Vivo Ouano finally free after more than two months’ detention in Camp Crame

Vivo Ouano on his detention: "Ang sinasabi nga doon, huwag nga daw maging bitter, maging better. Hindi kami nagsisisi, walang pagsisisi. Natutunan kong ano, maging matatag, maging...huwag makakalimot sa Diyos. ’Tsaka, unang-una, maging wise. Nung nakalaya rin ako, sabi ko, may justice pa rin talaga sa Pilipinas."


Nakalaya na sa pagkakakulong sa Camp Crame ang StarStruck Batch 2 alumnus na si Vivo Ouano.

Matatandaang naaresto si Vivo, kasama ang apat na iba pa, noong October 5, 2011, sa isang drug buy-bust operation sa Antipolo.

(CLICK HERE to read related story.)

Itinanggi ni Vivo ang lahat ng akusasyon laban sa kanya.

Na-dismiss man ang kaso ni Vivo noong November 2, 2011, pero noong December 21 lang siya nakalabas ng piitan ng Camp Crame.

(CLICK HERE to read related story.)

Nakausap ng Showbiz Central si Vivo at ipinalabas ang naturang interview kahapon, January 15.

Ano ang pakiramdam na nakalaya na siya?

"Masaya, siyempre," sambit ni Vivo.

"Nagpapasalamat ako sa lahat ng tumulong lalo na, unang-una, kay God.

"Masarap ang pakiramdam, e. Parang nabunutan ka ng...

"Hindi ko ini-expect, basta ang alam ko, ang iniisip ko dun sa loob, alam ko, lalaya ako."

AN UNEXPECTED SCENE. Sa isang iglap napasok si Vivo sa isang eksenang ni minsan ay hindi niya inakalang mangyayari sa tunay na buhay.

"Nagulat ako, e, parang...shocked ako na, ’Ano ’to?! Ano ’to?!’

"Parang...hindi ko alam kung ano ang gagawin namin. Parang wala.

"E, yung time na nangyari yun, wala pang laman yung ano ko nun, hindi pa ako nagdi-dinner.

"Wala pa akong kinakain, lunch lang, kaya talagang hilo lang yung naiisip ko, e."

Dagdag pa niya, "Oo, natakot ako!

"Kasi hindi ko naman ini-expect na mangyayari yun sa akin, hindi ko naisip yun.

"Tsaka hindi nag-krus sa isip ko na mangyayari sa akin yun."

LIFE INSIDE THE "CAMP." Ikinuwento rin ni Vivo ang tungkol sa naging buhay niya habang nasa PNP Custodial Center sa loob ng Camp Crame.

"Tapos nung unang araw sa ano, sa may Crame, sa Custodial, hindi kami halos kumakain, e.

"Kasi hindi namin kayang kainin yung pagkain, hindi naman sa maarte...

"Yung medyo nagtagal na, pinapadalhan na ako lagi ng pagkain ng girlfriend ko, ng mommy ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung iba kong kasama, natutulog sa sahig, pero may comforter.

"Ako, dun ako sa ano, e, may kahoy.

"Pag nanood ka ng TV dun, parang ano, e, sinehan, na sinusulit mo na, magpo-focus ka dahil wala kang ginagawa, e."

Inamin din ni Vivo na may mga pagkakataong umiyak siya.

"Oo, umiyak rin ako nun, gawa ng lungkot.

"Pero once lang ako umiyak dun, nung nandun pa kami sa ano...nung wala pa kami sa Custodial.

"Tapos yung unang dating namin sa Custodial, takot kami lahat kasi nabalitaan namin kung sino yung mga tao [na naka-detain], mga high-risk talaga.

"Pero mababait naman pala sila."

DO NOT BE BITTER. Sa tatlong buwan na nasa loob siya ng piitan sa Camp Crame, isang bagay lang ang sinigurado ni Vivo:

"Ang sinasabi nga doon, huwag nga daw maging bitter, maging better.

"Hindi kami nagsisisi, walang pagsisisi.

"Natutunan kong ano, maging matatag, maging...huwag makakalimot sa Diyos.

"’Tsaka, unang-una, maging wise.

"Nung nakalaya rin ako, sabi ko, may justice pa rin talaga sa Pilipinas."

Kaya’t bagamat hindi pa malinaw para kay Vivo ang kanyang kapalaran matapos ang pagsubok na ito, determinado ang aktor na huwag magpatalo.

"Sabi ko, dapat hindi ako magpapadala sa ganun, e.

"Dapat maging mas matatag ako, kaya ko ’to, hindi ako papabayaan ni God," pahayag ni Vivo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN