Sheena Halili says Marian Rivera has mood swings like everyone else; prays for guidance if Rocco Nacino becomes her boyfriend

Sheena Halili on Rocco Nacino being paired with Kylie Padilla: "Basta ako, magiging totoo na lang ako sa nararamdaman ko. Siguro nasa sa aming dalawa na lang yun—nasa kanya at saka ako. Pero ako, trabaho ’yan, siyempre ayoko namang maging kontra sa trabaho niya."


Sa pagtatapos ng Amaya ngayong Biyernes, January 13, isa sa labis na apektado ay si Sheena Halili na gumaganap bilang Ahak sa epic-seryeng pinagbibidahan ni Marian Rivera.

"Malulungkot ako kasi ang tagal.

"Parang ’yung last ako naging ganito katagal, yung Marimar ko, e, tapos ito ulit. Kay Marian ulit.

"Tapos ito kasi, maganda yung bonding ng mga artista at ’yung staff," kuwento ni Sheena nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Amaya sa Marilao, Bulacan noong January 6.

Nagkasama rin sina Sheena at Marian sa Marimar.

MARIAN’S ADVICE. Ano pa ang mami-miss niya sa Amaya?

"Mami-miss ko yung mga payo ni Marian.

"Si Marian kasi, ang galing mag-advice niyan, e, tsaka si Direk Mac [Alejandre].

"Yung pagkanta-kanta niyan, kumakanta ’yan sa mike, e.

"Kaya iyon, nakakalungkot."

Ano ang pinakamagandang advice na ibinigay sa kanya ni Marian?

"Mag-invest ako, mag-invest ako.

"Hindi importante kung ano ako ngayon, ang importante kung ano magiging ako in the future."

So, ano ang investment na gagawin ni Sheena?

"Siguro kapag sure na sure na, iyon, dun ko na lang siguro sasabihin.

"Pero may plano na ako, na isa siya [Marian] sa nag-encourage sa akin, tsaka sila Kuya Popoy [Caritativo], yung manager niya.

"Na tinutulungan nila ako na, ayun, ’Sige, ganyan, kaya mo ’yan!’ Yung mga ganun.

"Si Direk Mac din na, ’Sige, mas maganda yung ganyan kesa kung saan napupunta yung pinagkakakitaan mo.’ Iyon."

MARIAN AS CO-WORKER AND FRIEND. Matagal nagsama sina Sheena at Marian sa Amaya.

Ano ang masasabi niya sa ugali ni Marian? Sa mga intrigang masama diumano ang ugali ni Marian?

Nakita ba niya iyon?

"Hindi!" bulalas ni Sheena.

"Kahit naman sa Marimar, wala siyang ipinakitang masama sa akin. Totong tao lang siya.

"Siguro nagiging...nakikita ko lang sa kanya ano lang, kapag...

"Siyempre ang mga babae kapag...may karapatan naman siya na magalit, like kung inaano si Kuya Dong, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iyon lang. Pero kapag siya naman ang inaano, dedma siya.

"Kung siya yung sinisiraan, kung siya yung inaaway, wala siyang keber. Iyon ang nakita ko.

"Pero kapag kay Kuya Dong..."

Ang "Kuya Dong" na tinutukoy ni Sheena ay ang boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes.

May kuwento rin si Sheena tungkol sa kabaitan ni Marian.

Aniya, "Alam n’yo ba na hindi pa Pasko, namimigay na siya ng regalo dito sa set?

"At siya lahat ang nag-asikaso nun. Ganun siya.

"Tapos sa tent, ’O pasok si ganito, si ganyan.’

"Siya mismo magbibigay, siya pa mismo ang nagsusulat ng pangalan."

May mood swings ba si Marian?

"Siyempre lahat naman tayo, lahat ng tao.

"Tao siya, tao ako. Ako, meron din akong mood swings.

"Siguro pag nagkakaroon [ng monthly period] or ano, at siyempre hindi rin natin alam kung anong every day niya, di ba?

"Nagkakaproblema din naman siguro siya kahit Marian Rivera siya.

"So, ayun."

Dagdag pa ni Sheena, "Mabait at saka magaling sa buhay, sobrang galing niya sa buhay.

"Kapag kinukuwento niya yung mga pinagdaanan niya noon at saka kung papaano...

"Ngayon, alam natin na sobra-sobra siya sa blessings, pero hindi siya bulagsak sa pera, hindi.

"Iniisip pa rin niya na, ’Kailangan sa show na ito may ma-invest ako, na ganito. Kailangan sa ganito, may ganito ako,’ yung ganun.

"May plano siya sa buhay."

Naikuwento na ba sa kanya ni Marian kung may plano na silang pakasal ni Dingdong?

"Ako, para sa kanila, gusto ko!" bulalas ni Sheena.

"Pero wala, wala siyang ’kinukuwento.

"Siyempre, hindi naman dapat nanggagaling sa babae iyon, dapat sa lalaki yun manggaling."

ROCCO NACINO. Kumusta naman ang sitwasyon nila ng "special friend" niyang si Rocco Nacino.

Ayon nga sa iba, ang young Kapuso hunk ang "lovelife" ni Sheena ngayon.

"Lovelife? Lovelife na ba ito?" natatawang reaksiyon ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero aniya, "Okay lang, steady lang, steady pa rin.

"Yung...ewan ko ba, kasi busy, sobrang busy. Kahit may mga bakasyon na dahil nag-Pasko, New Year."

Ano ang regalo niya kay Rocco noong nakaraang Pasko?

"Wala nga, e!" at natawa si Sheena.

"Ano lang, ’take care,’ yung mga ganun. Waley."

Si Rocco, ano ang Christmas gift sa kanya?

"Tanungin mo na lang siya, meron naman."

May belated Christmas gift naman daw na ibibigay si Sheena kay Rocco.

"Meron naman, ewan ko, basta hindi ko pa alam, nag-iisip pa ako.

"Meron ba kayong alam? Hindi ko nga rin alam, e.

"Ang hirap kasi, hindi ako sanay.

"Kailangan na ba na magregalo ako? Nagkukuripot?" tawa niyang muli.

SELOS FACTOR. Sa bagong show ni Rocco sa GMA-7, ang The Good Daughter, ay kapareha ni Rocco ay si Kylie Padilla.

Hindi kaya magselos si Sheena?

"Hindi naman, hindi naman. Wala naman, work ’yan, e," sabi niya.

Pero malamang ma-link sina Rocco at Kylie. Handa na ba siya rito?

"Ganyan naman talaga, e, wala tayong magagawa, e.

"Anong gagawin ko, di ba? Anong gagawin ko? Poproblemahin ko ba yun?

"Basta ako, magiging totoo na lang ako sa nararamdaman ko.

"Siguro nasa sa aming dalawa na lang yun—nasa kanya at saka ako.

"Pero ako, trabaho ’yan, siyempre ayoko namang maging kontra sa trabaho niya.

"Tsaka wala naman akong karapatan para...ano, manager?" muling natawa si Sheena.

Biro namin kay Sheena, bakit hindi pa kasi sila umamin ni Rocco, e, 2012 na? At kapag mahal mo ang isang tao, dapat ipinagmamalaki, di ba?

Ayon naman sa young actress, "Kasi, alam mo naman na... Alam naman nating lahat na sa trabaho, sinasabi nga nila na, ’Ano ba yan?’

"Hindi naman kami ganung kasikat para...

"Ako naman, ang hirap kasing pangunahan yung mga bagay-bagay lalo na sa trabaho namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro maganda na lang din, kung anuman ang magkaroon kami, mas maganda na lang na ganito, steady lang.

"Walang pressure, walang kaming tinatapakan, wala kaming iniisip.

"Di ba? Walang nasasaktan, okay na yun."

FANTASIZING ABOUT ROCCO. Ano naman ang masasabi ni Sheena na pinagpapantasyahan ng maraming kababaihan at maging ng mga bading si Rocco?

"Oo nga, e, ang dami-dami nga na...

"Tinatanong ko nga siya, e, sabi ko, ’Bakit kaya, ’no?’

"Naglolokohan lang kami, sasabihin niya, ’Ewan ko,’ gumaganun siya.

"Pero siguro kanya-kanya din naman tayo ng ano... Wala, ganun talaga, e."

Hindi raw nagseselos si Sheena kahit alam niyang maraming nagpapantasya kay Rocco.

"Nagseselos? Hindi naman, bakit? Artista siya.

"Di ba, kaya siya nag-artista, kailangan niya ng appreciation, kailangang ma-appreciate siya.

"So, matuwa ako dapat na may mga nag-a-appreciate sa kanya.

"Kung ano naman, naglalakad kami, tapos walang pumapansin, di ba, parang, ’Ano ba yun?’"

Si Rocco ba ay nagseselos kapag tinitingan ng ibang lalaki si Sheena?

"Hindi!" bulalas ng dalaga.

"Ano naman yun, alam naman niya na ano ako, e, alam naman niya kung ano ako.

"Alam niya yung ugali ko na hindi ako...

"Hindi naman sa inaano ko yung sarili ko, na kahit sino pa ’yang guwapo na ’yan, kung...

"Hindi ako ganun, na para lang magkaroon ng boyfriend, para lang magka-atensiyon, parang...

"Okay lang ako na mag-isa, okay lang ako. Masaya ako mag-isa.

"Siya [Rocco], bonus. Kasi, di ba, na gusto niya akong makilala, gusto niya akong maging ka-close?

"Pinagpe-pray ko din ’yan.

"Sabi ko, na kung saka-sakali man na siya nga ang maging boyfriend ko, na sana i-guide kami ni Lord.

"Kasi hirap sa showbiz, e, ang hirap.

"Lalung-lalo na, ’ayan na naman ako, di ba?

"Dati nung si Rainier [Castillo, Sheena’s ex-boyfriend], nag-start siya, wala din naman siya, tapos ayan na!

"Ang hirap i-handle, ang hirap din na ipaano sa tao na girlfriend niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman siguro masama kung may konting time ako para sa kanya, na nandito ako para sa kanya.

"Na susuportahan ko siya sa ganito, kasi iyon ang role ko, di ba?

"Sana maintindihan ng mga tao kung saka-sakali man...sana,"
saad ni Sheena.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN