Cherie Gil co-stars with nephews Geoff Eigenmann and Sid Lucero in Legacy; admits putting off throat operation

Cherie Gil on why she has not yet undergone a throat operation: "Kasi kailangan may mindset ’yan, e, and time preparation, at ipon, di ba? Kasi like, what, halos six months din akong hindi makakatrabaho. Kaya hindi rin ako makatuluy-tuloy. Or, baka naman also I’m just justifying dahil takot din ako."


"A, walang dancing! Mother mode."

Ito ang sagot ni Cherie Gil nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang pagkakaiba ng role niya noon sa Time of My Life dito sa bagong primetime series ng GMA-7 na Legacy.

Nakausap namin si Cherie sa presscon ng Legacy noong Miyerkules ng gabi, January 11, sa Studio 6 ng GMA Network.

Sabi pa ni Cherie tungkol sa kanyang role, "Finally, ako ang legal wife! Before, I was the mistress all the time."

Halos hindi nababakante ng trabaho si Cherie sa GMA-7.

Pagkatapos niyang gawin ang Grazilda noong 2010, nasundan agad ito ng Magic Palayok at Time of My Life.

At ngayon naman ay kasama nga siya sa Legacy.

Tumatawang sabi ni Cherie tungkol dito: "I guess they know I need money!"

Per-show raw ang kontrata niya sa Kapuso network.

CHERIE’S PAMANGKINS. Kasama ni Cherie sa Legacy ang mga pamangkin niyang sina Geoff Eigenmann at Sid Lucero.

Si Geoff ay anak ni Michael de Mesa sa dati nitong asawa na si Gina Alajar; samantalang si Sid naman ay anak ni Mark Gil kay Bing Pimentel.

Parehong kapatid ni Cherie sina Michael at Mark.

May mga eksena raw si Cherie kasama ang dalawang pamangkin.

"Yeah, I think, pero hindi ko pa kasi nakikita yung script. Hopefully.

"Dapat lang kasi, eventually, I will run the company, so magkikita silang mga bagets, so I have to be there.

"I’m sure kailangan na may moment na I’ll be against one of them," saad ng aktres.

Nakasama na niya pareho noon sa magkaibang proyekto sina Geoff at Sid; si Geoff sa Grazilda at si Sid sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

"Pero first time kaming magkakasamang tatlo," banggit pa ni Cherie.

Sa hiwalay na interview ay inamin ni Sid na ninenerbiyos siya na makatrabaho ang kanyang Tita Cherie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni Cherie dito?

"E, paano naman kasi, the first day ng take niya noon sa MMK, umiiyak na agad siya, yung drama.

"And then, I’m supposed to have fainted, he’s supposed to carry me, right?

"So, tawa lang kami nang tawa. Hindi kami maka-drama."

Maging dito raw sa Legacy ay nenerbyusin pa rin si Sid kapag kaeksena na niya ang tiyahin.

"Ganun naman yun, e. Sid is very much like his dad.

"He never is satisfied with his work. He never feels that he’s good enough, you know?

"Lagi na lang, ’I wish I did that,’ ganun ang normal.

"I think that’s all we went through, e."

Ang ama naman ni Geoff na si Michael de Mesa ay umuwi na ng Pilipinas mula sa Amerika para gawin ang remake ng Valiente sa TV5.

"Great, great! I’m happy.

"He’s coming again [January 12], he went back for Christmas. He’s arriving...," balita pa ni Cherie.

Si Cherie ba ay hindi kinukuha ng TV5?

"Hindi pa naman," nakangiti niyang sagot.

Active ang halos lahat ng miyembro ng Eigenmann clan sa showbiz; tila ang ina lang ni Cherie na si Rosemarie Gil ang hindi aktibo ngayon.

"No, she in the States, but I just spoke to her the other day.

"And sabi niya, ’Wala ba akong role diyan?’

"Nagpaparinig na siyang nami-miss niya [ang pag-arte]," sabi ni Cherie.

ANDI EIGENMANN. Naitanong din namin kay Cherie ang tungkol sa isa pa niyang pamangkin na si Andi Eigenmann.

Maagang nabuntis si Andi at hiwalay na ito sa ama ng kanyang anak.

Sabi ni Cherie, "I felt what happened is her choice, and what happened is something that she courageously faced and she still continues to face, and her daughter is beautiful!

"And it’s not like it’s an unusual situation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We go through certain circumstances in life, it’s a question on how you choose to face it, and I’m very proud of her."

Galit ba siya sa ama ng anak ni Andi?

"Wala... hindi ko siya... I don’t even think he should even be considered or thought about because we’re okay.

"Andi’s happy and okay na yun.

"If you perceive life with anger, maaapektuhan lahat, e, pati yung bata.

"So, let it be.

"We just wish him well in his own growing-up process.

"Ganun lang naman ang buhay," saad ni Cherie.

THROAT PROBLEM. Naitanong din kay Cherie ang tungkol sa dapat ay pagpapa-opera niya ng kanyang lalamunan.

Noong ginagawa pa lang kasi niya ang Grazilda ay plano na niyang ipa-opera ito.

"Eto na naman!" natawang sabi ng aktres.

"I can’t, natatakot kasi ako, e.

"I have blisters in my throat. It’s...blisters siya, parang yung kay Julie Andrews."

Reinke’s edema ang tawag sa kundisyon ng lalamunan ni Cherie.

Hindi ba’t nagpa-opera ang binanggit niyang Hollywood actress noon?

"But she being a singer, and I don’t have a soprano voice like Julie Andrews, so okay lang ’yan," rason naman ng mahusay na aktres.

Major operation daw dapat ang gagawin kay Cherie.

"Oo, and four months pahinga, kaya hindi ko mapasok-pasok ’yan.

"Kasi kailangan may mindset ’yan, e, and time preparation, at ipon, di ba?

"Kasi like, what, halos six months din akong hindi makakatrabaho.

"Kaya hindi rin ako makatuluy-tuloy.

"Or, baka naman also I’m just justifying dahil takot din ako."

Gusto lang daw niyang magtrabaho muna.

"I think so.

"If the work is still there, parang gusto ko pa.

"For as long as the voice still comes out, then okay lang.

"But then sometimes, nakakairita na rin yung boses ko, e. Ako mismo naiirita na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lalo na pag puyatan na, na hanggang alas-dos na ng umaga—spray na ako nang spray, hot tea na ako nang hot tea."

DREAM ROLE. May role pa ba siyang gustong gawin na hindi pa niya nagagawa?

"Sa teatro! I’m doing a play, September.

"Again, kailangan ’yan, di ba, para balance.

"Ay, I’m excited, musical! Nine... Kay Bobby Garcia, sa Atlantis [Productions].

"I’m doing Nine, yung role ni... Sa Broadway, yung role ni Chita Rivera; sa movie, role ni Judi Dench."

Pampito na raw niyang play ito.

"And then after that, I will do a full gala for two and a half hours, solo monologue.

"Di ba, gusto ko lang ng katarayan?" at natawa ang aktres.

Paano ang boses niya?

"E, yun na nga. Well, after this, I hope to rest.

"Sabi nga nila kung merong rest period.

"Pero parang they’re cooking up ano, e, a remake of Problem Child.

"[In] another channel, tunog lang, tunog lang."

Ang Problem Child ang naging launching movie ni Cherie sa Regal Films noong 1980.

PROBLEM CHILD REMAKE. Kapag inalok siya to be part of it, tatanggapin niya?

"Aba, e, kailangang kasama ako dun!

"Whichever channel, that’s my baby!" sagot niya.

ABS-CBN ang balitang gagawa ng remake ng pelikulang ito ni Cherie.

Pero ayon sa aktres, "But I just heard about it.

"It’s just in the cookware, okay, hindi pa masyadong ano... It’s just in the frying pan. Hindi pa niluluto."

If ever, sino ang gusto niyang gumanap sa role na una niyang ginampanan sa pelikula? Si Andi?

"Siyempre! One of us," sabi ni Cherie.

"I think that would be great. Galing na sa inyo ’yan, ha?

"I think it would be a good comeback for her.

"Tsaka her character, sa personality, she’s very strong, she’s feisty, she’s straight to the point, she’s very forward."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tulad niya?

"I used to be like that. Mas malala!" tawa niya.

"Hindi, may pagka-tomboy si Andi. She’s charming, I like it.

"At di ba, ang bilis magsalita, parang machine gun?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN