Arci Muñoz gets Vic del Rosario to co-manage her; wants to be an actress and a rock star

Arci Muñoz on having Viva boss Vic del Rosario and Annabelle Rama as her managers: "Siyempre, I’m very, very glad na napansin ako ni Boss Vic. Kasi for me, napakalaking pangalan ng isang Boss Vic sa industriya natin. Napakalaki ng isang Boss Vic. E, Tita Annabelle pa. They’ll gonna be handling my career pa. And I trust them. Kung anuman ang mangyari sa itatakbo ng career ko, pasasalamatan ko si Lord for giving them to me. Na ibiniga


May rason ang kaligayahang nararamdaman ngayon ni Arci Muñoz dahil sa mga sunud-sunod na malalaking pangyayari sa kanyang showbiz career.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Arci matapos ng guest appearance niya sa Paparazzi kahapon, January 15, sa studio ng TV5, masaya itong ibinalita ang ilang nangyayari sa buhay niya.

Una na, sa Sinulog Festival daw ng Cebu idinaos ang kanyang 23rd birthday celebration, noong Huwebes, January 12.

Kuwento ni Arci, "Nagbigay sila sa akin ng surprise birthday celebration, tapos may cake.

"Sa presscon ginawa yung surprise birthday celebration sa akin.

"May presscon kasi doon lahat ng TV5 artists na nag-Sinulog."

NEW MANAGER. Sigurado ring mas magiging abala si Arci ngayong 2012.

May lalabas na siyang serye, ang Felina, at napipinto rin ang paggawa niya ng record album at pelikula.

Ibinalita rin niyang dalawa na ang managers niya ngayon: kung dati ay si Annabelle Rama, ngayon ay si Annabelle Rama at ang Viva Films’ big boss na si Vic del Rosario.

Si Boss Vic ay manager din nina Sarah Geronimo, Anne Curtis, Cristine Reyes, at nitong huli ay ang nagbalik-Viva na si Megastar Sharon Cuneta.

Ayon kay Arci, "Si Boss Vic ang magha-handle ng recording, movie, and endorsements.

"Bale, si Tita Annabelle ang TV.

"Siyempre, pag may nag-offer kay Tita Annabelle na movie, kakausapin niya si Boss Vic.

"’Ano? Okey ba ito?’ Parang gano’n.

"Basta, co-manage ako ni Boss Vic at ni Tita Annabelle."

Nagsimulang magkaroon ng interes si Boss Vic na i-handle ang career ni Arci nang mapanood niya ang dalaga sa isang show.

Kuwento ng young actress, "Napanood niya kasi akong kumanta.

"Tapos doon niya naisip na, ’Ay, gusto ko itong batang ito. Iha-handle ko ang career niya.’

"Tinanong niya [Boss Vic] kung, ’Okey lang ba na i-manage kita? I will talk to Annabelle.’

"Kasi they’re good friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Madali lang kay Boss Vic. Tinawagan niya agad [si Tita Annabelle], right away.

"As in, that very moment na kumanta ako.

"’Day, gusto kong i-handle yung alaga mo si Arci. Nakita ko, ang galing naman pala nito.’

"Sobrang nakakatuwa.

"Tapos ayun, nag-usap lang kami, tapos pagdating namin dito ni Tita [Annabelle]...

"Di ba, nagpunta si Tita sa States for [Manny] Pacquiao? So, pagdating niya, nagpirmahan kami agad [ng kontrata].

"Yung kontrata, hangga’t na kay Tita Annabelle ako, ima-manage ako ni Boss Vic.

"Actually, wala pa kaming pinag-uusapan kung ilang recording, pero nagpirmahan na kami kung gaano katagal."

Hindi raw nakitaan ni Arci si Annabelle ng pagtutol sa inalok na co-management ni Boss Vic.

"Kasi si Tita Annabelle, ngayon, kasi marami rin naman kami...marami kaming mina-manage...

"Hindi naman raw kasi siya madamot.

"Hanggang sa nakikita niya na ikagaganda ng career ng alaga niya, willing siyang mag-share," saad ni Arci.

Hindi rin daw naisip ni Arci na nahihirapan na si Annabelle sa pag-manage ng mga career ng marami niyang alaga kaya tinanggap nito ang alok ni Boss Vic.

"Hindi naman. Kasi, naalagaan pa niya kaming lahat.

"Meron kaming sari-sariling RM [road manager]. Kay Tita Annabelle lang yung may ganon.

"Siya ang nagpapa-workshop sa amin.

"Lahat libre! Sagot niya. Yung presscon, sagot niya lahat.

"Nung nagpa-presscon para sa signing ng contract sa Viva, siya lahat."

RECORDING CAREER. Wala pang nailalatag na recording project ang Viva kay Arci dahil abala pa ito sa taping ng bago niyang serye sa TV5, ang Felina: Reyna ng mga Pusa.

"Kasi ieere na kami soon, kaya hindi pa masimulan ang plano ni Boss Vic."

"Rock" ang ilan daw sa mga genre na gustong ipa-record sa kanya ng Viva.

"As much as possible, gusto ko na may banda pa rin, pero hindi totally pop."

Si Yeng Constantino kaagad ang naisip ng ibang press na makaka-rival ni Arci sa genre ng musikang papasukin niya sa recording.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero walang nakikitang kumpetisyon ang TV5 talent sa ABS-CBN star.

"Hindi naman, iba pa rin ang sa akin.

"Kasi pop yung kay Yeng, ang sa akin mas hard rock.

"Kasi sa banda ko naman kasi, iba ang genre ko doon. Yun talaga ang kinakanta ko kahit nong bata pa ako.

"Yung banda ko, parang hard rock-metal pa nga, e.

"So, ’etong kay Boss Vic, pinaplano pa niya kung ano ang genre ko.

"Pero gusto pa yata niya kung magke-Katy Perry ako. Parang ganun ang type."

Pabor si Arci na maging Philippine version ni Katy Perry.

"Oo naman, idol ko nga si Katy Perry, ’no!" bulalas niya.

"Sobrang crush ko si Katy Perry. Sobrang idol ko siya.

"Kaya nga nong birthday ko, yun ang wish ko na birthday gift na gusto kong matanggap.

"Gusto kong manood ng concert niya! Next week na yun!" excited pa niyang sambit.

Kahit napagkamalan pa siyang Miley Cyrus sa concert ni Miley sa Pilipinas last year, mas gusto raw ni Arci maging Katy Perry.

"Kasi, mas gusto ko yung personality niya [Katy], mas happy...hindi siya rock.

"Pero cute lang siya, yun ang gusto ko."

Ayaw naman daw niyang sundan ang genre ng music ni Taylor Swift na country.

Sabi pa ni Arci, "Ayoko, masyado naman yung sweet.

"Si Katy, astig pa rin. Saka maganda yung mga songs niya. Talagang galing sa puso.

"Lahat ng mga songs niya, favorite ko, kasi siya ang gumagawa ng songs niya.

"Ganun din ako sa banda namin, ako yung gumagawa ng songs namin."

Itinanggi ni Arci na naimpluwensiyahan siya ng ex-boyfriend niyang si Kean Cipriano na maging rock star.

"Hindi po. Kasi bago pa niya ako nakilala, may banda na ako.

"At saka bata pa ako, yun na talaga ang music na pinakikinggan ko.

"Saka magkaiba kami ng music. Kasi iba yung pinakikinggan niya at yung pinakikinggan ko," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VIVA TALENT. May kilig kay Arci ang biro namin sa kanya na kahanay na niya sa kuwadra ni Boss Vic ang malalaking stars na mina-manage nito ngayon—gaya nina Sarah Geronimo, Anne Curtis, at Sharon Cuneta.

"Oo nga, e," sambit niya.

"Siyempre, I’m very, very glad na napansin ako ni Boss Vic.

"Kasi for me, napakalaking pangalan ng isang Boss Vic sa industriya natin.

"Napakalaki ng isang Boss Vic. E, Tita Annabelle pa.

"They’ll gonna be handling my career pa. And I trust them.

"Kung anuman ang mangyari sa itatakbo ng career ko, pasasalamatan ko si Lord for giving them to me.

"Na ibinigay sa akin ni Lord yung dalawang managers na yun para alagaan ako.

"It means, may patutunguhan ako."

Naiisip pa lang ni Arci ang ideyang may potensiyal siyang maging big star dahil sa pag-aalaga ni Boss Vic sa kanyang career, excited na ang actress-singer.

"Oo nga, e. Actually, wala pa akong nagagawa kahit anong movies since I started.

"And that was five years! Since StarStruck. Wala talaga.

"Sabi ko nga, hindi naman ako nag-celebrate ng birthday ko on television ever—and this is the first time ever.

"And lahat ng show sa TV5, binigyan ako ng celebration.

"Na-touch ako nang sobra and I’m really thankful sa TV5 family ko."

Ni minsan ay hindi raw nakaranas si Arci sa GMA-7 ng birthday celebration noong contract artist siya dito.

"Wala...wala talaga," sabi niya.

BEAUTY QUEEN. Aminado naman si Arci na hindi na matutupad ang isa niyang pangarap—ang sumali sa Binibining Pilipinas at maging beauty queen—lalo’t papasukin na niya ang recording at pelikula.

"Oo nga, e...naku, hindi ko na alam. Sayang talaga, e.

"Kasi may mga movement sa mga networking site na Arci for Binibining...yung mga support-support na yun.

"Nagtataka nga ako. Saan kaya galing yung mga yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, gusto ko talaga. Lalo lang ako nalulungkot pag nakikita ko yung parang movement na gusto nila akong sumali sa Binibini.

"Ang dami ko kasing complication, e. May kontrata ako sa TV5.

"E, ang Binibini [may kontrata] sa Dos [ABS CBN]... Mahirap talaga, e.

"Pero ang TV5 naman, maluwag naman sila kung gusto kong maging beauty queen, it’s okay."

Pero hindi raw pabor ang dalawa niyang managers na sumali pa siya sa Binibining Pilipinas.

Aniya, "Actually, mas gusto nila na i-continue ko na lang yung career ko kaysa mag-beauty queen ako.

"Kasi sabi nila, ’You’re gonna start na.’ Parang si Boss Vic inilatag na niya ang mga plans.

"So, mag-start na tayo soon, sabi nila.

"Naisip ko rin, kaya nga ako pumirma sa kanila para makagawa sila ng hakbang, and then, bigla pa akong mawawala dahil sasali pa ako sa beauty contest."

Hindi talaga maiwasan ni Arci ang malungkot sa naiisip na hindi na siya makakasali kahit kailan sa Binibining Pilipinas.

"It’s one of my dreams na pagtanda ko, I don’t wanna regret not joining.

"Pero wala talagang chance, e.

"Saka bilang artista din naman, ako, lahat ng role magagawa ko.

"At least, lahat ng roles mapu-portray ko.

"So, kung papipiliin ako, artista na lang at saka rock star.

"Lahat kasi gusto kong gawin!" natatawang patuloy niya.

"Hindi ko alam kung bakit ganito ako, sobrang lahat ng bagay gusto kong gawin.

"Kaya siguro ibinigay sa akin ni Lord yung path na mag-artista ako dahil dito magagawa ko lahat."

BIRTHDAY WISH. Ano ba ang birthday wish niya? At ano ang birthday gift na gusto niyang matanggap?

"Yung material, natanggap ko na.

"Yun nga yung tiket para sa concert ni Katy Perry, may nagbigay na sa akin.

"Gusto ko naman meet-and-greet ko kay Katy Perry.

"Basta, ang wish ko talaga, maging successful yung Felina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maging successful ako sa lahat ng endeavors o lahat ng tatahakin ko.

"And successful career both in television, movie, and sana recording as well.

"At saka good health. Yun!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN