Leni Robredo claims VP victory over Bongbong Marcos: "Damayan niyo po ako sa bago kong obligasyon."

May 16, 2016
<p>Nanawagan si Congresswoman Leni Robredo sa kanyang mga taga-suporta na huwag nang makipagbangayan sa kanyang mga naging katunggali sa vice-presidential race. Nag-post ito sa kanyang Twitter account matapos makita ng kanyang kampo na malinaw na raw ang

Panalo na si congresswoman Leni Robredo sa pagka-bise presidente.

Ito ang deklarasyon ng kampo ng Liberal Party vice-presidential bet nitong nakaraang Linggo, May 15.

Ayon kay Boyet Dy ng Team Leni sa ulat ng GMA News Online, imposible na raw na makahabol pa si Senator Bongbong Marcos “mathematically” sa lamang ni Congresswoman Robredo sa kanya.

Sabi pa ni Dy, "Sa labingwalong rehiyon ng bansa, panalo po si Cong Leni sa sampu, si Senador Marcos naman ay nanalo sa pito, at ang natitira ay napunta sa iba pang katunggali.

“Sa kasalukuyang tala ng COMELEC na makukuha mula sa kanilang website as of 2 p.m., pumasok na ang 99.51 percent ng mga bilang mula sa lahat ng siyudad at munisipyo sa bansa. Siyam na munisipiyo na lang ang wala pang naitatalang COC."

Sa huling bilang ng Comelec, lamang si Robredo ng 257,567 na boto kay Marcos, sa mahigit na 99.51 percent ng mga naitalang boto.

Continue reading below ↓

May natitira pang siyam na munisipalidad na hindi pa nabilang ang mga certificates of canvass pero aabot lamang daw ang bilang nito sa 168,988 na boto.

Dagdag pa niya, "Dahil po rito, buong-buo ang ating loob at galak sa matagal nang pinakahihintay na balita: sa ngayon, wala nang makakapigil kay Leni Robredo. Siya ang ating susunod na pangalawang pangulo ng bansa."

"PANALO NA TAYO." Samantala, nanawagan naman si Robredo sa pamamagitan ng kanyangTwitter account na huwag nang makipagpalitan pa ng masasakit na salita sa ibang kampo.

Sinabi rin niya na ngayong maliwanag na ang kanyang pagkapanalo, maaari na raw mag-move on mula sa girian na dulot ng mainit na eleksiyon.

Nanawagan din siyang suportahan natin ang presumptive president na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

"DAMAYAN NIYO PO AKO." Humihingi rin siya ng suporta sa taumbayan na samahan siya sa kanyang paglilingkod sa bayan bilang pangalawang pangulo.

Read Next
Read More Stories About
leni robredo, Bongbong Marcos
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Nanawagan si Congresswoman Leni Robredo sa kanyang mga taga-suporta na huwag nang makipagbangayan sa kanyang mga naging katunggali sa vice-presidential race. Nag-post ito sa kanyang Twitter account matapos makita ng kanyang kampo na malinaw na raw ang
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results