Alessandra de Rossi considers "baking" in Italy as fallback to acting career

Alessandra de Rossi is very happy about her upcoming television project with GMA-7. "Lahat kami sa cast, excited dito sa Legacy," she says.


Sobrang excited daw si Alessandra de Rossi sa pagsisimula ng seryeng Legacy—kung saan makakasama niya sina Heart Evangelista, Geoff Eigenmann, Lovi Poe, Sid Lucero, Mike Tan, at iba pang Kapuso stars.

Pero bahagyang umarko ang kilay ni Alessandra nang matanong tungkol sa balitang kamakailan ay nagmamakaawa raw ito sa pagwi-wish na magkaroon ulit ng boyfriend.

"Never!" ang halos patili niyang reaksiyon.

"Hindi pa rin siya nakakasama sa aking prayers! Ha-ha-ha!

"At hindi rin siya nakasama sa wish list ko ngayong 2012.

"So... baka mga three years from now, puwede ko nang i-wish na magkaroon ulit ako ng boyfriend.

"Siguro magkaka-boyfriend ulit ako kapag 35 na ako! Ha-ha-ha-ha!"

Sa mas seryosong tono, sinabi nitong wala pang puwang sa buhay niya ang pag-ibig.

"Hindi ko talaga siya naiisip sa ngayon. Ang problema naman kasi kapag na-in love ako, pati naman career ko, itatapon ko, e. Gano’n naman ako.

"Pero sa ngayon, hindi ko lang talaga siya naiisip kasi, wala rin naman akong nakikilala talaga na gusto ko," ang paliwanag ng 27 anyos na dalaga.

Kung husay sa pag-arte ang pag-uusapan, wala nang dapat pang patunayan ang nakababatang kapatid ni Assunta de Rossi.

CONFRONTATION SCENES WITH LOVI. At inaasahang muli na naman niyang ipapamalas ang kanyang kalibre bilang isang magaling na artista dito sa Legacy, lalo pa’t maraming mabibigat na confrontation scenes at tarayan.

Ang kuwento ni Alex (palayaw ni Alessandra), "Grabe nga ‘yong mga eksena, lalo na ‘yong kami ni Lovi na lagi kaming nagbabarahan.

"’Tapos, nakikita ko sa script ‘yong...tumatahimik na ako kasi wala na akong maisagot. Sabi ko, pagdating ng taping, hindi ako tatahimik! Ha-ha-ha! May isasagot ako, for sure."

Umabot pa nga raw sa puntong nagkapisikalan na sila ni Lovi, at nasugat ang huli dahil halos naging totohanan na ‘yong tagpong nag-aaway sila.

"Nahulog nga ako sa eksenang ‘yon!" natatawang kuwento ni Alessandra. "Ang tagal kong may malaking pasa dito sa kanang siko ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matindi talaga ’yong eksena namin na ’yon na naapakan ko ’yong gown ko, ’tapos nadulas ako.

"Ako talaga ang may kasalanan. Hindi ’yong sabunutan namin ni Lovi.

"At hindi ko rin nga ini-expect na gano’n ang mangyayari.

"Sabi ko nga, next time naman, huwag namang naka-gown kapag nagsasabunutan. Kasi wala naman akong kalaban-laban do’n, di ba?

"Kung sabagay, gano’n talaga ang peg.

"Pero ’yong tulad ko na hindi naman ako sanay na mag-takong talaga, e...’Tapos naka-gown pa na makikipagsabunutan, so ayon, nadulas ako.

"Next time, magpa-flat shoes na lang ako!" sabay tawa ulit niya.

AWARD FROM HOMETOWN IN ITALY. Nadako naman ang usapan sa award na iginawad sa kanya recently ng probinsiyang kinaroroonan ng kanyang pamilya.

Isa ang Filipino-Italian aktress sa mga hinirang ng Premio Internazionale Pugliese nel Mondo 2011.

Nakangiting aniya, "Ang sarap ng feeling na naaalala ka ng hometown mo. ‘Yong gano’n na... ang layo mo man, wala ka man do’n pero binibigyan ka nila ng recognition, di ba?

"So...ang sarap ng feeling sa totoo lang na may recognition na nagdadala raw ako ng karangalan sa region namin doon sa Italy.

"Iyong gano’n...na may mga ibang artista rin na Italian na binigyan ng recognition dahil galing nga rin sila roon sa lugar namin, sa region na ’yon."

Sa Puglia o Apulia ang probinsiya ng Kapuso contract star na aniya’y "pinaka-dulong part iyon ng Italy, maliit lang siyang part sa South."

Miss na miss na raw nito ang kanyang hometown, at kung magkaroon ng magandang oportunidad dun, mas gusto raw niyang mamalagi dun.

Aniya, "Sa totoo lang, kung meron ako puwedeng gawin doon, do’n na lang ako. Kaya lang, wala akong puwedeng gawin doon, e.

"Sabi ng Mommy ko last year, kung gusto ko raw talaga, mag-aral daw ako ng baking kasi magkaka-future daw ako kung baker ako roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, sige, maganda ’yan."

Dito ba sa Pilipinas, e, hindi promising ang future niya bilang artista?

"Hindi naman forever itong mga ganitong bagay, e, di ba?" ang seryosong paliwanag ni Alex.

"At hindi rin naman forever na... Ayoko ng naka-make-up. Pagod na pagod na ako na nakatakong, ’yong gano’n. Ha-ha-ha!

"So may mga hinahanap din tayong puwede nating gawin kapag wala na ang career.

"’Yong tungkol sa pag-aaral ng baking, pag-iisipan ko pa. Kasi ngayon, walang time kasi busy ako sa taping ng Legacy.

"At saka marami akong binabayaran. Kailangang magtipid.

"Kung may magpapaaral sa akin, why not? Charos! Ha-ha-ha-ha!"

Kung naiisip niyang balang araw ay babalik siya sa Italy para doon na manirahan for good, hindi kaya isang Italian ang susunod niyang maging boyfriend at mapapangasawa niya?

"Uhm...magugulat ako kapag nangyari ‘yan. Pero hindi naman gulat na gulat talaga.

"Hindi pa kasi ako naa-attract sa foreigner. Ha-ha-ha!

"Feeling ko, pang-Pinoy talaga lang ako.

"Although sabi rin nila. ‘yong personality ko hindi pang-Pinoy, pang-foreigner daw. So... tingnan natin.

"Malay mo, sa kapwa babae pala ang ending ko!" napahalakhak na pagbibiro pa ni Alessandra.

Ang tanong nga ng reporter na ito kay Alex, open ba siya sa girl-to-girl relationship?

"Ay wit!" todo-iling na reaksiyon niya.

At ang patawang ending niya, "Sa bading na lang kaya? Ha-ha-ha!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN