Christian Bautista wants to act in a TV soap

Christian Bautista describes his partnership with long-time friend Karylle: "You could have a platonic relationship outside your career, yet you can still have a lot of romantic chemistry in your movies, in your concerts and shows. That is the kind of relationship na meron kami ni Karylle."


Last year, Christian Bautista staged a concert on Valentine’s Day.

Ngayong taong ito, isang post-Valentine concert naman ang gagawin niya kasama sina Karylle at Nanette Inventor sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World.

Ang title ng concert? Love and Laughter, na itatanghal sa February 29.

Sa dami ng mga projects na pinagsamahan nina Christian at Karylle, ito ang kauna-unahan nilang concert together.

Sa press conference ng Love and Laughter noong Biyernes, January 13, na ginanap sa The Terrace ng Maxim’s Tower, kinuwento ni Karylle kung gaano kasikat si Christian sa Indonesia.

Nagtilian daw ang mga Indonesians pagdating ng singer sa airport.

Si Christian naman, sinuklian ito ng, "Ano pa ba naman ang hindi magagawa ng isang Karylle? Lahat kaya na niyang gawin. At alam na alam ng taong bayan ’yan.

"Pero ang gusto kong malaman nila, isa siyang mabuting kaibigan. At katulad nga ng sinabi niya, nagsimula kami halos at the same time."

Sa kauna-unahang pagkakataon, inamin ni Christian na niligawan niya si Karylle.

"Well, I did try naman. At least, good friends kami ngayon at yun ang pinaka-importante."

Bakit ngayon lang niya inamin na nag-try pala siya?

"Pasensiya na lang po, sa amin na lang po yun. Pero, lumabas kami, na-discover namin, we’re okay as friends," natawa niyang sabi. "Up to now, we’re still friends."

Marami naman ang natawa nuong sinabi ni Christian, "Siguro parang John Lloyd [Cruz]-Bea [Alonzo]. Noong time nila—hindi ko alam—noong time nila, sila ba? Hindi natin alam.

"But what I’m trying to say is, sometimes, there are two people, you see them in a movie, a concert, a show, and you’ll think [they’re perfect together]... but in real life?"

John Lloyd at Bea ba talaga ang peg niya?

Natatawang sagot nito, "What I meant was, you could have a platonic relationship outside your career, yet you can still have a lot of romantic chemistry in your movies, in your concerts and shows. That is the kind of relationship na meron kami ni Karylle."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVELESS ON V-DAY. May two or three years na rin yata siyang loveless tuwing Valentine’s Day.

May someone special na ba siya this year?

"I’m seeing someone but I’d rather keep it private. So, I don’t wanna say anything about that.

"Non-showbiz [siya], yun na lang. I don’t wanna say anything more. So, saka na lang, later on," ang pag-iwas ni Christian.

Pinaalala sa kanya ng press na nagbigay siya nuon ng salita na kapag may special someone na siya, he will be honest and open about it.

Katwiran naman niya, "Seeing someone pa lang naman. Private muna, private."

At least, inspired naman pala siya ngayon?

"May laman," natatawang sabi niya. "Sorry, but I cannot say anything muna about that."

Sa mismong Valentine’s Day, may concert siya sa Indonesia.

SECOND SEASON. May usap-usapan daw na posibleng magkaroon ng Season 2 ang Asian TV series nila ni Karylle na Kitchen Musical.

Bukod dito, ano pa ang mga projects niya for 2012?

"Yun nga, Kitchen Musical Season 2, sana, sana. At saka, gusto kong umarte. Sana magkaroon ako ng soap dito sa bansa."

"This year, I will do my best to get acting projects. That’s what I want.

"After ng Kitchen Musical, na-inspire akong sumayaw. Na-inspire ako mag-act.

"And I learned so much from Karylle. Sana, mabigyan ako ng chance and I want that to happen this year."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN