Dawn Zulueta on possibility of working with Gretchen Barretto: "Siguro ang kailangan munang mangyari, e, magkabati muna kami."

"Well, there is nothing wrong with wanting my own money. I went back because I wanted to work again. I stopped working for ten years or less, wala akong ginawa kundi maging housewife. But I miss showbiz. Pero bumalik muna ako sa hosting. Dun kasi, hindi masyadong kakain ng oras. But still, if that is the reason, I mean yung sinasabi nilang kaya ako bumalik sa showbiz dahil I want to have my own money—so what, di ba?" says Dawn Zulueta about


Malaki ang pasasalamat ni Dawn Zulueta sa management ng ABS-CBN dahil sa tuluy-tuloy na magagandang proyekto ang ipinagkakatiwala sa kanya.

Pagkatapos ng Mula Sa Puso, akala ni Dawn ay matagal-tagal muna bago siya mabigyan ng isang proyektong gustung-gusto niya.

"Katatapos lang namin ng Mula Sa Puso, then in-offer nila agad sa akin ang Walang Hanggan.

"Bukod sa napakalaking project, kasama ko pa rin ang mga beteranong artista na matagal ko na ring gustong makatrabaho.

"And then, nag-reunite pa kami ni Richard [Gomez] on screen, so that’s another thing to look forward to.

"Very memorable ang project na ito para sa akin," pahayag ni Dawn.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres sa presscon ng Walang Hanggan kagabi, January 10, na ginanap sa 9501 resturant ng ELJ Bldg. sa ABS-CBN compound.

BACK-TO-BACK TELESERYES. Pagkatapos ng Mula Sa Puso ay magpapahinga muna dapat si Dawn upang asikasuhin ang obligasyon niya bilang asawa ni Davao del Norte Representative Anton Lagdameo.

May mga anak sila: sina Jacobo, 6 years old, at Aisha, 2.

Saad ni Dawn, "I just want to spend time with my kids at sa husband ko dahil madugo rin yung taping ng Mula sa Puso.

"Gusto ko sanang i-enjoy ulit yung pagiging plain housewife, ihahatid ang mga anak ko sa school.

"And then just see kung merong magagandang project na darating.

"Pero dumating agad ito [Walang Hanggan]."

Hindi kaya magreklamo ang asawa niya dahil busy na naman siya ngayon sa pagte-taping?

"Well, hindi naman, kasi nagpaalam naman ako.

"At ganun pa rin naman ang schedule ng taping namin, M-W-F.

"At may cut-off naman sa oras, so walang problema sa kanya."

Pero aminado si Dawn na hindi na niya kaya ang sabay-sabay na proyekto.

Kumbaga, one at a time lang daw at hindi na kagaya ng dati na puwedeng maglagare.

"Sa akin, tama na yung paisa-isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, ayokong matatali nang husto sa mga appointment ko sa showbiz.

"Ang mga anak ko kasi ang iniisip ko.

"Tama na sa akin yung every-other-day taping," saad niya.

"BAD PEOPLE." Aware ba ang dalawang anak ni Dawn na sikat na aktres ang mommy nila?

"Aware naman sila dahil napapanood nila ako sa TV.

"Parang si Jacobo, naiintindihan na niya ang trabaho ko.

"Kasi dati, nagtatanong siya, bakit daw ako sinasabuyan ng asido, bakit daw ako kinukulong.

"Sabi niya, ’Mama, they are bad people. Don’t go to work anymore.’

"Sabi niya, huwag na raw akong mag-taping kasi bad sila sa akin!" natatawang kuwento ni Dawn.

"Pero sabi ko," patuloy niya, "’It is just work. They are all mama’s friends, we are only pretending.’

"Pero hindi ko pa rin nakumbinsi, kaya dinala ko siya sa set.

"So, nakakatuwa. And I think, ngayon, naiintindihan na niya na palabas lang lahat yun."

Na-miss ba talaga ni Dawn ang showbiz?

"I missed performing, pero siyempre ang hirap.

"Kasi yung mga projects na dumarating, e, kailangan ko talagang piliin.

"Hindi naman lahat kasi ng dumarating, e, kaya kong gawin.

"Namimili ako ng mga priority projects. Yung mga ganitong klaseng project.

"Kumbaga, yung istorya talaga, e, mapapa-wow ka.

"Gusto ko talaga ngayon, e, dramang-drama, kagaya rin yung Mula Sa Puso na maganda rin."

ANTON’S REACTION. Kung ang misis ni Richard Gomez na si Lucy Torres ay excited nang malamang muling magkakatrabaho sina Goma at Dawn, ano naman ang reaksiyon ni Congressman Lagdameo tungkol sa pagtatambal nilang muli ni Richard?

"Well, ang tanong lang niya sa akin, e, ’Gaano ka katagal mawawala? May cut-off time ba ’yan?’

"Yun lang talaga ang concern niya.

"Yung ilang araw akong magtatrabaho. Kung saan yung mga tapings ko. At kung out of town naman, gaano kalayo.

"Mga ganung klase lang ang mga tanong niya agad sa akin,

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang concern lang talaga, niya, e, yung security ko, yung safety ko, at hindi ako masyadong na-overwork."

Nalaman din namin kay Dawn na sa Manila na naglalagi silang mag-anak.

"We moved here mga seven years ago, but we still keep our home in Davao.

"Pero Anton, madalas...there in Davao, every week. Kasi he is the congressman of the province.

"Siyempre, kailangan din niyang bisitahin ang mga constituents niya.

"So, kami, dahil nag-aaral ang mga bata dito at ako may trabaho, e, dito kami talaga," saad pa ng aktres.

CONGRESSIONAL SPOUSES. Sina Dawn at Richard ay parehong nakapangasawa ng mambabatas—si Anton ay congressman ng Davao del Norte, samantalang si Lucy ay naman ay representante ng Ormoc.

Sabi ni Dawn tungkol dito, "Dahil nga diyan, e, pareho kaming congressional spouse ni Richard.

"Pareho kaming member ng foundation ng mga asawa ng mga congeressman.

"And take note, si Richard ang treasurer!

"So, pag kailangan kong kumuha ng pondo para sa livelihood project na gagawin ko, e, kailangan ko pang hingin ang signature niya. Ako pa ang nagre-request.

"Minsan nga nagkita kami sa isang congressional assembly ng mga congressmen spouses.

"Binulong ko sa kanya na, ’Goma, tingnan mo tayo, sino ang mag-aakala na one day, kagalang-galang tayong dalawa.’

"Parang may second career kaming pareho!" napatawa pang banggit ni Dawn.

Dagdag pa ni Dawn, kung siya ay simpleng miyembro lang ng congressional spouses, si Goma raw ay talagang abala sa mga proyekto.

Parang doon na nga raw nakatira sa Batasan Pambansa ang aktor dahil every now and then daw ay nakikita si Richard sa naturang opisina ng mga mambabatas.

ENTERING POLITICS. Kung si Richard ay may balak pa ring tumakbo sa pulitika, hindi ba pumapasok sa isip ni Dawn na pasukin na rin ito?

"Hindi, wala talaga akong kaplano-plano riyan," sagot niya agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya na ako sa mga ginagawa ko ngayon. I’d rather be working in what I do best.

"Si Anton, second term na niya ito.

"Next year, mangangampanya na naman kami for his last term."

Pagkatapos ng last term ni Anton, paano kung siya ang pakiusapan ng mga taga-Davao na pumalit sa iiwanang posisyon ng asawa niya?

Ayon kay Dawn, "Well, I cannot imagine myself sa politics.

"Sinasabi ko pa kay Anton, kung gusto pa rin niyang pangalagaan ang constituents niya after his term, e, marami siyang mga kapatid.

"Let them run, not me."

HAVING HER OWN MONEY. May mga naglabasang intriga noon na kaya bumalik sa showbiz si Dawn ay dahil gusto raw niyang magkaroon ng sariling pera at hindi yung umaasa na lang sa asawa niya.

Ano ang masasabi ni Dawn dito?

"Well, there is nothing wrong with wanting my own money.

"I went back because I wanted to work again.

"I stopped working for ten years or less, wala akong ginawa kundi maging housewife.

"But I miss showbiz.

"Pero bumalik muna ako sa hosting. Dun kasi, hindi masyadong kakain ng oras.

"But still, if that is the reason, I mean yung sinasabi nilang kaya ako bumalik sa showbiz dahil I want to have my own money—so what, di ba?

"I think nowadays, a woman, even with a husband who can very well take care of her needs, if she wants her own money, can work.

"So, what’s wrong with that?"

AWARD FOR TV. Ngayong aktibo muli si Dawn sa pag-arte, pangarap din ba niyang magkaroon ng acting award sa telebisyon?

"It is always good to be recognized, but yung sabihin mong goal ko ang magka-award sa TV, e, hindi.

"My goal is to work on something that I enjoy.

"That’s why it’s not worth it for me to accept any project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I have to want it. I have to like the role that I portray.

"If by portraying that role, I portray it so well that people noticed me and gave me and award, then thank you.

"Pero siyempre, hindi yun doon ang focus ko."

GRETCHEN BARRETTO. Gaya ni Dawn ay nagbalik na rin sa pag-arte ang nakaalitan niyang kaibigan na si Gretchen Barretto.

Kung si Dawn ay mayroong Walang Hanggan, si Gretchen naman ay sisimulan na ang teleseryeng Alta.

Dahil pareho silang nasa Kapamilya network, may pag-asa kayang magkasama silang dalawa sa iisang proyekto?

"Hindi ko alam.

"Siguro ang kailangan munang mangyari, e, magkabati muna kami," diretsong sagot ni Dawn.

Wala pa bang pagkakataon na nagkita at nagkausap silang dalawa?

"Well, nagkita na kami, pero hindi kami nagkaroon ng chance na makapag-usap.

"So, siguro, antayin na lang natin dumating ang pagkakataon.

"Kapag nangyari yun, maybe."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN