Governor Chavit Singson confirms release of Ronald from Hong Kong prison tomorrow; reveals Lovi Poe still communicates with his son

Governor Chavit Singson on son Ronald: "Mabait naman, nagkamali lang siya dahil nagtiwala sa mga kaibigan. Yun ang pinagsisihan niya, sobra siyang nagtiwala sa mga kaibigan niya. Nagpabaya, kaya siya nasangkot sa kasong yun."


Pagkatapos ng halos 18 buwang pagkakakulong sa Hong Kong sa salang illegal possession of drugs, makakalaya na si dating Ilocos Sur Representative Ronald Singson bukas, January 14.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Governor Chavit Singson, ama ni Ronald, sinabi nitong siya mismo ang susundo sa anak sa Hong Kong bukas.

Ayon kay Governor Chavit: "Sasamahan ko dito, then uuwi agad siya sa probinsiya [Ilocos Sur].

"Ang gusto niya, i-explain muna sa constituents niya ang mga nangyari.

"Dahil ang gusto niyang i-explain ay yung pag-amin niya. In-avoid niya kasi yung five-years-to-life sentence.

"Kasi, kung ilalaban niya, ang sabi sa kanya ng abugado, ’Puwede nating ilaban, pero delikado, five-years-to-life sentence. Pero kung aaminin mo, gagaan.

"Sabi nga ni Ronald, ’Paano ko aaminin, e, hindi naman yun [cocaine] sa akin?’

"’Kung hindi sa iyo, e, nahuli sa iyo? Carrier ka, mas mabigat.

"’So, kung aaminin mo, mas madali, masesentensiyahan ka agad.’

"Katulad nun, one year, six months, or 18 months...wala pang dalawang taon, lalabas na siya.

"Pagkatapos nun, aasikasuhin niya ang mga negosyo niya."

Hindi raw bumitaw ang pamilya Singson kay Ronald sa kabila ng kasong kinaharap nito.

Hindi rin itinago ni Governor Chavit ang saya at excitement na finally ay makakalaya na ang anak.

"Well, excited kaming lahat dahil mula nung nagkaroon siya ng sentence, hindi na namin siya nakita.

"Parang na-cut off lahat, dalawang beses lang ang dalaw sa loob ng isang buwan at tatlong tao lang [ang puwedeng dumalaw].

"Maganda run at nai-implent ang batas, at least may leksiyon ang mga tao."

WRONG FRIENDS. Ayon pa sa gobernador, mabait na anak si Ronald, pero nagkamali lang daw ito ng mga piniling kaibigan.

"Mabait naman, nagkamali lang siya dahil nagtiwala sa mga kaibigan.

"Yun ang pinagsisihan niya, sobra siyang nagtiwala sa mga kaibigan niya.

"Nagpabaya, kaya siya nasangkot sa kasong yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Kasalanan ko rin,’ sabi niya.

"Nagkamali daw siya sa mga kaibigang napagkatiwalaan."

Dagdag ng gobernador, "I’m sure malaki ang pagbabago niya.

"Ang ano lang naman niya ay sobrang pagtitiwala.

"Ang advice ko sa kanya, ’Pagbalik mo, piliin mong mabuti ang mga tunay na kaibigan mo. Marami ang kaibigan mo lang pag mayroon. Pag may problema na, nawawala.’

"Yun nga, malaking bagay dahil napatunayan niya yung mga tunay niyang kaibigan, hindi umalis.

"At yung mga gumagamit lang sa kanya, e, nalaman niya, nawala, they took advantage at nanira pa."

RONALD-LOVI RELATIONSHIP. Tinanong din ng PEP si Governor Chavit tungkol sa relasyon ng kanyang anak at ng aktres na si Lovi Poe.

Kinumpirma ng gobernador na may komunikasyon pa ang dalawa.

Dumalaw pa nga raw ang Kapuso actress kay Ronald sa Hong Kong nung nakaraan nitong birthday.

Kuwento ni Governor Chavit, "Nagkikita-kita naman kami, nag-uusap-usap.

"Kaya lang kung minsan, ang showbiz ay may iba’t ibang balita, kaya hindi rin ako makasagot kung minsan dahil hindi ko talaga alam ang nangyayari.

"Anyway, mabait naman si Lovi, nagpupunta naman sa Hong Kong.

"Nung birthday ni Ronald nung November 18, nagpunta naman dun. Yun lang ang alam ko."

Sa balita namang nagkabalikan sina Ronald at Lovi, hindi makapagkomento si Governor Chavit dahil hindi raw siya nakikialam sa buhay pag-ibig ng mga anak niya.

Aniya, "Hindi ko alam, siguro... Basta happy sila, happy na rin ako, natutuwa na rin ako."

Boto ba si Governor Chavit kay Lovi para sa anak? Ano ang reaksiyon niya na may balak na raw pakasal ang dalawa sa sandaling makalaya si Ronald?

"Maski sino, basta nagkagustuhan.

"Kahit ano ang pagkatao, basta nagmahalan sila, okay lang sa akin, di ako namimili.

"Kung nagkakagustuhan, nagmamahalan, at yun ang maging desisyon sila, okay lang sa akin," sagot niya.

Sa hiwalay na panayam, itinanggi naman ni Lovi na plano na nilang magpakasal ni Ronald. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BULLETS FOR JAKE? Sa ibang balita, mariing itinanggi ni Governor Chavit ang nabalita noon na pinadalhan daw ng pamilya Singson ang aktor na si Jake Cuenca ng isang kahong bala nang kumalat ang balitang nanliligaw ito kay Lovi.

Ayon kay Governor Chavit, "Hindi totoo yun.

"Hindi namin gawain yun, hindi niya [Ronald] gawain yun. Nakakahiya nga.

"Hindi namin ginagawa yun.

"Naiinis ako na hindi ko na nga sinagot kasi, unang-una, hindi totoo at nakakahiya nga.

"Ano naman ang mapapala namin?

"Unang-una, hindi ako nakikialam sa lovelife ng mga anak ko.

"Pangalawa, hindi namin gawain yun.

"Walang magandang resulta kung yun ang gagawin ko, I’m not that stupid."

FILM PRODUCER. Samantala, masayang ibinalita ni Governor Chavit na balak niyang bumalik uli sa pagpo-produce ng pelikula.

Ito ay sinimulan daw ng kanyang ina na si Caridad Crisologo.

"Yes, yun ang gusto kong gawin, ang bumalik uli sa pagpo-produce.

"Hindi ko lang maasikaso kasi wala akong katulong.

"Nung araw, gumagawa ng movie ang nanay ko.

"Ako, gusto ko, kung may mag-iinteres lang talaga sa mga anak ko, gusto kong bumalik.

"Yun lang ang hinihintay ko, kung sino ang makakasama kong mamamahala para makatulong din ako sa industriya.

"Lahat, gusto ko lahat ng klase ng pelikula.

"Bahala na, kasi minsan may kikita, may hindi. Mas maganda kung mas marami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN