Piolo Pascual gets "indirect" birthday greeting from KC Concepcion; says he will not stay single forever

"Hindi ko naman hahayaan na tumanda ako na wala akong pamilya. And I’m excited to start a family and it will come in God’s perfect timing," says Piolo Pascual.


Noong January 12, Huwebes, ay nagdiwang si Piolo Pascual ng kanya 35th birthday.

Sa kabila ng mga pinagdaanang kontrobersiya ni Piolo noong isang taon—partikular na ang breakup nila ni KC Concepcion—masaya pa ring ipinagdiwang ng aktor ang kaarawan niya dahil sa pagsorpresa ng mga taong malalapit sa kanya.

Kuwento ni Piolo sa The Buzz kahapon, January 15, "There’s a surprise party for me.

"So exciting, hanggang umaga kami.

"Nagkantahan lang ang mga kapatid ko kasi my family are still here.

"Lahat ng pamangkin ko, nandoon and they stayed up until midnight.

"So, it was a family event."

Yun nga lang, hindi nakasama ni Piolo ang kanyang anak na si Inigo.

"Unfortunately, hindi siya nakauwi kasi ilang weeks lang ang bakasyon from school for Christmas break.

"This June na lang, sa graduation niya. We’re looking forward to it.

"So, by June, magbabakasyon siya rito," banggit ni Piolo.

KC’S "GREETING." Sa isang banda, pinag-usapan din ang naging Twitter post ng dating girlfriend ni Piolo na si KC noong mismong araw ng birthday ni Piolo.

Ayon sa tweet ni KC: "Happy New Year & a Happy Birthday to all January celebrants!"

Para sa ilan, tila hindi direktang pagbati ito ni KC sa kaarawan ni Piolo.

Nang tanungin kung ano ang naging reaksiyon ni Piolo sa "pagbati" ni KC, isang napakaikli pero nakangiting sagot lang ang ibinigay nito: "Thank you."

Nagkausap na ba sila ni KC matapos ang kanilang breakup?

"Hindi pa," tugon niya.

WHEN WILL PIOLO GET MARRIED? Naitanong din kay Piolo kung kailan ang plano nitong magpakasal.

Sabi naman ng Kapamilya actor, "When I was twenty, at twenty-five, puwede na akong magpakasal.

"Noong nag-twenty-five ako, mga thirty, puwede na.

"Noong nag-thirty ako, mga thirty-five.

"So, ngayon, baka kapag forty, puwede na!"

Naniniwala naman si Piolo na hindi siya tatandang binata at lalagay rin siya sa tahimik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko naman hahayaan na tumanda ako na wala akong pamilya.

"And I’m excited to start a family and it will come in God’s perfect timing."

STAYING POSITIVE. Sa ngayon, mas gusto muna raw i-enjoy ni Piolo ang mga proyektong naka-lineup sa kanya para sa 2012.

"Ako, napaka-positibo kong tao," sabi ni Piolo.

"Lahat ng bagay, tinitingnan ko ang ikagaganda.

"Tinitingnan ko yung magandang value. Tinitingnan ko ang positive.

"So, I’m looking forward to work I have with ABS, yung soap opera na sinimulan namin ni Jericho [Rosales] last year.

"And I still have a movie with Angelica Panganiban, and I still have another movie with Star Cinema, and I have an album coming up as well.

"I’m looking forward for a better year as well."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN