Viva and TV5 talent Meg Imperial enjoys kontrabida roles; says she’s not the type of Bagets co-star Aki Torio

Meg Imperial on why she still has no boyfriend: "Gano’n yata talaga kapag ang focus mo ay ang trabaho. Gusto ko ng walang distractions kasi kaya hindi priority ang lovelife. May mga gusto namang manligaw, pero ako na ang nagsasabi na maging friends muna kami kasi hindi ko sila mae-entertain."


Sa January 20 ay magdiriwang ng kanyang 19th birthday ang Viva contract star at TV5 talent na si Meg Imperial.

Wala raw plano si Meg na magkaroon ng malaking celebration dahil may taping daw siya sa araw na iyon.

Sabi ni Meg, "Baka sa taping set na lang ng Glamorosa ako maghanda.

"Para naman pati yung mga kasama ko sa taping ay makasama sa ihahanda ko.

"Hindi naman ako mahilig sa malaking party, e.

"Tama na yung nai-celebrate ko kasama ang family at mga kaibigan ko."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Meg noong January 10 sa Chef Laudico’s Casa Filipino restaurant.

FRUITFUL 2011. Very thankful si Meg dahil sa magandang projects na nagawa niya noong 2011.

Bukod sa Glamorosa, ginawa ni Meg last year ang Bagets: Just Got Lucky (na naka-three seasons na), The Sisters, Midnight DJ, Pidol’s Wonderland, at Hey, It’s Saberday.

Saad nga niya, "Sobra akong nagpapasalamat kay God dahil naging maganda ang takbo ng career ko last year.

"Dahil sa mga shows na ginawa ko, may malaking ipon na ako at nakapundar na ako ng ibang ilang gamit sa bahay.

"Nakabili na rin ako ng bagong sasakyan na gamit ko sa tapings.

"Ako na rin ang bahala sa mga gastusin namin sa bahay. Natuto na akong mag-ipon dahil na rin sa mommy ko.

"Lahat ng talent fees ko, si Mommy ang humahawak at nagtatago sa bangko.

"Humihingi lang ako ng panggastos ko kapag may taping ako.

"May mga plans kasi kami na bumili ng properties. Pang-investment lang.

"Kaya ipon lang nang ipon habang may trabaho tayo."

Parehong matatapos na ang Glamorosa at Bagets kaya naghihintay na lang si Meg kung ano ang magiging next project niya sa TV5.

"Alam ko naman na hindi ako pababayaan ng TV5 at ng management ko na Viva Artist Agency.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman akong reklamo sa mga projects na bigay nila. Kasi iba-iba ang roles ko.

"Gusto ko rin maging versatile actress. Lahat ng roles ay gusto kong gawin," sabi niya.

KONTRABIDA. Gamay na ni Meg ang lumabas na kontrabida. Nag-e-enjoy nga raw siya kapag kontrabida siya sa isang series.

Ayon kay Meg, "Kabaligtaran nga ng role ko sa Bagets na sweet-sweet-an lang.

"Pero sa mga TV dramas sa Singko, nabibigyan ako ng mga mabibigat na roles.

"Noong ibigay nila sa akin ang role na batang Rio Locsin sa The Sisters, doon nila nakita na kaya ko palang magkontrabida.

"Kaya sa Glamorosa, ako ang nang-aapi kay Ritz Azul.

"Okey lang kung kontrabida ulit ang ibigay nila sa akin sa next TV series.

"Mas may challenge at nakaka-create ako ng sarili kong character."

NO BOYFRIEND YET. Kahit magna-19 na si Meg, wala pa rin daw siyang nagiging boyfriend.

May mga manliligaw siya, pero hindi raw niya priority ang magkaroon ng boyfriend.

"Gano’n yata talaga kapag ang focus mo ay ang trabaho.

"Gusto kong walang distractions kasi kaya hindi priority ang lovelife.

"May mga gusto namang manligaw, pero ako na ang nagsasabi na maging friends muna kami kasi hindi ko sila mae-entertain.

"Gusto ng mommy ko ay sa bahay ako ligawan at hindi sa kunsaan-saan.

"Tsaka kailangan ng approval ni Mommy parati.

"Kumbaga, si Mommy ang head ng screening committee sa bahay.

"Kapag hindi type ni Mommy ang gustong manligaw sa akin, susunod ako.

"Sabi nga nila, mother knows best, di ba?

"Kaya tiwala ako kay Mommy. Alam niya kung ano ang makakabuti sa akin," diin ni Meg.

AKI TORIO. Marami nga ang nag-akala na isa sa masugid na manliligaw ni Meg ay ang partner niya sa Bagets na si Hideaki "Aki" Torio.

Pero sabi ni Meg, close friend lang sila ng Japinoy (Japanese-Filipino) young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami ni Aki ay magkaibigan lang talaga.

"Marami ang nag-aakala talaga na manliligaw ko siya.

"Yung iba nga, akala ay boyfriend ko siya.

"Gano’n ka-effective ang team-up namin sa Bagets. Napapaniwala namin ang ibang fans!

"Sa pagkakaalam ko, may ibang pinopormahan ’yang si Aki.

"In short, hindi ako ang type niyang maging girlfriend.

"Kaya hanggang friends lang kami!" tawa pa ni Meg.

So, kailan nga ba puwedeng magkaroon ng lovelife si Meg?

"Depende siguro sa akin kung handa na ako.

"Ini-enjoy ko pa ang ganito na wala kang iniisip na karelasyon.

"May mga friends nga ako na ngarag sila dahil may problema sila sa mga boyfriends nila.

"Hindi nila ma-enjoy minsan ang buhay nila kasi nga may ibang tao silang iniisip.

"Ayoko ng gano’n. Gusto kong ma-enjoy ang pagiging teenager ko.

"Kapag siguro nasa 20-something na ako, doon ko na maiisip na magkaroon ng lovelife.

"Siguro naman by that time, okey na kay Mommy na ako na ang bahala sa magiging lovelife ko.

"Lahat naman ng mga itinuturo ni Mommy sa akin ay hindi ko ibabalewala, lalo na when it comes sa lalakeng makakarelasyon ko in the future."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN