Phil Younghusband on Angel Locsin: "Yes, I think she’s the one... Yes!"

"I grew up in England, but being with Angel is special. It feels different. I feel closest to her than anyone. I feel happier that I’ve ever been. And I just know that I want my future to be as happy as it is now. And I know that would be with Angel," says Phil Younghusband when asked how much he loves girlfriend Angel Locsin.


Sa ginanap na presscon ng United Football League kaninang tanghali, January 11, sa Society Lounge, Makati, lahat ng kasamahan ni Phil Younghusband ay nagsabing ang crush nila ay si Angel Locsin.

Ito raw ang pinaka-attractive na local celebrity.

Tawanan ang lahat habang isa-isang sumagot ang football players na miyembro ng Azkals.

Confident naman daw si Phil na hindi aagawin sa kanya ng kanyang mga kaibigan ang babaeng sinasabi niyang pinakamalapit sa kanyang puso ngayon.

Matapos ang presscon, naiupo ng entertainment press si Phil para sa ilang katanungan tungkol sa bukambibig niyang si Angel.

Kumusta na siya?

"Ako? I’m good, I’m happy. I’m excited for Saturday, I’ll get to play!" sabi ni Phil tungkol sa magiging laro niya sa Sabado, January 14, sa Rizal Memorial Stadium.

TWO PEOPLE IN LOVE. Gaya ng basketball league ay mapapanood na maglalaban-laban ang iba’t ibang football teams nang live sa AKTV on IBC 13.

Manonood ba si Angel ng laro niya sa Sabado?

Ayon kay Phil, "No. She’s busy shooting.

"She’s working every day at the moment, so she won’t be there."

Kapwa ayaw raw nina Phil at Angel lagyan ng label o tawag ang kanilang relasyon.

So, paano bibigyan ng definition ang kanilang relasyon?

"A, we’re in love," sagot ng Fil-Brit football player.

"We said that, we’re in love with each other.

"And we communicate very well and we’re very, very, very good. We’re happy.

"Of course, as I’ve said, with two people in love, take and feel the status of our relationship is important.

"What we feel is important is how we feel about each other.

"And we’re in love and happy and wanna be together."

TOGETHER DURING THE HOLIDAYS. Paano sila nag-celebrate ng Pasko?

"Christmas was good. I was with Angel during Christmas and New Year’s.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So it was good, fun and happy."

Nakilala na ba niya ang ama ni Angel na si Mr. Angel Colmenares?

"Yes, yes. I’ve met Angel’s dad... I’ve been introduced and we get along really well."

Sa parte naman ni Angel, naipakilala na ba niya ang aktres sa kanyang mga kamag-anak?

"Yes. Yes she has.

"She was with me during the passing of my mom.

"She was able to meet my all cousins, and aunties and uncles.

"And everyone got on well.

"They love Angel and everyone treated her very well."

IT’S BEEN A YEAR. Ilang araw na lang at Valentine’s Day na. Ano ang plano nila ni Angel?

"Yes... I mean, I met Angel around that time and it’ll be a year that we’ve known each other.

"So I have to find something special on... I’m not sure what yet, but I want it to be special."

Matatandaang sa pamamagitan ng Twitter ay inimbitahan ni Phil si Angel upang maging Valentine date nito.

Doon nagsimula ang magandang pagtitinginan ng dalawa.

GETTING TO KNOW HER MORE. Sa mga nagdaan niyang interviews, sinabi ni Phil na may mga nadidiskubre siyang mga bago kay Angel.

Ngayon, ano naman ang kanyang mga natuklasan sa aktres?

"I’m discovering new things about her each time. I’m realizing how bagay we are together.

"We find out new things about each other.

"I’m sure in 2013, we’ll still find out new things about each other," sabi niya.

Nag-aaway rin ba sila?

"No, we have a good... communicate...we talk a a lot and we communicate, which means we don’t quarrel.

"We don’t really fight."

Ano ang masasabi niyang pinakamabigat nilang naging problema?

"We haven’t had a problem. We hadn’t had a problem," sabi ni Phil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba boring kung walang rekado na konting awayan?

"No, it’s not boring ’coz we’re happy. We’re in love.

"We’re happy and it’s not boring.

"Why do two people want to fight? I don’t understand why."

DISAGREEMENTS? Wala man lang ba silang maliliit na hindi pinagkakasunduan?

"If we have a problem with anything, we discuss it and...

"We’re two very honest and trusting people.

"And we communicate and that’s how we get through things."

Sigurado na ba siya kay Angel?

"Yes. Yes, I’m very, very sure."

Sa tingin ba ni Phil ay si Angel na talaga ang babae para sa kanya?

"Yes, I think she’s the one... Yes!"

Paano niya ito nasabi?

"Just the way...our relationship. We’re very close and we...you just know.

"For me, you just know and you don’t need any evidence, you just feel it.

"And when we’re together, we feel very strong about each other."

THE ONE! Sa dami ng mga napuntahan na niyang bansa at mga nakilalang mga babae, ano ang kaibahan ni Angel sa kanyang mga nakilala?

Ayon kay Phil, "I grew up in England, but being with Angel is special.

"It feels different. I feel closest to her than anyone.

"I feel happier that I’ve ever been.

"And I just know that I want my future to be as happy as it is now.

"And I know that would be with Angel."

Hindi maiwasang magkaroon ng kissing scenes o love scenes si Angel sa mga teleserye at pelikula dahil aktres siya.

Wala raw kaso ito kay Phil.

Aniya, "That’s her job.

"She was an actress before she met me and I can’t take that away from her.

"And she’s very talented. She’s very professional and I trust her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And there’s no issue.

"That’s part of her job and I understand that."

Si Angel nasa showbiz, at siya naman ay sa sports, paano sila nagkakasundo?

"That means we have more to talk about because we’re interested in each other.

"I’m interested in her movies, in her teleseryes, in her work.

"She’s interested in what I do and that gives us a good conversation."

Kung busy si Angel at siya naman ay may mga laro, nagkakaroon pa ba sila ng panahon sa isa’t isa?

"O, yes, we still have time," sambit ni Phil.

"She’s very busy now but after the movie, we’ll have time.

"After her last movie, we had time to spend with each other.

"She had a break during Christmas. We, we have time to spend with each other."

PHIL IS JEALOUS? Nagseselos ba siya sa mga nakakatambal ng aktres?

"No, no, no, no!" tanggi ni Phil.

Si Angel ba, nagselos na?

"No, no, no, no! There’s no jealousy.

"As I’ve said, we communicate and I trust Angel."

Hindi sila nag-aaway, walang selosan, may gano’n pala?

"We don’t quarrel. We’re very happy!" natatawa niyang sagot.

Kahit na kay John Lloyd Cruz—na nakasama ni Angel sa teleserye, pelikula, at commercial—hindi siya nagselos?

"A...that’s part of her job. It’s not ideal, but I understand.

"She’s very, very professional and that’s part of her job.

"And she’s really enthusiastic about being an artist.

"Being an actress and...she can be the actress she wants to be.

"It’s okay, I understand. It’s her work."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN