Danita Paner says there’s no third party in her breakup with JC de Vera

Danita Paner on breaking up with JC de Vera: "Magkaiba lang talaga ’yong personalities namin. Si JC sobrang ano ’yan, uhm, hindi naman siya sobrang strict, disiplinado lang na tao. Lahat may oras, lahat nakaplano, unlike me. I take it day by day. Kumbaga wala pa akong ano, hindi pa ako gano’n mag-isip like him, na talagang may future na. Ako nagsisimula pa lang din, in-e-enjoy ko ang mga bagay-bagay."


Inamin ni Danita Paner na hiwalay na sila ng kanyang nobyo na si JC de Vera—pero kanyang itinanggi na "mutual" ang kanilang paghihiwalay.

Katulad ng sinabi ni JC, si Danita ang nagtapos ng kanilang relasyon na isang taon din ang itinagal.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Danita noong Huwebes, Enero 12, sa pocket interview ng ilang TV5 stars sa Casino Español, Cebu City.

Ayaw na sana magsalita ni Danita, ngunit napilit siya ng press na magbahagi ng kaunti tungkol sa naging paghihiwalay nila.

DIFFERENT PERSONALITIES. Taliwas sa naging pahayag ni JC, sinabi ni Danita na ang pagkaka-iba nila ng personalidad ang sanhi ng kanilang paghihiwalay.

"Hindi, magkaiba lang talaga ’yong personality namin," ang maingat na sagot ni Danita nang tanungin siya sa naging sanhi ng kanilang paghihiwalay.

"Si JC sobrang ano ’yan, uhm, hindi naman siya sobrang strict, disiplinado lang na tao.

"Lahat may oras, lahat nakaplano, unlike me. I take it day by day.

"Kumbaga wala pa akong ano, hindi pa ako gano’n mag-isip like him, na talagang may future na.

"Ako nagsisimula pa lang din, in-e-enjoy ko ang mga bagay-bagay.

"Basta ang talagang nag-trigger siguro ’yong takot kasi... Hindi kami... hindi kasi, gusto ko kasi, before kay Kean [Cipriano] sobrang bata pa namin, so hindi ko na-handle ng maayos ’yong mga bagay-bagay.

"Unlike this one, feeling ko mature na ako, na gusto ko kapag may problema, confrontation. Ayokong nagkaka-usap sa cellphone dahil mahirap, di ba?

"Hindi rin niya kaya magkipag-confront, hanggang sa nagkaroon ng distance, hanggang sa nasanay na, hanggang sa nawala na."

Itinanggi din niya na third party o ang pagiging malapit ni JC sa kanyang mga leading lady ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

"Hindi, wala, walang third party," mariing pagtanggi niya.

"Mabait naman si JC.

"Selosa ako kasi naniniwala ako sa intuition ng mga babae. Mahirap naman magselos ng wala lang, hindi naman kami praning.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, siyempre may mga instances na nagseselos ako, kahit naman siya.

"Siguro as long as mayro’ng affection from your partner; may support, may understanding na nangyayari, okay pa.

"Pero, wala na rin talaga."

FRUSTRATION. Ikinuwento sa amin ni Danita na labis siyang nasaktan sa naging paghihiwalay nila ni JC, kahit pa siya ang nakipaghiwalay dito.

Umabot daw siya sa puntong nagkukulong siya sa kuwarto at umiiyak sa pagtulog.

"Sobrang sakit sa babae, na parang ’Oh, my god, ito na naman,’" saad ni Danita.

"Para akong namatayan, hindi ako lumalabas ng kwarto, bigla kong yayakapin ang mommy ko.

"Hindi kami sanay ng mommy ko na nagda-drama, sobrang awkward.

"Isang beses tumabi ako sa kanya sa kama, yumakap lang siya sa akin buong gabi, iyak ako ng iyak.

"Pero ngayon, medyo magaan-gaan na."

"Frustration" daw ang salitang maglalarawan sa estado ng relasyon nila ni JC bago ang kanilang paghihiwalay.

"Parang na-frustrate lang kami sa mga bagay-bagay, na parang sana... ano, e, good intentions, bad approach," paliwanag niya.

Ngunit, kung ang pakikipagbalikan kay JC ang pag-uusapan, ito ang sagot ni Danita: "Sa ngayon, naguguluhan din ako.

"Kasi bago ’yon nag-Singapore kami, nag-Boracay pa kami, so masaya pa tapos ’yon.

"Pero, ayaw ko naman mag-boyfriend ng marami, kasi gusto ko ’pag nag-boyfriend ako, ’yon na talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN