Geoff Eigenmann reveals talks on his possible transfer to another network; excited to work with Heart Evangelista again

Geoff Eigenmann on offer from another network: "Ang alam ko, meron nang nangyayari, meron nang pinag-uusapan. But I’m not really sure. Pero ang alam ko, meron na, there’s an offer. I’m not sure from who, but there is."


Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula kay Geoff Eigenmann na halos magkasabay lang daw ang kontrata nila ng girlfriend niyang si Carla Abellana sa GMA-7.

Ikatlong taon na rin daw niya ngayon sa Kapuso network magmula nang lumipat siya mula sa ABS-CBN.

Ang unang naging primetime series ni Geoff sa GMA-7 ay ang Rosalinda, kung saan naging leading man siya ng bagong lunsad noong si Carla.

Madalas kasing natatanong si Geoff tungkol sa balitang paglipat ng network ng kanyang girlfriend.

Sabi naman ng young actor, sa March nga ay magtatapos na rin ang kontrata niya sa GMA-7.

Pero sa desisyon kung magre-renew siya o hindi, o kung lilipat din siya ng network, ipinuubaya na raw niya sa kanyang manager na si Perry Lansigan.

Saad ni Geoff, "In all honesty, hindi pa kami nagkakausap ni Perry.

"Pero ang alam ko, meron nang nangyayari, meron nang pinag-uusapan. But I’m not really sure.

"Pero ang alam ko, meron na, there’s an offer.

"I’m not sure from who, but there is.

"Sabi naman niya [Perry], I have nothing to worry about.

"Kasi si Perry, alam n’yo naman na hindi sinasabi sa mga alaga niya ang lahat ng detalye hangga’t hindi pa siya 100 percent, or even 95 percent sure.

"So, gusto niya ganoon kasigurado bago namin malaman.

"But yes, this is my last show in GMA—contract-wise.

"Supposedly, three years, 12 shows."

Ang "last show" na tinutukoy ni Geoff ay ang primetime series na Legacy, na nagkaroon ng grand launch kagabi, January 10.

Dito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ang young actor.

Parang ang bilis ng panahon at naka-tatlong taon na pala sila ni Carla sa GMA-7.

"Actually, ang bilis nga," pagsang-ayon ni Geoff.

"Before Rosalinda, kasama ang SRO.

"Meron din kasing nagsabay, Rosalinda at saka ang pangalawang SRO namin, yung Carenderia Queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May mga times na mabilis nga, but yes, this is last."

LEGACY. Dito sa Legacy, makaka-love triangle ni Geoff sina Heart Evangelista at Lovi Poe.

Balik-tambalan din nina Geoff at Heart ang naturang serye. Una silang nagtambal noong pareho pa silang nasa ABS-CBN.

Hindi pa masabi ni Geoff sa ngayon kung sila ba ni Heart ang magkakatuluyan sa ending, dahil magsisimula pa lang ipalabas ang Legacy sa Lunes, January 16.

Ayon kay Geoff, "Meron kasing love triangle.

"Yung character kasi ni Sid Lucero, he’s going to like Diana [Heart] also.

"So, meron ako, si Heart at saka si Sid.

"Meron ako, si Heart at saka si Lovi.

"So, magulo. Iba-iba rin. Wala pang final."

Dagdag pa niya, "Yung mga ginagawa namin ni Lovi na mga eksena was actually intense scenes. May mga drama, mga iyakan.

"Lahat halos ng mga ginagawa naming scenes ngayon, as of now, big scenes lahat."

May love scenes din ba sila ni Lovi?

"Wala pa, wala pa, it’s too early to say," nakangiti niyang sabi.

"But it’s not my decision. It’s always them.

"Kung anuman ang kailangang gawin, basta done tastefully.

"And I trust naman Direk Jay Altarejos and with what he’s doing and everything.

"Sa napapanood namin, maganda naman talagang lumalabas, alaga kaming lahat."

Si Direk Jay rin ang direktor ng afternoon soap na Kung Aagawin Mo Ang Langit, kunsaan kasama naman si Carla.

May mga nalalaman daw si Geoff sa direktor nila ngayon base na rin sa mga kuwento ni Carla sa kanya.

"Marami, and ako, hindi ko pa nae-experience.

"But according to Carla, meron siyang mga time na kaeksena mo, bubulungan niya [Direk Jay] ng something na gawin sa eksena, na yung kasama, hindi alam.

"So, masu-surprise at may ganoong element.

"At saka, very meticulous siya, very detailed," sabi ni Geoff tungkol kay Direk Jay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Humihingi ba siya ng tips kay Carla about their director?

"Hindi naman ako humingi, but she gave me some tips, and madali lang din naman daw makatrabaho si Direk Jay.

"Very fun to be with and easy to get along. So, he’s open to ideas.

"Ako, mas game ako kapag ganoon, kasi may napag-uusapan kayo, may bonding talaga. May collaboration."

Ayon pa kay Geoff, pinaka-seryoso at pinaka-totoong role na ginawa niya ang papel niya sa Legacy bilang si Josh Ledesma.

Isa siyang mayamang resort owner na magkakagusto kay Natasha (Lovi), pero mababaling ang atensiyon kay Diana (Heart) at magiging dahilan ng conflict ng magkapatid.

WORKING WITH HEART. Ayon kay Geoff, hindi pa sila nagkakaroon ng eksena ni Heart na magkasama sa serye.

Pero ano ang mga inaasahan niya ngayon sa muling pakikipagtrabaho sa aktres?

"Marami actually," mabilis na sabi ni Geoff.

"Nagkikita naman kami sa set. Pero, hindi kami nagsasama sa scene.

"Kung magsama man kami sa eksena, nandoon kami, magkabilang kuwarto or magkabilang dulo ng kuwarto.

"Wala pang interaction at all. Kahit tinginan, wala.

"So, I’m excited working with her again.

"When we talk, parang walang nangyari na kung anuman. Just like the old time.

"Whatever we talk about, we’re always on the same page.

"Palagi kaming nag-a-agree and we can talk to each other about whatever we want talaga at open kami."

Diretsuhan naming tinanong si Geoff kung never naging sila ni Heart during their Kapamilya days.

"Never, never talaga," sagot ni Geoff.

"Noong time na Hiram, noong nagsimula ako sa ABS with my very first show, 2004 yun. So, seven years.

"Noong time na yun, ako, si Heart, at si Anne [Curtis], we all had our relationships.

"But we all make it work. Kanya-kanya kami."

Naaalala pa ni Geoff, puro non-showbiz daw ang karelasyon nilang tatlo noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s just work, e. I don’t know paano namin nagawa yun," sabi niya.

Pero aminado si Geoff na attracted siya kay Heart noong mga panahong yun.

Katuwiran niya, "How can you not be attracted to Heart Evangelista? Of course, may attraction.

"Inamin ko rin sa kanya na crush ko rin siya before. So, alam niya yun.

"I told her before, noong nasa ABS pa kami.

"I even told her yung mga first time na nag-uusap kaming dalawa lang, I told her from the time I met her for the very first time, silang dalawa pa ni John Prats noon.

"I met her, one New Year, hindi pa ako nagsu-showbiz noon, at nakilala ko siya because kaibigan ko si John.

"I told her about that night, naalala ko everything about that night.

"Na-amaze lang siya kasi naalala ko pati suot niya that night."

MISSING WORKING WITH CARLA. Aminado rin si Geoff na nami-miss na niyang makatrabaho si Carla.

Pero sa mga ginagawang proyekto ni Carla na hindi kasama si Geoff, nagagawa ng aktres na tumanggap ng mature roles.

At sa tuwina, palaging natatanong si Geoff kung nagpaalam ba sa kanya ang kasintahan, lalo na sa mga kissing at love scenes nito.

Ano nga ba ang pakiramdam ni Geoff tuwing natatanong siya tungkol dito?

"Hindi naman kasi niya formal na kailangang magpaalam.

"She doesn’t need my permission like... Basta, I know of the scenes in the movie, I know the context of the movie.

"She’s very detailed din naman kapag nagkukuwento siya.

"Especially kapag nakunan na nila ang eksena, ikinukuwento niya sa akin lalo na kapag naba-bother siya."

Kuwento pa ni Geoff, "Like in My Neighbor’s Wife and Yesterday Today Tomorrow.

"May mga scenes sila ni Dennis [Trillo] sa My Neighbor’s Wife and after nilang ginawa, nagkukuwento siya how it happened.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, may inaano pa ako na, ’Bakit hindi na lang ganito ang ginawa ninyo para it can be more easier for you?’ May mga ganoon.

"Pero, at the end, option ko pa rin naman.

"Like ako, I haven’t seen My Neighbor’s Wife."

Hindi niya kayang panoorin?

"For me, as of now, ayoko, ayokong panoorin.

"I know of it. I know of the content.

"Pero, iba when you hear it at kapag nakikita mo.

"Iba talaga especially on the big screen and there are people on the theater."

Pero um-attend daw siya ng premiere night ng Yesterday Today Tomorrow, ang MMFF 2011 entry kunsaan kasama rin si Carla.

"Yun nga, whatever it may be, she still has my support.

"Kahit hindi ko gusto, she still has it.

"Support system is hundred percent perfect," sabi niya.

GEOFF IN 2012. Ano naman ang mga nilu-look forward niya ngayong 2012?

"Well, marami," sambit ni Geoff.

"Based on this na lang, it’s been a while since I had my last show and with this one [Legacy], sobrang laki, and first of the year pa.

"With the big cast na sobrang I’m just proud to be part, doing scenes with these people, especially si Tito Eddie [Garcia].

"So, happy ako, very happy."

Nang tanungin kung ano ang Christmas gift niya kay Carla, sinabi ni Geoff na hindi pa ito nakakarating sa girlfriend.

"It’s something I ordered from Australia.

"I had it sent to the States to my dad [Michael de Mesa], so I still have to wait for him.

"He’s arriving in two days. So, ngayon ko lang makukuha," aniya.

Ano yung gift na yun?

"Parang snow boots," banggit ni Geoff.

"Kasi, we’re thinking of a vacation that we’ll have to go to mountains, snow and all that. Sa Japan, if ever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero wala pa naman kung kailan, but it’s sometime this year."

Aware na raw si Carla sa Christmas gift niyang ito mula kay Geoff dahil ito raw mismo ang pumili.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN