acting with Dawn," mabilis na sagot ni Goma.

"Kasi ang galing na artista ni Dawn, e. So, dapat you have to level up."

Marami raw silang mga eksena na magkasama na may kilig pa rin.

Ito nga ay puring-puri ng kanilang direktor na si Jerry Sineneng.

Ibang klase raw talaga ang chemistry nina Richard at Dawn bilang magkapareha.

Na hindi umano nawala kahit pa sa totoong buhay ay may kanya-kanya na silang pamilya.

Sabi pa ng aktor, "Marami kaming magagandang eksena together.

"’Yong mga confrontations. ’Yong mga light moments together.

"So, nare-rekindle sa mga tao ’yong relationship namin ni Dawn."

Ang dating real-life romance nila ng aktres ang tinutukoy dito ni Richard.

Dagdag niya, "Mag-boyfriend-girlfriend ’yong role namin ni Dawn dito sa Walang Hanggan.

"Pero hindi kami nagkatuluyan kasi may nangyari. Hindi ko na sasabihin kung ano."

May mga kissing scene ba sila ni Dawn dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Secret!" nangiting sabi ng aktor.

"’Yong ganyang kissing scene, okey lang naman. Kasi mga artista naman kami."

Bukod nga roon, makikita rin sa kanila ni Dawn na nando’n pa rin ’yong genuine affection at friendship nila.

Kay Dawn lang ba niya na-maintain ’yong gano’n, o sa lahat ng mga naging ex-girlfriend niya?

"The affection should always be there naman. Kaya lang, iba na ’yong level of relationship," sagot ni Goma.

Gustung-gusto rin daw ng misis ni Goma na si Lucy Torres ang tambalan ng aktor kay Dawn.

Favorite movie nga raw ni Lucy, na isang TV host-politician, ang Hihintayin Kita Sa Langit (1991), na 20 times na raw yata nitong napanood.

Malaking bagay ba ito kung kaya kumportable talaga si Richard sa pakikipagtrabaho kay Dawn muli?

"Oo," prangkang sagot niya.

"Kasi, wala kang iniisip na pag-uwi mo ng bahay, may nagseselos na tao. Walang gano’n.

"And si Lucy is very happy for me...very happy for Dawn.

"And she’s very supportive."

Parang hindi selosang asawa si Lucy?

"Hindi, e.

"Kasi naiintindihan niya ’yong trabaho namin bilang artista.

"And I think iyon ’yong suwerte naming dalawa ni Dawn.

"We’re very lucky sa mga spouse namin na naiintindihan nila ’yong trabaho namin."

KAPAMILYA AND KAPATID. Sa TV5, malapit na ring umere ang The Biggest Game Show, kung saan si Richard ang host.

Sikat ang naturang show sa maraming bansa.

At natutuwa nga raw si Goma nang makuha ng Kapatid network ang franchise nito at sa kanya napunta.

"One season iyon tatagal. After that, hindi ko pa alam kung ano ang susunod na project ko sa TV5.

"I also don’t know kung may gagawin pa ako sa ABS after Walang Hanggan."

Pero na-miss talaga ng marami si Richard sa isang drama series dahil ibang klaseng TV show (variety, game) ang kanyang mga pinagkaabalahan nitong mga huling taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo nga, e!" sabay tawa ni Richard.

"At natutuwa naman ako na may mga feedback na...maririnig mo, na ’yong ginagawa mo, nagugustuhan nila.

"So, it really feels good."

Ang dati ring girlfriend ni Richard na si Sharon Cuneta ay exclusive Kapatid star na.

Paano kung may gawin ding teleserye sa TV5 ang Megastar at alukin siya na maging leading man nito, papayag ba si Richard?

"Tingnan natin," sagot ng aktor.

Pero bukas siya kung saka-sakali?

"Artista naman ako, e. At trabaho naman iyon.

"I’m open to both networks—5 and 2.

"Itong year 2012, I think it started very well.

"I think, magtutuluy-tuloy ito."

GOMA WILL MAKE TIME. Kung mas magiging busy pa siya sa kanyang showbiz career, paano na ang kanyang oras para sa pagtulong sa mga proyekto ni Lucy bilang congresswoman ng Ormoc?

"I will really make time.

"Meron talagang naka-allot na oras ako para do’n.

"Malibre lang ako ng kahit na isang araw, lilipad agad ako papunta doon. Just to do my work doon.

"’Tapos, babalik ako sa gabi.

"Parang katulad dati, artista ako, pero nag-aaral ako sa college. And at the same time, nasa national team ako.

"’Yong tatlong bagay na ’yon, nagagawa ko. Na mahihirap, pero at the same time, nag-e-excel ako.

"Up to now, kaya ko pa ring gawin iyon," sabi niya.

Alin ang mas priority niya—’yong nasa likod siya lagi ni Lucy at tumutulong sa pagiging public servant nito, o ’yong pagiging aktibo pa rin sa kanyang career?

"Kasi siyempre, trabaho ito, artista ako.

"Si Lucy naman, congresswoman. At kailangan niya ng suporta galing sa akin.

"So, I will always be there for her. I will always support and help her."

Halos nagdadalaga na ngayon ang unica hija nilang si Juliana. Lahat ay naghihintay kung kailan ito magkakaroon ng kasunod.

"Naku, ewan ko ba. Sana dumating na, ano?" nangiting sabi ni Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Baka naman dahil sobrang busy sila pareho ni Lucy, nawawalan na sila ng oras for intimate moments para sa kanilang dalawa?

"Hindi mawawala ’yon.

"Siyempre kailangan n’yo ring matulog, e.

"Dumarating naman ’yong oras na magkasama kami lagi!" sabay tawa ulit ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN