Director Mac Alejandre moves to TV5 for career growth

"Malaking bagay na pagpasok mo sa pintuan ng isang tahanang hindi mo naman nakakasanayan pa, malaking bagay na inaalagaan ka. Malaking bagay na there is a warm hand guiding you towards where you really wanna go," says movie and TV director Mac Alejandre about the warm welcome he received from TV5 executives.


Mahirap para kay movie and TV director Mac Alejandre ang desisyon na lumipat mula sa GMA-7 patungong TV5.

Labingtatlong taon din ang kaniyang itinagal sa Kapuso network, kung saan nakagawa siya ng ilang mga naging patok na TV series.

Kasama rito ang Darna (2005), Marimar (2007), Endless Love (2010), at ang pinakahuli ay ang katatapos lamang na epicseryeng Amaya.

"Growth" ang ibinigay na dahilan ng direktor kung kaya siya pumirma ng apat na taong exclusive contract sa Kapatid network.


"Sa palagay ko, mas magkakaroon ako ng magandang pagkakataon upang makagawa ng naiiba sa mga nagawa ko noong huling dalawampung taon bilang direktor," sabi niya nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ito ay nangyari matapos ng pagpirma niya ng kontrata kahapon, Enero 14, sa Edsa Shangri-la Hotel, Mandaluyong City, kunsaan naroon din ang ibang entertainment reporters.

Nilinaw rin ni Direk Mac na ang hakbang na ginawa niya ay propesyonal na desisyon lamang.


"Ang lahat ng pagbabago, mahirap," ani Direk Mac.


"Labingtatlong taon akong may kinasanayan, labingtatlong taon ako nag-develop ng professional at saka ng mga personal relationships ko sa GMA-7.


"Mahirap dahil may pagbabago. 
 
Ang improvement lagi ay nagsisimula sa pagbabago, e.


"Hindi pwedeng steady ka lang palagi. Gusto mong [may] mangyari, kailangan mong magbago.


"Hindi ito isang desisyong personal.
 
Wala itong kinalaman sa pakikipagkaibigan.


"Sa perception ko, sa pananaw ko, sa paniniwala ko, sa puso ko, ito ang tamang hakbang patungo sa pagbabagong gusto kong maganap sa aking professional career."


ANNIVERSARY GIFT. Bukod sa pagpapalawig pa ng kanyang kakayahan, itinuring din niyang regalo ang kanyang pagiging Kapatid para sa kanyang ika-20th anibersaryo bilang direktor.


"More than anything, I think this is a gift from heaven.
 Noong September, I celebrated my 20th anniversary as a director.


"Ang mga regalo, sabi nila, [they come] in threes, e.
 Ang una ay ang Panday, [sumunod] Amaya, at [ang huli] ito ngang pagpirma ko sa Kapatid network.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ito ang ikatlong regalo sa akin ng langit para sa ika-20th anibersaryo ko."


WARM WELCOME. Sa kanyang paglipat, ikinatuwa ni Direk Mac ang mainit na pagtanggap na ipinakita ng TV5.

"It makes me feel so good. It makes me feel so good na may personal touch," sabi niya.

"Noong matapos kong mag-decide, pagkatapos kong tinawagan si Mr. Perci na, ’Yes I’ve decided to sign up with TV5,’ minutes later, I got a text message from Mr. Rey Espinosa, welcoming me and telling me it will be nice to be working together."


Ang tinutukoy ni Direk Mac ay ang TV5 head of TV Creative and Entertainment na si Perci Intalan at TV5 President and CEO Atty. Rey Espinosa.
 
Malaking bagay daw ito para sa lumipat na direktor.


Aniya, "Alam n’yo, itong maliliit na gesture na ’to, para sa katulad ko na matagal na sa industriya, hindi siya maliit, malaki siya.


"Hindi lamang dahil wini-welcome ka o ina-assure ka, kundi dahil nare-realize nila na this is a big change for me.


"Malaking bagay na pagpasok mo sa pintuan ng isang tahanang hindi mo naman nakakasanayan pa, malaking bagay na inaalagaan ka.

"Malaking bagay na there is a warm hand guiding you towards where you really wanna go."


BEING PART OF A GROWING NETWORK. Bilang ganti, siniguro ni Direk Mac na ibibigay niya ang kanyang mga nalalaman para sa network.


Sabi niya, "Ang mahalaga dito ay hindi lamang sa gusto kong maganap, mas mahalaga kung ano ang nais ng TV5 na maganap sa network na ito.


"I’m a very corporate director. I believe that the first mandate is to help the network in its corporate vision.


"Whatever compromises I make, [they] will always be made in favor of the network.


"I think that is what I should do as a director and I believe it is where I should go."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit din niya, "Mahalaga na kung anuman ang nilalayon at ninanais ng TV5 puntahan at suungin, nandodoon ako, kakampi ako, kaakibat ako, kasama ako sa paghihirap, kasabay sa proseso, ’tapos in the end sabay magbubunyi.


"Kung mayroon kang goal mula sa umpisa hanggang sa end, kung ano ang nasa gitna, gaano man kahirap ito, process lang ’yon.
"

Pagkatapos ay muli niyang sinabi, "It’s always nice to be part of a growing network.


"It is always nice that you’re told that they feel na mayroon kang maiko-contribute.


"Maganda maging bahagi ng mga nagsisimula.


"Maganda ’yong magkasabay kayong natututong nakikipaglaban, nakikibaka, magkaakibat kayo tungo sa pag-angat. Masarap ’yon."


NANDITO AKO. Sa kanyang pagpasok sa TV5 network, magiging abala na agad siya sa isang proyekto, ang upcoming TV series na Nandito Ako.

Ito ay tatampukan ng dating American Idol na si David Archuleta at mga young stars ng TV5 na sina Jasmin Curtis at Eula Caballero.

Para kay Direk Mac, ito ay isang challenge.

"Lahat ng proyekto, I look at each one with great excitement.


"Lahat ng direktor ay nabubuhay upang mag-create, di ba? Minsan ang kine-create mo ay sa pananaw ng iba, mas malaki kaysa sa iba.


"Ako, hindi. Sa akin, lahat ng creation ay anak.


"Kapag anak mo, mahal mo ang lahat. Kapag anak mo, ibibigay mo ang lahat. Kapag anak mo, aarugain mo lahat.

"Ganoon ang tingin ko sa lahat ng proyektong ginagawa ko. So, I welcome Nandito Ako with great excitement.

"It is a very great challenge. It is a very wonderful project to do. It is nice to be able to work with the young stars of TV5."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN