Melissa Ricks admits getting upset over on-air teasing directed at her and ex-boyfriend Jake Cuenca: "I do not find it amusing."

Melissa Ricks on ex-boyfriend Jake Cuenca: "For me, I think it’s better off na hindi na lang kami maging friends, it’s better that way. I don’t want to say anything bad. I tried, we tried, but it didn’t work out. Siya [Jake] ang nagsabi na maging friends kami, e, pumayag naman ako, but it didn’t work out that way. Mas okay ngayon na yung civil na lang kami, so deadma na."


Noong Linggo, January 8, ay sabay na nag-celebrate ng kanilang birthday sa ASAP 2012 ang dating magkasintahan na sina Melissa Ricks at Jake Cuenca.

Si Melissa ay nagdiwang ng kanyang 22nd birthday noong January 9, samantalang si Jake ay nag-24 noong December 30.

Kaugnay nito, may lumabas na balita na nag-iiyak daw si Melissa pagkatapos ng double birthday celebration nila ni Jake sa musical-variety show ng ABS-CBN.

Na-offend daw kasi ang young actress sa ginawang panunukso sa kanila ng ilan sa mga hosts ng ASAP habang ini-interview sila nang sabay.

"IT’S WRONG." Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Melissa sa grand presscon ng Walang Hanggan kagabi, January 10, inamin niyang nasaktan siya nangyari at tuluyan nang umiyak.

Saad ng young actress: "I got upset.

"It’s my birthday and after nung prod [production number] namin, ’pinagsama kami sa stage, that’s fine.

"I was not told na yun ang mangyayari, may tuksuhan.

"I think it’s wrong. I think they shouldn’t have done that on my birthday.

"I think hindi nila naiintindihan kung ano ang nangyari.

"Ang mga hosts, nag-sorry sila sa akin.

"I do not find it amusing. I do not find it funny anymore.

"I know he’s [Jake] moving on; ako, I’m moving on. Yun na lang."

Ang magkasintahang sina Billy Crawford at Nikki Gil ang nag-interview kina Melissa at Jake pagkatapos ng magkahiwalay nilang production numbers.

Ipinakita naman sa camera ang iba pang kasama sa ASAP 2012 na tila kinikilig at sumisigaw ng "Kiss! Kiss!" habang ini-interview nang sabay ang dating magkasintahan.

Dagdag pa ni Melissa: "It’s been a year.

"Ako, I’ve moved on, sana everybody else can move on, kasi paulit-ulit, diyan ako naiinis.

"Paulit-ulit yung issue, hindi natatapos, one year na.

"It’s 2012, ang ganda ng taon ko, and then may mga ganung issue pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Let’s forget about it, let’s move on, let’s all be happy.

"Ako, I didn’t say anything about what happened para matapos na.

"Sana tumigil na kasi I got over it, sana yung ibang tao will get over it."

Ano naman ang masasabi niya sa reaksiyon ng iba na sana raw ay sinakyan na lang niya ang panunukso at hindi na masyadong sineryoso ang nangyari?

"I did. I was laughing. I was answering.

"But at the backstage, I was crying, I was upset.

"Ang haba ng airtime na ginamit nila for joking around.

"It wasn’t proper.

"Again, it was my birthday, dapat masaya," saad ni Melissa.

NOT ANGRY AT JAKE. Nilinaw ni Melissa na hindi siya galit kay Jake dahil wala naman itong kasalanan.

Aniya, "Alam mo nung umaga, we were fine.

"I said hello to Jake and I greeted ’Happy Birthday.’ Magkasabay ang prod namin.

"I don’t know, hindi ko siya nakausap.

"There’s no reason to feel sorry naman kasi wala naman siyang ginawa. Hindi ako galit sa kanya.

"It was just upsetting to me na it had to happen on my birthday."

Aniya pa, "Okay na ako, okay na siya, we’re both okay.

"Tahimik na ang lahat, tapos heto na naman.

"It’s starting all over again, interviews again, tsismis again.

"So, tama na."

Idiniin ni Melissa na okay na talaga siya at lahat ay parte na lang ng nakaraan.

"I can say I’m lot better, I can say I’m so much better than several months ago.

"Masaya na ako ngayon.

"It was my birthday and then we had a party, all my friends were there.

"Nag-party kami sa Reserve sa Ortigas, dun kami nag-celebrate ng birthday ko.

"All of my friends ko, walang kulang...except one who had work, sobrang saya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"After naman ng ASAP incident, then birthday ko, bawi naman."

NOT YET READY TO BE FRIENDS WITH HER EX. Pero sa kabila ng pagsasabi ni Melissa na nag-move on na siya, aminado siyang hindi pa siya handang makipagkaibigan muli sa ex-boyfriend.

"For me, I think it’s better off na hindi na lang kami maging friends, it’s better that way.

"I don’t want to say anything bad.

"I tried, we tried, but it didn’t work out.

"Siya [Jake] ang nagsabi na maging friends kami, e, pumayag naman ako, but it didn’t work out that way.

"Mas okay ngayon na yung civil na lang kami, so deadma na."

Ayon pa kay Melissa, wala siyang regrets sa naging relasyon nila ni Jake dahil marami siyang natutuhan sa halos dalawang taong relasyon nila.

"I can say na hindi ako nagsisisi na nagkarelasyon kami ni Jake dahil, sa relasyon na yun, I grew up as a person.

"Marami akong natutuhan na mga dapat at hindi dapat gawin sa isang relasyon.

"It made me a better and stronger person.

"Lahat ng luhang iniyak ko, may paghuhugutan na ako sa mga eksena.

"Dati wala akong pinaghuhugutan, ngayon mayroon na.

"I want to thank him also. I want to wish him all the best.

"Sana hindi na gawan ng issue talaga," asam ni Melissa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN