Jay Altarejos looks forward to directing veteran stars and new actors in teleserye

Jay Altarejos achieved popularity directing gay-themed films. Using his real name, Joselito Altarejos, he helmed movies such as Ang Lalake Sa Parola; Kambyo; and Little Boy... Big Boy.

He says he won’t have time to do gay-themed films anymore. "Mas focused kasi ako ngayon sa TV. Magkakasunod kasi kaya wala na tayong time na maibibigay para gumawa ng pelikula."


Isa sa in-demand na TV drama director ngayon si Jay Altarejos.

Simula nang bumalik siya sa pagdidirek ng mga TV series for GMA-7, hindi na siya nabakante at sunud-sunod ang kanyang mga projects.

Puro top-raters ang dinidirek ni Direk Jay para sa Kapuso network.

Sinimulan niya noong 2011 ang muling paggawa ng series via the afternoon drama My Lover, My Wife kunsaan bida sila Nadine Samonte, Maxene Magalona at Luis Alandy.

Nasundan ito ng Blusang Itim na pinagbidahan ni Kylie Padilla. At ang latest ay ang Kung Aagawin Mo Ang Langit nila Mike Tan, Michelle Madrigal at Carla Abellana.

Ngayon ay magdidirek si Direk Jay ng kanyang first primetime drama series titled Legacy na magsisimula na sa January 16.

Natutuwa siya dahil sa laki ng cast at ng istorya ng bagong teleserye.

"I am very thankful sa GMA-7 for giving me this chance na magdirek for primetime.

"Parang magandang simula ito para sa akin ngayong 2012," ang sabi ni Direk Jay nang ma-interview siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Press) sa press launch ng Legacy sa Studio 7 ng GMA Annex Building last January 10.

"Nagulat ako sa malaking cast. Imagine, it will my first time to direct Mr. Eddie Garcia.

"Tapos nandiyan pa si Ms. Cherie Gil, Ms. Liza Lorena and Jackie Lou Blanco. I’ve worked with her in Blusang Itim.

"And it’s also good to direct itong ibang Kapuso stars. First time kong makakatrabaho sila Heart Evangelista, Alessandra de Rossi, Geoff Eigenmann and Sid Lucero.

"Si Lovi [Poe], I’ve directed her before sa Love Bug Presents: Say I Do, with Mark Anthony Fernandez.

"Si Mike Tan naman, I am presently directing [him] in Kung Aagawin Mo ang Langit.

"It’s great to work with the veteran stars together with the new actors and actresses of this generation.

"Ang ganda kapag pinagsama-sama mo sila sa mga eksena."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matagal nang nagdidirek ng mga drama series si Direk Jay para sa GMA-7.

Nagsimula siya noong 1998 pa with Ganyan Kita Kamahal na bida si Carmina Villarroel at nasundan ito ng Halik Sa Apoy, also in 1998 na nagbida naman si Ynez Veneracion.

Noong 2006 ay kinuha rin siyang director ng isang youth-oriented series for QTV-11 titled Posh na pinagbidahan naman nila Iwa Moto, Gian Carlos, Vivo Ouano, Vaness del Moral, Princess Violago, Rea Nakpil, PJ Valerio and Nikki Bacolod.

"I’ve worked with different stars for the past 14 years.

"I directed Carmina in her first starring role sa isang TV series. Gano’n din ang ginawa ko with Ynez.

"I also directed noon sila Bobby Andrews, Onemig Bondoc, Jay Manalo, Gladys Reyes, Kim delos Santos, Dino Guevarra, Jake Roxas at iba pang mga artista na kasabayan nila.

"I am just lucky and blessed na umabot pa ako sa panahon na ito and I am again working with a new set of stars.

"Lalo kang ginaganahan magtrabaho kasi nga you get to work with new actors.

"Which means na patuloy ang pag-discover at pag-build up natin ng mga bagong artista sa ating industriya," diin pa ni Direk Jay.

Dahil busy na siya sa telebisyon, malamang na matatagalan niyang balikan ang pagdirek ng pelikula.

GAY-THEMED FILMS. Nakilala si Direk Jay sa mga controversial gay-themed films.

Using his real name, Joselito Altarejos, dinirek niya ang mga pelikulang Ang Lalake Sa Parola, Kambyo, Ang Laro Ng Buhay Ni Juan, Little Boy... Big Boy, Laruang Lalake, Pink Halo-Halo, Boy Toys at Lihim ni Antonio.

Pinag-usapan ang mga daring na eksena ng kanyang mga artista tulad nila Harry Laurel, Josh Ivan Morales, Ray An Dulay, Kenjie Garcia, Marco Morales, Douglas Robinson, Paolo Rivero at marami pang iba.

Nabanggit ni Direk Jay na hindi na muna siya gagawa ng mga gay-themed films dahil sa pagdirek niya ng mga TV series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kailangan ay wholesome na raw tayo," tawa pa niya.

"Mas focused kasi ako ngayon sa TV. Magkakasunod kasi kaya wala na tayong time na maibibigay para gumawa ng pelikula.

"Though I have one movie na matagal ko nang gustong tapusin. Baka iyon muna ang last film ko na ikaka-shock ng marami.

"It involves mga menor de edad na mga teens. It will really be a shocker. May mga orgy scenes kasi.

"Hindi ko pa alam kung matatapos ko iyon or hindi. Bahala na kung ano ang mangyari sa project kong iyon," pagtatapos pa ni Direk Jay Altarejos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN