Sarah Lahbati still being courted by Derrick Monasterio, but says she has no time to entertain suitors

Sarah Lahbati on being courted by Derrick Monasterio: "Hindi naman po ako deadma! Natutuwa ako na nandiyan siya. Pero ano po...talagang busy kami pareho sa work. Wala kami parehong time sa gano’ng mga bagay."


Hindi pa masabi ni Sarah Labati ang eksaktong petsa, pero nakatakda siyang umalis patungong Switzerland sa February.

Magkakaroon kasi siya doon ng Valentine concert kasama ang nali-link sa kanyang si Derrick Monasterio at ang ka-batch niya sa StarStruck na si Enzo Pineda.

One week daw ang ilalagi nila sa Switzerland, kung saan nakabase ang mga magulang ni Sarah.

Pinay ang ina ni Sarah at Moroccan naman ang kanyang ama.

Bukod sa pagkakaroon ng concert, hindi pa masabi ni Sarah kung ano ang kanyang itinerary para makapag-bonding sila ng kaniyang pamilya sa isang linggong pamamalagi niya sa Switzerland.

Nang mag-decide kasi siyang pasukin ang showbiz pagkatapos ng StarStruck, nagpaiwan na si Sarah sa Pilipinas sa pangangalaga ng mga kamag-anak nila.

Kuwento ni Sarah sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Gusto nga ng dad ko, mamasyal kami at mag-travel sa Italy, France, at saka sa Morocco kung kakayanin at may time.

"Pero sabi ko, one week lang ako sa Switzerland. Paano namin gagawin ’yon?

"’Tapos, may concert pa nga.

"And then, Valentine’s, siyempre ’yong parents ko, magdi-date.

"So, sabi ko, ’Sige, bahala na.’ Good luck!

"Pero ano...ita-try ko pong i-extend kung papayagan ako ng GMA. Kung puwede.

"Kahit two weeks lang.

"Sa Valentine’s day, since may concert kami, magkakasama kami nina Enzo at Derrick.

"Kasama rin ang mga mommy nila, ’tapos parents ko rin.

"And nagplano kami na mag-snowboarding and ski. ’Yon."

DERRICK MONASTERIO. Sa kabila ng balitang panliligaw sa kanya ni Derrick, 16, wala pa raw sa isip ng Kokak star, 18, ang tungkol sa pagbu-boyfriend sa ngayon.

Paliwanag ni Sarah, "Ano, e, ang hirap pagsabayin talaga.

"So, darating din ’yong time na... Kung meron mang darating, mapi-feel ko naman ’yon.

"Pero ano talaga, career muna. And focus lang muna sa work nga."

Pero kahit wala muna sa pakikipag-boyfriend ang interes niya, tuloy pa rin ang panliligaw sa kanya ni Derrick?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gano’n pa rin," sambit ng aktres.

"Nagkikita kami sa Party Pilipinas. May mga rehearsal kami ng production number namin.

"And...ayun, gano’n pa rin."

Wala talaga siyang anumang response sa panliligaw sa kanya ni Derrick? Hindi niya type ang binata?

Natawa ulit si Sarah.

"Ano po kasi kami, busy nga sa trabaho," maikli nitong sagot.

So, deadma siya sa panililigaw ni Derrick?

"Hindi naman po ako deadma!" sabay tawang reaksiyon ni Sarah.

"Natutuwa ako na nandiyan siya.

"Pero ano po...talagang busy kami pareho sa work.

"Wala kami parehong time sa gano’ng mga bagay."

DERRICK VS. JC. Bukod kay Derrick, nali-link din si Sarah ngayon sa co-star niya sa Kokak na si JC Tiuseco.

Totoo bang madalas silang lumalabas ng 26-year-old actor?

"Pag sa taping po, for example pareho kaming on-call, magla-lunch kami somewhere, ’tapos balik sa taping.

"Pero may iba kaming kasama. Like sina Frencheska [Farr] at Ervic [Vijandre], at iba pa naming co-stars sa Kokak.

"Ewan ko kung bakit inili-link kami. Wala naman.

"Pero friends kami," sabi ni Sarah.

Sino ba ang mas appealing sa paningin niya: si Derrick o si JC?

"Pareho po," nangiting sagot niya.

Ano bang katangian ang pinakagusto niya kay Derrick?

"Siyempre, his good looks and ’yong height niya.

"’Tapos, ’yong pagiging makulit niya!" natatawang sabi ni Sarah.

Kay JC naman?

"Uhm, ’yong sense of humor niya. And hardworking siyang tao.

"So, magandang katrabaho ’yong mga gano’n."

Si Derrick ay nakilala na raw ng ama ni Sarah nang nasa Pilipinas ito.

Boto naman kaya ang ama niya sa panliligaw ng young actor sa kanya?

"Boto talaga?" tawa ulit ni Sarah.

"Natuwa naman siya na na-meet niya ang ibang artista dito.

"Siyempre sa Switzerland, sa TV lang niya napapanood [through GMA Pinoy TV].

"Natuwa siya na finally na-meet niya ’yong iba no’ng huling uwi niya dito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinapayagan na ba siya ng kanyang ama na magka-boyfriend?

"Siyempre, gusto niyang makilala kung sino.

"And hindi basta-basta na puwede. Kailangang kilala niya.

"And alam niyang matino...gano’n."

SWEETEST THING. Bilang manliligaw, ano ang pinaka-sweet na nagawa na ni Derrick para sa kanya?

"Uhm, siguro no’ng nagkasakit ako one time.

"Nakakulong ako sa dressing room ng Party Pilipinas, ’tapos pinatay ko lahat ng aircon.

"’Tapos, nagulat na lang ako, may pumasok.

"Akala ko kung sino. ’Yon pala, si Derrick.

"Binigyan niya ako ng tissue kasi sinisipon ako.

"Ipinahiram niya ’yong jacket niya para hindi ako ginawin.

"Sinamahan niya ako."

For sure, may mga regalo nang naibigay sa kanya si Derrick. Ano sa mga ito ang pinakatini-treasure niya?

"A, ’yong Christmas gift niya for me. Binigyan niya ako ng shih tzu na pinagalanan kong Effi.

"Pangalan iyon ng character sa isang favorite series ko," sabi ni Sarah.

Palagi ba niyang niyayakap ang asong bigay sa kanya ni Derrick kapag nasa bahay siya?

"Yes!" sabay tawa ulit ni Sarah.

"At siyempre, lagi kong naaalala si Derrick kasi siya ’yong nagbigay.

"Sobrang cute no’ng dog. Maliit lang siya."

Hindi kaya ang asong ito ang maging tulay para sagutin na niya si Derrick?

"Tulay talaga? Ha-ha-ha! Gano’n?

"Natuwa lang po ako na nagkaroon ng gano’ng Christmas gift."

SARAH THIS 2012. Bukod sa Kokak, ano pa ang ibang puwedeng abangan kay Sarah ngayong 2012?

"Uhm...marami akong naririnig na magagandang plans for me.

"Pero hindi pa confirmed, so hindi ko pa puwedeng i-share.

"Abangan n’yo na lang.

"Sa ngayon, hindi pa akong puwedeng magsalita tungkol dito.

"’Yong Kokak, I think aabot pa ng March bago matapos."

Bukod sa maganda at sexy, may height din si Sarah.

Marami ang nagsasabing puwede siyang maging beauty queen. Hindi ba niya naiisip na sumali sa isang beauty contest?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala po," sagot ni Sarah.

"Hindi ko talaga hilig ’yong pagsali sa beauty contest.

"Happy na ako bilang isang artista—at ito ang pagbubutihin ko nang husto."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN