Xian Lim on serenading Kim Chiu on My Binondo Girl set: "I just wanna make her feel special."

Is Xian Lim courting Kim Chiu? The young actor says: "Basta po...nandito lang ako para kay Kim. Ipinapakita ko na special siya sa akin. Gusto kong iparamdam sa kanya that I care for her. She’s really special for me."


Mula sa simula hanggang sa ngayong patapos na ABS-CBN primetime series na My Binondo Girl, hindi ito binitawan ng maraming manonood.

Bukod sa kuwento nito ay napamahal na rin sa marami ang mga character na kinagiliwang subaybayan, lalo na ang nabuong loveteam nina Kim Chiu at Xian Lim.

Sabi nga ni Xian tungkol sa tagumpay ng kanilang teleserye, "Hindi ko ito in-expect. Everything is unexpected.

"Na-surprise nga ako, lalo do’n sa takbo ng istorya.

"Happy lang ako and thankful on how everything is going."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Xian sa thanksgiving presscon ng My Binondo Girl kaninang tanghali, January 12, sa Choi Garden Restaurant sa Annapolis, Greenhills, San Juan.

Sa istorya, tatlo kasi sila nina Jolo Revilla at Matteo Guidicelli na magkakaribal sa puso ni Kim.

Hindi raw inasahan ni Xian na siya ang mas magugustuhan ng viewers para kay Kim, kaya sa ending ng story ay sa kanya mapupunta ang dalaga.

At tila sa totoong buhay rin, mukhang may nabubuong love story sa kanilang dalawa ni Kim.

Halata ang espesyal na turing ni Xian para sa kanyang co-star.

Ayon kay Xian, "Working together for six months, I guess mas nakilala ko si Kim in a way na comfortable na ako with her.

"At first, talagang kinakabahan ako kapag nasa harap na ng camera, ’tapos kaeksena ko siya. Pinagpapawisan ako.

"Pero ngayon, nai-enjoy ko na being with her.

"Masaya siyang kasama. Sobrang sayang kasama ni Kim talaga."

A DEEPER RELATIONSHIP. Maganda nga ang kinalabasan ng tambalan nina Xian at Kim.

Hindi lang sila basta madaling tinanggap at kinagat ng publiko, naging daan din ito para magkalapit sila nang husto bilang magkaibigan.

May mga humuhula nga na ang magandang samahan nila sa ngayon ay patungo sa isang mas malalim pang pagtitinginan.

Ang hinala rin ng iba, nanliligaw na si Xian kay Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon sa binata, "I’d like to take things step by step.

"Mangyayari naman ’yon if it’s really meant to be."

Pero nanliligaw na nga ba siya kay Kim?

"Basta po...nandito lang ako para kay Kim.

"Ipinapakita ko na special siya sa akin.

"Gusto kong iparamdam sa kanya that I care for her.

"She’s really special for me."

SERENADING KIM. Kaugnay nito, sa katatapos na holiday season ay naisip pa ni Xian na kumuha ng choir para haranahin si Kim sa taping nila ng My Binondo Girl.

Parang eksena sa teleseryeng pinagtatambalan nila, habang kinakantahan ng choir si Kim ng awiting "You" (originally sung by Karen Carpenter and revived locally by Martin Nievera), biglang lumabas si Xian na may dalang flowers.

Pagkatapos ay ibinigay ng binata sa dalaga ang Christmas gift niya na isang lap pillow.

Bakit nga ba niya naisip na magpaka-romantic nang husto kay Kim?

"Kasi, hindi ko alam kung paano ko ipaparamdam sa kanya na I care for her.

"Kada taping kasi, ang hirap ng mga eksena namin. Walang chance.

"Naisip ko, it would be best to tell her through a song."

Pero ang awiting "You" ay kadalasang ginagawang wedding song. Ibig sabihin, talagang natatangi ang nararamdama niya para kay Kim?

Pangingiti-ngiti lang si Xian. Pansin na pansin ang pagba-blush niya.

Ang layo nga ng naisagot ng aktor sa itinatanong sa kanya.

Sabi ni Xian, "Narinig ko kasi si Kim. Hindi raw niya naririnig ang spirit ng Pasko kasi trabaho nang trabaho.

"So, naisip ko na kapag nagpadala ako ng choir singing ’Jingle Bells’ or singing a love song for her, baka naman kahit papa’no maiparamdam ko sa kanya ang Pasko."

MAKING KIM FEEL SPECIAL. Sa ganoong gesture niya, at "You" pa ang kanta na napili niya, ang magiging impression talaga ay nanliligaw siya kay Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Xian dito, "Ako, I just wanna make her feel special.

"Everytime I’m there with her, I just want her to feel special all the time.

"Yon nga po, everytime na lalabas kami, everytime na magkasama kami by chance—taping man ’yan o hindi trabaho—I just want her to be special, in every single way."

Biro namin kay Xian, tila ang tagal naman niyang bumuwelo bago pormal na manligaw kay Kim. Baka mamaya, maunahan na siya ng iba pang gusto pumorma sa dalaga.

Pero sabi niya, "Basta gusto ko lang munang iparamdam kay Kim na special siya.

"Hindi ako mag-aaksaya ng panahon kung hindi ko maipaparamdam sa kanya iyon.

"And everytime nga na I’m with her, she’s always special para sa akin."

Pero bakit nga niya ginagawa ’yong gano’n?

"Kasi nga, special siya.

"Isa siyang mabait na tao. She deserves it."

Maraming beses nang tinatanong si Xian kung nanliligaw nga ba siya kay Kim.

Pero hindi niya talaga direktang masagot, kahit na oo o hindi lang naman ang isasagot niya.

Sabi ni Xian, "Basta paulit-ulit ko lang sasabihin na ipaparamdam ko sa kanya na special siya. Iyon na yun."

FIXING A BROKEN HEART. Matindi ang tinamong heartache ni Kim noon dahil sa breakup nila ng former on- and off-screen sweetheart niyang si Gerald Anderson.

Obviously, ayaw nang masaktan ng young actress kaya parang maingat ito pagdating sa pag-i-entertain ng bagong pag-ibig.

Ano ang masasabi ni Xian dito?

"Si Kim naman talaga ang tipo ng babaeng hindi dapat sinasaktan.

"Siya talaga dapat...inaalagaan," sambit ni Xian.

Dahil mainit ang tambalan nila ngayon, hindi rin maiwasang may mag-isip na baka ang lahat ng sweetness at pagki-care ni Xian kay Kim ay upang i-promote lang ang kanilang tambalan.

Tungkol dito, sabi ni Xian, "Ako, hindi ko naman siyempre kayang i-please ang lahat ng tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, normal lang po na may ibang mag-iisip ng ganyan.

"And, uhm...paulit-ulit po akong mag-i-explain.

"Kahit isang libong beses pa po. Na...wala pong gano’n.

"Wala po akong gano’ng pakay. Wala po akong gano’ng intention."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN