Julia Montes maintains friendship with Kathryn Bernardo despite the two taking different career paths

Julia Montes (in photo) on Kathryn Bernardo: "Parang mala-Kim [Chiu] raw yung path niya and parang Bea [Alonzo] daw yung path ko. So, talagang hindi naman kami magka-clash. Siguro dun sa mga fans, dun medyo magkakairingan dahil nauna nga raw ako, ganyan-ganyan. Pero wala talaga yun sa amin ni Kathryn. Kung may rivalry man, siguro friendly rivalry naman siya."


Masayang-masaya si Julia Montes sa tinatamasa niyang kasikatan ngayon.

Sa ginanap na presscon kagabi, January 10, ng Walang Hanggan—ang bagong primetime series ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Julia at Coco Martin—tinawag ang Kapamilya young actress bilang "Phenomenal Primetime Princess."

Reaksiyon naman ni Julia sa titulong ito: "Siyempre po, flattered and overwhelmed.

"Kasi hindi ko po talaga inisip na maaabot ko yung ganitong achievement sa career ko.

"Thankful lang po ako sa ABS-CBN sa pagtitiwala at sa pagbibigay sa akin ng opportunity para mapasama sa main cast ng ganito kalaking proyekto.

"Tapos, mga beterano at magagaling na mga artista pa ang kasama ko rito sa Walang Hanggan."

Bukod kina Julia at Coco, kasama rin sa powerhouse cast ng Walang Hanggan ang dalawang reyna ng pelikulang Pilipino na sina Susan Roces at Helen Gamboa...

at ang "eternal loveteam" na sina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Kabilang din sa cast sina Rita Avila, Melissa Ricks, Joem Bascon, Paulo Avelino, Joel Torre, at Eddie Gutierrez.

Sa direksiyon nina Jerry Lopez Sineneng at Trina Dayrit, ang Walang Hanggan ay mapapanood sa ABS-CBN Primetime Bida simula Lunes, Enero 16.

FROM KONTRABIDA TO BIDA. Mula sa pagiging kontrabida ni Kathryn Bernardo sa Mara Clara ay bida na ngayon si Julia sa Walang Hanggan.

Ginagampanan niya rito ang role ni Katerina na iibig kay Daniel, na ginagampanan naman ni Coco.

Hindi ba siya nape-pressure sa pag-level up sa ibinibigay na roles ng ABS-CBN sa kanya?

"Nape-pressure ako kasi siyempre talagang e-effort ako rito," pag-amin ng 16-year-old actress.

"And bigla akong talon from Growing Up, from Mara Clara, na talagang puppy-puppy love.

"Eto, talagang love na talaga, e. So, talagang iba ’yung effort."

"Kung dati kasi nakaka-relate pa ako dun sa puppy love, dito nahirapan ako kasi nga, bilang wala pa akong nagiging boyfriend.

"Kumbaga, wala akong paghuhugutan ng emosyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ang ginawa ko na lang ay i-feel yung character ko.

"Siyempre, tinulungan din ako nina Direk."

Sa tingin ba niya ito na ang role na maglulunsad sa kanya bilang "the next big star"?

"Hopefully po, sana po.

"Ginagawa ko po ang lahat ng best ko dito.

"Sa tulong po ni Coco, ng lahat, ibang-iba Julia ang makikita n’yo rito."

RIVALRY WITH KATHRYN. Ano naman ang masasabi niya na sa first quarter ng 2012 ay tila naungusan niya si Kathryn?

Dahil mas nauna nga siyang nagkaroon ng project at kaagad na nabigyan ng mature role?

Saad ni Julia, "Hindi naman po siguro naungusan, kasi may ginagawa rin naman pong project si Kathryn.

"Nagkataon lang na mauunang ipalabas itong Walang Hanggan.

"At saka kung titingnan n’yo kami, physically, talagang mas mukha akong mature compared kay Kathryn.

"So, siguro yun ang nakita nina Sir Deo [Endrinal, ABS-CBN business unit head], kaya nauna akong nabigyan ng ganitong role."

Kumpara rin kay Kathryn, nauna siyang mabigyan ng title bilang "Phenomenal Primetime Princess."

Ano ang masasabi niya rito?

"Siyempre, sobrang saya ko," sambit ni Julia.

"Pero aaminin ko sa inyo, si Kathryn, lagi pa rin kaming magkatawagan, sobrang saya niya para sa akin.

"And masaya ako dahil ganun pa rin yung friendship namin, walang nagbago."

Dahil nga sa pagkukumpara sa kanila, mas tumitindi tuloy ang rivalry sa pagitan nila ni Kathryn, lalo na at pareho na silang bida ngayon.

Ano ang reaksiyon ni Julia rito?

"Siguro hindi rin, kasi iba yung path niya, iba rin path na ginagawa sa akin.

"Parang mala-Kim [Chiu] raw yung path niya and parang Bea [Alonzo] daw yung path ko.

"So, talagang hindi naman kami magka-clash.

"Siguro dun sa mga fans, dun medyo magkakairingan dahil nauna nga raw ako, ganyan-ganyan.

"Pero wala talaga yun sa amin ni Kathryn.

"Kung may rivalry man, siguro friendly rivalry naman siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin niya, ano ang difference ng acting nila sa isa’t isa?

"Pagkakaiba? Siguro pag tiningnan ako, mas maangas lang.

"Kumbaga, puwede akong magkontrabida, puwede akong magbida.

"Kasi Mara Clara pa lang, kontrabida ako.

"Iba kasi yung mukha ni Kathryn, maamo talaga yung mukha niya.

"Ako, pag sumeryoso ang mukha ko, akala nila isnabera na ako.

"May ganung factor ako."

ADMIRING COCO. Bagamat aminado si Julia na hinahanggan niya si Coco at ideal boyfriend daw ang dating nito, ayaw muna niyang isipin ang pagkakaroon ng lovelife.

"Ayoko munang isipin yung ganyan kasi aminin natin, bata pa naman po ako.

"Sixteen lang ako turning seventeen. Wala muna ’yan sa isip ko.

"Saka na po muna siguro ’yang lovelife. Gusto ko po munang mag-focus sa career ko.

"Ayoko naman pong sayangin ang magagandang opportunities na dumarating sa akin."

Ano ba ang good qualities ni Coco kaya nasabi niyang "ideal boyfriend-material" ito?

"Maalaga siya on- and off-cam. Nakaalalay sa role, sa set. Mabait at humble pa."

Dahil love interest nga niya si Coco sa Walang Hanggan ay may intimate scene na rin daw silang nakunan. Gaano ka-intimate ba ito?

"Abangan n’yo na lang po," nakangiting sabi ng dalaga.

"Basta ang masasabi ko lang, ibang Julia ang mapapanood n’yo rito. Ibang-iba sa Growing Up at Mara Clara."

Pero ano ang naramdaman niya nang kunan ang eksenang ito?

"Talagang kinakabahan ako nang literal.

"Siguro naging factor na rin na magkakilala na kami ni Coco kaya nabawasan yung kaba.

"And inisip ko rin, na para rin sa show, kaya kailangan naming gawin nang maganda yung eksena.

"Inalalayan naman ako ni Coco," sabi ng young actress.

Gaano ka-intense ba yung eksena?

"Intense na intense. Basta abangan n’yo na lang po."

Hindi ba siya naiilang sa sinasabi ng iba na parang hindi raw sila bagay ni Coco dahil nga mas bata siya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung si Julia ay magse-17 pa lang, si Coco naman ay 30 years old na.

"Noong una po, inaasahan na namin ’yan.

"Pinag-usapan na namin na feeling namin, maraming magre-react kasi nga yung age gap.

"Pero dito, pag pinanood n’yo, hindi n’yo maiisip yung age gap namin.

"Talagang love yung makikita nila rito sa Walang Hanggan," sabi ni Julia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN