Karylle on working with Christian Bautista: "We’ve been through a lot together. He’s seen me at my worst and he’s been there for me."

During the presscon for their concert, Love and Laughter, Christian Bautista admitted that he tried to court Karylle but the latter turned him down.

Karylle (in photo) explains: "Hindi naman sa hindi in-accept. But that was the time of my life that people were telling me, ’Date guys, take your time.’ Para lang, for me, what we had was so special, I didn’t want to rush into anything."



"It has a lot of ups and down like any good relationship," ito ang naging pahayag ni Karylle nang tanungin tungkol sa kanila ni Christian Bautista.

Maituturing na rin silang "love team." Ilang taon na rin ang suma ng pinagsamahan nila sa mga stage plays, shows, at sa Asian series nilang Kitchen Musical.

Dugtong pa ni Karylle, "I think, that makes us special. We’ve had our bad days, we’ve had our really good days.

"We started pretty much at the same time. We grew up together.

"Nakilala ko si Christian, mall show ng Little Mermaid. I remember, he was a very, very skinny guy. [This was] before his ’abs days.’

"Talagang hinahanapan siya ng suit para sa show ni Mama [Zsa-Zsa Padilla], which was Star in a Million.

"Wala pa talagang pumapansin sa kanya in the middle of Glorietta.

"Ngayon, he is an Asian sensation... I always hear how famous he is in Indonesia.

"And when we arrived at the airport, I can hear young people shouting and running behind us. Para siyang isang prinsepe do’n.

"This was our journey together and, finally, we’re having our own concert," ang sabi ni Karylle sa press conference ng first major concert nila ni Christian, ang Love and Laughter.


Ito ay magaganap sa Newport Performing Arts and Theater ng Resorts World sa February 29, 2012.

"Nandun si Ms. Nanette [Inventor], na kasama pa namin dati sa Apat-Dapat during the ’80s, nung maliit pa lang ako at nagwi-wish to have a concert.

"So, it’s a very special time for us."

KARYLLE TURNED HIM DOWN. Inamin naman ni Christian sa presscon na nag-attempt daw siyang manligaw kay Karylle.

Ano ang nangyari? Hindi ba siya in-accept ng dalaga?

Ayon naman kay Karylle, "Hindi naman sa hindi in-accept. But that was the time of my life that people were telling me, ’Date guys, take your time.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para lang, for me, what we had was so special, I didn’t want to rush into anything."

Dagdag pa niya, "We’ve been through a lot together. He’s seen me at my worst and he’s been there for me.

"And talagang up to this day, I guess, yun na ang lalim ng relationship namin."

Ano ba ang mga katangiang gusto niya kay Christian?

Biro muna nito, "Ano ba ang mga qualities na gusto ko? Gusto ko siyempre yung abs ni Christian.

"Aside from that, ano pa ba? Yung dancing skills niya.

"You know, when we were doing Kitchen Musical, naiinis ako, kasi, yung choreographer namin, every day, pinupuri siya. ’I can see, Christian has been rehearsing in his room.’

"Another thing, siguro, love for his family. It’s something very, very obvious.

"How close they are na magkakapatid. And that’s something admirable about the guy."

BOYFRIEND YAEL? Mukhang happy naman ang love life ni Karylle with rumored boyfriend, Yael Yuson.

Their passion for music brought them together.

"We’re always collaborating. Sometimes, we’re just hanging out. Then we’ll be recording a song.

"Sometimes, may gitara. Tapos, [we] try out whatever we’ve been working on. Like me, he loves to write."

For Mother’s Day, nagpaplano daw sila ni Zsa Zsa Padilla na magkaroon ng isang concert.

Ayon nga rito, "Siyempre, by that time, tapos na rin ang Budoy [kasama sa cast ng teleserye si Zsa Zsa]. Sa ngayon kasi, mahihirapan siya dahil may taping.

"Mahirap kumanta kapag alam niyo na, puyat. Hopefully, by May, puede na kaming mag-Mother’s Day concert."

Posible raw magkaroon ng season 2 ang Kitchen Musical. Habang naghihintay, nagpu-promote si Karylle ng kanyang album.

"Since wala [munang] Kitchen Musical, ngayon pa lang ako magpu-promote ng album ko.

"Yung Roadtrip, it just turned gold. Ngayon pa lang ako magpu-promote sa SM Malls.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ano ’yan, with my whole band. So, masaya, parang mini-concert din."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN