Richard Yap on his instant popularity as Papa Chen: "It’s really very flattering na kinu-consider akong gano’n at my age."

Richard Yap on not entering showbiz when he was younger: "Siguro if I was younger, I wouldn’t be able to handle this also. Parang gano’n. Parang I wouldn’t be as level-headed as I am now. Baka... di ba, kasi ’yong iba when you’re younger, you tend to get ’yong popularity mo...it goes to your head and all that, di ba?"


Sa presscon kahapon, January 12, para sa "dragon finale" ng My Binondo Girl, bukod sa magka-loveteam na Kim Chiu at Xian Lim ay naging sentro rin ng atensiyon si Richard Yap.

Si Richard ay mabilis na nakilala bilang "Papa Chen" sa nabanggit na primetime series ng ABS-CBN.

Unang napansin si Richard bilang chef sa TV commercial ng isang Chinese fastfood chain.

Kasunod na nito ay ang break na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN sa My Binondo Girl.

"I’m 44 years old, married, and has two kids," pagpapakilala ni Richard sa sarili nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa presscon.

Dagdag pa niya, "I’m very honored na mapasama sa cast ng My Binondo Girl.

"Especially naging partner ko pa rito sina Cherry Pie [Picache] at Ai-Ai [delas Alas].

"Parang I’m nobody, ’tapos nagkaroon agad ng chance to work with really big and popular stars."

"PAPA NG BAYAN." Dahil mabilis siyang nakilala at marami nga ang kinikilig sa kaguwapuhan niya, binabansagan siya ngayon bilang "Papa Ng Bayan."

Ano ang reaksiyon niya rito?

"It’s really very flattering na kinu-consider akong gano’n at my age," nangiting sabi ni Richard.

Sa mabilis na pagsikat niya, naisip ba niyang sana ginawa niya noon pa ang pagpasok sa showbiz? Lalo at nag-start siya bilang commercial model no’ng binata pa siya?

"Uhm, hindi, e. I think it came to me at the right time.

"Siguro if I was younger, I wouldn’t be able to handle this also. Parang gano’n.

"Parang I wouldn’t be as level-headed as I am now.

"Baka... di ba, kasi ’yong iba when you’re younger, you tend to get ’yong popularity mo...it goes to your head and all that, di ba?"

Paano nabago ng instant popularity ng pagiging Papa Chen niya ang kanyang buhay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Yon lang, ’yong privacy mo medyo nababawasan when you go out.

"People wanted to take pictures with you, which is okay. It’s okay.

"Pero ’yon lang, medyo people keep on looking at you kahit saan ka.

"So, iyon lang naman," saad ni Richard.

PAPA CHEN’S WIFE. Hindi ba nagiging selosa ngayon ang misis niya na marami ang nagkaka-crush at kinikilig sa kanya?

Kahit nga sina Cherry Pie Picache at Ai-Ai delas Alas, madalas na pabirong sinasabi na "yummy" ang tingin ng mga ito sa kanya.

Sabi ni Richard, "Hindi naman. Hindi naman.

"She’s very understanding. Kasi alam naman niya, e.

"As long as hindi naman ako...," pasimula niya, na ang tinutukoy ay ang tuksong mambabae.

Dagdag pa niya, "We’ve already talked about this from the beginning, e. And usually she’s with me, e.

"So she sees what I’m doing. She knows what I’m doing.

"Kampante naman siya."

Proud ba ang kanyang mga anak sa biglang kasikatan niya?

"Yes," sagot ni Richard.

"Minsan natatawa lang sila.

"Pero I know they are proud of me. Because they express their ano...they hug me all the time."

Dalawa ang anak ni Richard: isang 18 years old at isang 15 years old.

Paano kapag may mga babaeng hindi mapigil ang sarili na mag-flirt sa kanya?

"I tell them that I’m married already. So, it’s not possible.

"Because my first priority talaga is my family," sagot niya.

NEXT PROJECT. Ano ang susunod niyang project pagkatapos ng My Binondo Girl?

"A...wala pa, e. I don’t know. It depends on ABS kung ano’ng offer nila."

Pero kung siya ang tatanungin, ano ang gugustuhin niyang sunod na gawin? Another soap opera ba o pelikula naman?

"I’m open to anything that they’ll offer. So if it’s a good project, why not?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHINESE INVASION. Pure Chinese si Papa Chen. At nagpapasalamat daw siya na nape-penetrate na rin ngayon ng mga Tsino ang showbiz.

"Sila Kim ang nag-umpisa, e.

"Siguro it started with the Koreanovela...the Taiwanese series na ’yong mga F4 and all that.

"That’s why naging accepted na.

"So, I’m thankful to all those who came before me na they opened the door for us," sabi ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN