Heart Evangelista hurt by issues belittling boyfriend Daniel Matsunaga

Heart Evangelista on boyfriend Daniel Matsunaga’s critics: "Kung sino naman ’yong inaapi, ’yon naman ang ibi-bless. So, okey lang na maliitin siya [Daniel]. Pero grabe naman ang blessing niya, e. Okey lang."


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Heart Evangelista sa backstage ng Party Pilipinas kahapon, January 15, naungkat kung hindi ba siya nao-offend na parang minamaliit ang boyfriend niyang si Daniel Matsunaga?

Lalo na kapag tungkol sa finances ang napag-uusapan?

Na kesyo si Heart, galing sa isang mayamang pamilya at alangan ang Brazilian-Japanese model-actor sa kanya?

Sagot ni Heart sa mga nanlalait: "Sila naman ’yong mga mukhang ano, e. Kasi sila ’yong may ibang ugali kaya sila ang dapat na ma-offend."

Nasasaktan ba siya sa gano’n?

"Of course, I’m hurt.

"Pero kung sino naman ’yong inaapi, ’yon naman ang ibi-bless.

"So, okey lang na maliitin siya [Daniel]. Pero grabe naman ang blessing niya, e.

"Okey lang."

Mas napapamahal ba sa kanya si Daniel sa mga gano’ng pagkakataon?

"Oo. Siyempre. Oo."

PAANO NA ANG KASALAN? Muli namang itinanggi ni Heart ang balitang nagplano na raw silang pakasal ni Daniel ngayong taon, pero biglang nagdesisyon diumano silang huwag na lang muna itong ituloy.

"No. That’s not true," diin ni Heart.

Walang plano talaga, kundi napag-usapan lang ’yong kasal?

"Parang gano’n naman ’yon, e. Kapag kayo, parang may dreams kayo.

"Pero iyon ’yong something na ayaw naming pag-usapan or sabihin kasi ang priority namin, trabaho."

So, wala talagang kasalang magaganap sa kanila ni Daniel in the near future?

"Nothing. Nothing at all.

"Nothing. No, no, no!

"And yes, it’s a mutual decision.

"At saka bata pa ako. There are a lot of things that can happen.

"And, hindi pa puwede.

"Oo. Huwag muna," saad ng 26-year-old actress.

Paano kung biglain siya ni Daniel at mag-propose na lang ito one of these days?

"Hindi niya ako puwedeng biglain!" tawa ni Heart.

"Huwag muna. Ayoko.

"No. Not yet. Cannot be!

"And he’s too young pa also. Twenty-three lang siya!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nangyayari sa ibang magkarelasyon, nauuna ang baby kesa sa kasal.

"A...my God, hindi, a!

"Pero kung mabubuntis ako, mabubuntis ako, ’no!

"But no. I’m very careful.

"RH Bill, you know!" natawa ulit na biro ni Heart.

Sabi pa niya, "Don’t forget the RH Bill. Also the anti-abortion na, you know, you should be responsible.

"Kung hindi pa panahon, huwag muna. Yeah!

"Be careful. And be responsible."

BUWENA MANO. Para kay Heart, isang magandang pambuwena-manong project sa kanya ngayong 2012 ang pinakabagong primetime series ng GMA 7, ang Legacy.

Makakasama ni Heart dito sina Lovi Poe at Alessandra de Rossi.

Maganda raw ang role niya rito na talaga namang ikina-excite niya nang husto.

"Well, sa story nito, papipiliin ka kung pera ba o pag-ibig...kung pamilya ba o pangarap.

"So, dadalhin kayo ng story nito sa isang mundo na hindi n’yo pa nakita.

"And that is the world of Legacy," sabi ni Heart.

Kung siya ang papipiliin—pera o pag-ibig?

"Siyempre, pag-ibig ang pipiliin ko. Hindi na pinag-iisipan ’yan!" mabilis na sagot ni Heart, na natatawa.

Pero paano kung kadikit ng pinili niyang pag-ibig ay "poverty"?

"Okey lang. Kung talagang masisiguradong masaya, okey. Go, ’no!" tawa niyang muli.

Dagdag pa ni Heart, "Kahit magbenta na lang ako ng oranges sa gilid-gilid, di ba?

"Okey lang ako. Basta masaya!

"Pero kung hindi masaya, naku, huwag na, ’no!"

TARAYAN SCENES. Sa ipinapakitang teaser ng Legacy—na magsisimula na mamayang gabi, January 16—maraming mga eksenang nagtatarayan ang characters.

"Yes. Sobra ang mga tarayan.

"Pero ang nakakatuwa, kapag nag-cut, nagtatawanan kami. Kasi magkakaibigan kaming lahat.

"So, okey lang na nagkakatamaan kami sa mga scenes na may sampalan. Kasama naman talaga ’yon at hindi nga maiiwasan.

"Sila [Lovi at Alessandra], may mga eksena ng gano’n.

"Sila ’yong nagsasabunutan at nag-aaway.

"Pero ako, wala pa. Kasi mabait naman ang character ko, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May eksenang nabugbog ako ng tatay ko, medyo nagkaroon ako ng mga galos at sugat.

"Pagdating sa mga eksenang medyo pisikal na minsan nagkakasakitan, wala na ’yong may magagalit dahil natamaan or what.

"Trabaho lang naman ’yon. Understood na nga kasi na gano’n, e.

"So, nagkakatawanan na lang."

Pagdating sa mga damit, patalbugan din ang characters nila.

"Yes. Bongga ’yong mga damit," sambit ni Heart.

"Sa umpisa ng story, hindi pa ako mag-a-outfit.

"Kapag yumaman na ako, pag naghiganti na ako.

"’Tapos nakakaloka din ’yong matataray na palitan ng dialogues. Minsan nagdadagdag din kami ng linya.

"Kagaya no’ng binitiwan kong line na, ’Matangkad ka lang, pero mas maganda naman ako!’ Sa akin nanggaling ’yon."

STEAMING HOT. Love interest ni Heart sa Legacy sina Geoff Eigenmann at Sid Lucero.

May kissing scenes ba sila?

"Wala pa for now. Pero siguro meron din.

"Si Lovi, grabe, huh! Steaming hot!" natawa ulit si Heart patungkol sa kanyang co-star.

Magkakaroon din siya ng gano’ng scene?

"Wala pa siguro.

"Kasi ’yong sa akin, puro iyakan. Puro drama, e.

"Sa kanila muna ’yong glamour at mga steaming hot scenes."

Pero kakayanin ba niyang makipagsabayan in case magkaroon din siya ng mga gano’ng eksena?

"Oo. Siguro. Kakayanin.

"Wala na akong magagawa. Na-corner na ako!" tawa niya.

Paano kung mag-react si Daniel sa biglang pagiging daring ni Heart onscreen?

"Hindi na siya maloloka. Naku, huh!" sabay tawa ulit ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN