Maja Salvador hopes her relationship with Matteo Guidicelli leads to marriage

When asked what is sweetest thing that Matteo Guidicelli has done for her, Maja Salvador says, "Pinuno niya ng post-its yung kuwarto ko. Nilagay niya lahat kung bakit niya ako mahal."


Sa pangalawang handog ng Star Cinema ngayong 2012 na co-produced ng Skylight Films, ang My Cactus Heart, ilo-launch ang tambalan ng real-life couple na sina Maja Salvador at Matteo Guidicelli.

Kaya naman hindi maiwasang makaramdam ng pressure si Maja lalo na’t may mga nagsasabing kailangan pa niyang patunayan ang lakas niya sa takilya sa pamamagitan ng isang blockbuster movie na siya ang bida.

"Siyempre lagi namang may pressure dahil may expectations ang mga tao sa iyo.

"Kaya nga dapat hindi lang isa lang ang ginagawa mo, di ba?

"Kailangan marami kang ginagawang projects para ma-maintain mo yung pagmamahal sa iyo ng audience, ng mga taong sumusuporta sa iyo.

"Ako, ang sabi ko nga, tingin ko ang misyon ko talaga sa buhay ay mag-entertain at magpasaya talaga ng mga tao.

"So, naniniwala ako na darating din yung tamang pelikula na hindi lang mapapansin ang acting ko kundi tatangkilikin pa ng mga tao.

"Wish ko lang sana tangkilikin ng mga tao itong My Cactus Heart," sabi ni Maja.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maja sa presscon ng pelikula na ginanap kahapon, Enero 14, sa Dolce Latte restaurant sa Quezon Avenue, Quezon City.

Kasama rin sa cast sina Xian Lim, Rosanna Roces, Ricky Davao, Ramon Christopher, Bettina Carlos, Bea Saw at Lemuel Pelayo. May special appearance sina JM de Guzman at Karylle.

Directed by Enrico Santos, ang My Cactus Heart ay mapapanood na sa mga sinehan simula sa Enero 25.

KISSING SCENES. Bagama’t nagkatrabaho na sina Maja at Matteo sa ilang TV shows sa ABS-CBN, ito ang first movie nila na sila ang mga bida.

Boyfriend niya sa totoong buhay si Matteo. Mahirap o madali ba ang trabaho kapag totoong karelasyon sa tunay na buhay ang kaeksena niya?

"Mahirap. Akala ko nung una madali kasi nandiyan na yung kilig.

"Kasi habang ginagawa namin yung pelikula para sa akin yung characters namin hindi si Maja, hindi si Matteo, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya parang naiisip ko na paano bang magpakilig, paano ba ako hindi kiligin sa screen, ganun. So, natsa-challenge ako.

"Buti nandiyan si Direk na inalalayan kami kung paano yung tamang reaksyon, kung paano namin ibibigay ng tama yung mga eksenang ginagawa namin. So, yun.

"Pero bandang huli, masaya na magkasama kami sa isang movie at nagtutulungan kaming dalawa."

May kissing scenes sa pelikula sina Maja at Matteo. So, totoong kiss talaga ang ginawa nila?

"Oo, di ba bawat kiss naman dapat maramdaman mo kung gaano ka niya kamahal?

"And bawat kiss naman na ibinibigay ni Matteo ramdam na ramdam ko pa rin na hindi nagbabago."

Ano kaibahan ng kiss sa totoong buhay at kiss sa pelikula?

"Ang awkward lang na ang daming nanonood at mapapanood ng lahat.

"Parang makikita kung paano talaga mag-kiss sina Maja at Matteo, so wala na kaming maitatago.

"Medyo nahihiya lang si Matteo kasi hindi pa siya sanay. First kissing scene niya kasi sa big screen.

"Siguro nakatulong din na ako yung first niya."

WANTS TO END UP WITH MATTEO. Sa formal question and answer portion ng presscon, inihayag ni Maja na sana si Matteo na ang huling lalaking magiging boyfriend niya.

Sana rin daw ay ang nobyo na ang makatuluyan niya sa kasalan.

Ano ba ang qualities na nakita niya kay Matteo at gusto niya itong maging asawa in the future?

"Sabi ko nga, love is not enough. Siya ginagawa niyang lahat para maging masaya ako, yung pamilya ko.

"Yun nga, never siyang nag-stop iparamdam kung gaano niya ako kamahal.

"Parang kung pwede lang every day parang lagi siyang manligaw, ganun.

"As in never niya akong binigo na pakiligin.

"Lagi niya akong pinapakilig. Lagi niyang ipinaparamdam na, ’Ikaw yung babae na dapat pinapaligaya ko. Dapat minamahal ko nang todo.’"

Ano ba ang pinaka-sweet na ginawa ni Matteo para sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Isa na dun yung pinuno niya ng post-its yung kuwarto ko. Nilagay niya lahat kung bakit niya ako mahal.

"Siyempre kahit ginaya niya lang yun sa movie, effort pa rin yung paglagay.

"Tapos yun mahilig siyang magkalat ng flowers sa kuwarto ko. Minsan pinuno niya ng petals, ganun."

Sa mga post-its na ito, ano ang pinakapaborito niyang message?

"Lahat, e. Kasi bawat post-it talaga nandun yung dahilan kung bakit niya ako mahal.

"At saka, di ba yung ibang boys, kailan yung first date, kailan yung ganito.

"Siya talaga detalyado alam niya. Minsan nga ako pa yung nakakalimot."

Paano naman niya pinapakita ang pagmamahal niya kay Matteo?

"Ako hindi bongga, simple lang. Basta maramdaman lang niya na grabe din yung pagmamahal ko para sa kanya.

"Yung mga pinagluluto, yung mga dinadalhan ng pagkain, yung ganun.

"Sweet akong tao pero talo niya ako sa ka-sweet-an talaga. Suko ako sa kanya.

"Pero hinahayaan ko lang kasi sabi niya hayaan ko lang daw."

FIGHTING FOR LOVE. Sa presscon ay sinabi ni Matteo na handa siyang ipaglaban ang pagmamahal niya kay Maja.

Kaya tinanong ng PEP kay Maja: Duon sa nangyaring pisikalan at kontrobersiya sa pagitan nina Matteo at Coco Martin, napatunayan ba niya na ipaglalaban talaga siya ng nobyo?

"Yung nangyari naman nun misunderstanding lang talaga e. Wala namang third party o anong issue, di ba?

"Misunderstanding lang talaga. Siyempre mararamdaman mo na bawat relasyon pagdadaanan talaga yung mga ganung bagay.

"Yung naging reaksyon ni Matteo as a boyfriend ay natural lang din kaya mag-move on na tayo.

"Napatunayan din namin na kahit anong mabigat na isyu pa ang dumating, we’re still together at handa naming harapin."

Masaya na nga si Maja na nagkaayos na rin nang tuluyan sina Matteo at Coco. Dahil nga raw sa pangyayaring ito ay mas naging matatag pa ang relasyon nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Matteo, ang natutunan niya raw sa pangyayaring yun ay huwag magpatalo sa emosyon.

Para kay Maja, ano naman ang lesson na naibigay nito sa kanya?

"Yun din. Siguro kasi first time niyang magkaroon ng girlfriend na taga-showbiz, so hindi niya alam i-handle noon kung paano yung work at personal life.

"Pero ngayon, naiintindihan na niya ito. Kasi nga may gagawin kaming mga love scene o kissing scene na iba ang kasama namin, so dapat talaga maintindihan niya yun.

"I’m glad naman na unti-unti niyang natututunan ito."

Ano ang pwede niyang ipangako kay Matteo?

"Pangako? Ayoko kasing mangako. Alam naman niya na handa akong ibigay ang pagmamahal hangga’t kaya ko.

"Pero dapat pahalagahan niya yun. Kasi yun lang yun e.

"Para mag-work ang isang relationship, hindi lang isa ang nagtatrabaho, dapat kayong dalawa para tumibay at maging masaya ang isang relasyon."

So, ready na ba siyang maging Mrs. Maja Salvador-Guidicelli?

"Marami pa siyang dapat patunayan."

Ano pa ba ang dapat patunayan ni Matteo?

"Kasi nga sabi ko yung relationship namin hindi kami nagmamadali.

"Simple lang yung relasyon namin hindi pa kami todo bigay sa lahat-lahat.

"Darating din yung araw na yun at sana nga kapag ready na kami pareho ay ganun pa rin kalaki ang pagmamahal namin sa isa’t isa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN