Jinkee Pacquiao celebrates 33rd birthday on private island reportedly bought by Pacman for her

Jinkee Pacquiao on her best birthday gift ever from Pacman: "Yung pagiging closer namin to the Lord, yung lagi kaming nagba-Bible study kasama yung mga anak namin. And then yung quality time niya sa mga anak niya, iyon, ginagawa na niya ngayon. So, that’s the best blessing na masasabi kong natanggap ko this Christmas, New Year, and for my birthday."


Isang isla diumano ang iniregalo ni Manny Pacquiao sa kanyang misis na si Jinkee Pacquiao sa kaarawan nito.

Jinkee turned 33 last January 12.

Bukod pa sa yate na bigay rin sa kanya ni Manny.

Pero ayon kay Jinkee, may mas bongga pa raw na regalo si Pacman sa kanya.

"Yung pagiging closer namin to the Lord, yung lagi kaming nagba-Bible study kasama yung mga anak namin.

"And then yung quality time niya sa mga anak niya, iyon, ginagawa na niya ngayon.

"So, that’s the best blessing na masasabi kong natanggap ko this Christmas, New Year, and for my birthday," pahayag ni Jinkee sa taped interview sa kanya ng Showbiz Central na ipinalabas kahapon, January 15,

Sobrang sweet daw lalalo ngayon nina Jinkee at Manny, gaya noong time daw na nagkaroon si Jinkee ng birthday celebration sa kanilang pribadong isla.

At ayon pa sa report ng Showbiz Central, balak diumano ni Jinkee, na may utak entrepreneur, na gawing isang world-class resort ang naturang isla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN