JM de Guzman on why he can’t be with Jessy Mendiola: "Kasi mahirap sa part niya at part ko, dahil may loveteam siya at may loveteam ako."

"Overwhelmed, parang minsan hindi makapaniwala, saka masaya na kinakabahan," says JM de Guzman about being considered one of ABS-CBN’s new leading men.


Isa si JM de Guzman sa masasabing naging masuwerte ang career noong 2011.

Last year ay naging bahagi siya ng Cinemalaya best-picture winner na Ang Babae Sa Septic Tank, na pinagbidahan ni Eugene Domingo.

Sa TV naman ay isa siya sa naging leading men ni Lauren Young sa teleseryeng Mula Sa Puso.

Siya rin ang napiling magbida sa currently-airing afternoon soap na Angelito Batang Ama.

LEADING LADIES. Sa Angelito ay dalawa ang leading ladies ni JM—sina Kaye Abad at Charee Pineda.

Base sa feedback na nakukuha nila ay mukhang tanggap naman ng publiko ang pakikipagtambal niya sa dalawang aktres.

Ayon kay JM, "Thankful ako, pero tsamba lang siguro kasi magaling talaga si Kaye.

"Minsan nahahawa na lang ako sa kanya, so hindi ako nahihirapang magtrabaho.

"Kami naman ni Charee, medyo gamay na namin ang isa’t isa kasi madalas kaming magkapareha."

JESSY MENDIOLA. Bagamat sina Kaye at Charee ang kapareha ni JM sa Angelito, ang nali-link sa kanya ay ang young actress na si Jessy Mendiola.

Usap-usapan nga na may relasyon na raw sila ng Budoy leading lady, pero itinatago lang.

Pero ayon kay JM, "Siguro kasi nakikita kami minsang magkasama, kumakain kami sa labas with friends.

"Pero hindi rin puwede kahit gustuhin.

"Kasi mahirap sa part niya at part ko, dahil may loveteam siya at may loveteam ako.

"Ngayon, okay kaming makaibigan, may communication, pero ganun na lang muna."

Handa ba siyang maghintay kay Jessy?

"Hinahayaan ko na lang na mangyari," sagot ng binata sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Hindi talaga ako naka-focus sa ganung bagay, lalo na ngayon na sinuwerteng manalo sa MMFF [Metro Manila Film Festival] as Best New Wave Actor for Pintakasi.

"Lalo akong napi-pressure kasi, siyempre, pag nakikita ka ng ibang tao kung paano ka magtrabaho, ’A, ito pala ang Best Actor.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya sinasabi ko, mas mag-ingat, mas focus talaga, iwasan ang distraction."

Kinukunsidera ngayon si JM na isa sa pinakamahusay na young actors at nahihilera na sa hanay ng leading men sa bakuran ng ABS-CBN.

Ano ang masasabi ni JM dito?

"Overwhelmed, parang minsan hindi makapaniwala, saka masaya na kinakabahan," sabi ng young actor.

Aminado rin ang young actor na unti-unti ay nakakagamayan na niya ang takbo ng showbiz.

"Ngayon, mas nagiging maingat na ako sa pananamit, sa mga kilos ko, kasi may mga taong nag-o-observe sa akin.

"Pinakamalaking challenge, kasi laking-UP ako, sinusuot ko kung saan ako kumportable. Hindi naman ako mahilig pumorma.

"Yung adjustment siguro yung pinapanood na ako sa TV, na tinitingala ka na ng ibang tao."

Aminado rin si JM na nanibago siya sa pagkakaiba ng TV at pelikula sa teatro, kung saan siya unang sumabak bago nakagawa ng pangalan sa showbiz.

"Siguro dati kasi, dun sa Mula Sa Puso, naging lesson sa akin ang mga nangyari.

"Ang daming naituro sa akin ni Direk Wenn [Deramas] sa pagiging disiplinado at maging sa ibang istilo o approach sa acting.

"Siguro ganun ako na tipo na pag nakita ko yung mistakes ko, hindi ko na uulitin," saad ni JM.

Masaya rin si JM sa magagandang projects na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN, gaya ng Angelito, pero aminado siyang hindi nawawala ang pressure sa parte niya.

Sabi niya, "Kung pressure, mayroon pa rin siyempre.

"Malaki pa rin, araw-araw nandun yung pressure.

"Anytime kasi puwedeng lumaylay yung story, so kailangan pa ring mag-ingat."

Pero hindi raw nawawala kay JM ang challenge na higit pang pagbutihan ang kanyang pag-arte.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN