Jolina Magdangal and Mark Escueta share bliss as newlyweds

"Sabi nila, mas makikilala mo raw pagka kasama mo na palagi. Mas nakikilala nga namin ang isa’t isa, pero parang nasu-surprise ako na, puwede naman na masayang-masaya lang palagi. O kaya nagkakaroon ng diskusyon paminsan-minsan, pero hindi leading sa nagbangayan na kayo nang bongga diyan, di ba?" saya Jolina Magdangal when asked if she and her husband Mark Escueta quarrel.


Nadatnan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) and bagong kasal na sina Jolina Magdangal at Mark Escueta sa 50th birthday party ng GMA-7 Assistant Vice President for Drama na si Redgie Acuña Magno.

Ang party ay ginanap sa penthouse ng Emar Suites, Shaw Boulevard, Mandalayong City noong Huwebes, January 12.

Matapos kumain ng mag-asawa, unang kinumusta ng PEP ang first Christmas nila bilang Mr. and Mrs. Escueta.

Kuwento ni Jolina, "Christmas eve, nasa Tagaytay kami kasama yung family ko. ’Tapos mga 11:30...

"After dinner, bumababa naman kami ng Parañaque para kasama naman yung family niya."

Noong New Year’s eve naman, nasaan at paano nila ito ipinagdiwang?

"Baguio!" parang batang sagot ni Jolina.

"Kailan tayo umakyat?" tanong ni Mark sa asawa.

"[December] 29 to January 1," sagot naman ni Jolina.

Silang dalawa lang ba ang umakyat sa Baguio?

"Kasama family ko," sagot ni Mark.

Sabi naman ni Jolina, "Niyaya namin yung both families [namin].

"Ngayon, yung sa parents ko ’tsaka yung sister ko, kailangan nilang bantayan yung Memory Lane," banggit pa niya sa restaurant at souvenir shop nila sa Tagaytay.

Dagdag ni Jolina, "Kasi, siyempre, New Year, so... e, ano may mga bookings kaya di na sila nakasama."

HONEYMOON? Natuloy na ba ang nabanggit noon ni Jolina sa kanyang mga interviews na balak nilang mag-honeymoon sa labas ng bansa?

Biro ni Jolina, "Hindi pa nga, e. Bukas. Ay, hindi loko lang!"

Ayon naman kay Mark, "Pinaplano pa. Naghahanap ng oras."

Sabi ulit ni Jolina, "Hindi naman yun, ano...parang binabale-wala.

"Nasa ano namin yun...nasa itinerary namin for this year.

"Pero siyempre, may mga ibang bagay muna kaming inuuna."

DREAM HOUSE. Yung plano nilang pagbili ng bahay, kumusta na?

Sabi ni Jolina, "Oo, naghahanap-hanap. House hunting."

Dagdag naman ni Mark, "Baka ano pa lang...gusto naming magpagawa.

"So, baka lote muna."

Ayon pa kay Jolina, "Mero’n kaming mga tinitingnan. Pero, ang ine-aim namin sana, sa QC [Quezon City].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, malay natin bigla kaming may magustuhan somewhere sa [bandang] south.

"Basta desisyon naming dalawa na okay."

Nangingiting sabi naman ni Mark, "Hindi naman kami nagmamadali. Mahirap pumili ng dream house."

CAREER PLANS THIS 2012? Anu-ano ang aabangan sa kanilang mag-asawa ngayong 2012 lalo na sa may kinalaman sa career?

Sagot ni Jolina, "Actually, parang ipapalabas pa lang yung mga naka-lineup na soaps, di ba, bago pa matapos yung Iglot.

"May mga naka-lineup na sila [GMA-7], pero may mga inaayos na.

"So, by that time na, siguro first week or second week yung mga bagong soaps ngayon, ilalatag na nila yung mga bago na susunod do’n.

"And isa doon yung gagawin ko.

"Pero siyempre, hindi pa nila ibinabalita hangga’t hindi pa talaga tapos."

Si Mark, ano ang kanyang pagkakaabalahan this 2012?

"Pino-produce ko yung album ni Jolina.

"Hopefully...dapat last year [2011] sana.

"Pero, nakasabay no’ng wedding planning [namin].

"So target namin this year malabas yung album.

"Sa amin din sa banda, nagsusulat kami ng songs.

"Either a new album, or single," saad ng drummer ng Rivermaya.

Nagawan na ba ni Mark ng kanta ang kanyang misis?

"A, di pa tapos," maiksing sagot ni Mark.

Puwede ba nilang ikuwento kung ano ang mga plano nila at dapat abangan sa album ni Jolina?

Ayon kay Jolina, "Mero’n na, pero kasi siyempre, ayaw naming ma-preempt, e. Dahil isang kanta pa lang yung na-record namin.

"Pero nakalatag na rin yung gusto naming mangyari sa buong album.

"Sa totoo lang, thankful kami sa Viva for understanding na yung wedding plans... noong nagpa-plan kami ng wedding na kailangan ma-delay lang ng konti [yung album].

"Pero ngayon, kumbaga, e, kailangan naming ituloy yun. Kasi na-excite na rin kaming gawin, e."

MR. AND MRS. Kumusta naman ang buhay na magkasama sila araw-araw sa iisang bubong?

Saad ni Jolina, "Wala... Sa totoo lang, ha, sabi nila, mas makikilala mo raw pagka kasama mo na palagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas nakikilala nga namin isa’t isa pero parang nasu-surprise ako na puwede naman na masayang-masaya lang palagi.

"O kaya, nagkakaroon ng diskusyon paminsan-minsan, pero hindi leading sa nagbangayan na kayo nang bongga diyan, di ba?

"Para lang patunayan na, ’A, mag-asawa, ganyan talaga.’"

Ipinagluluto rin ba niya si Mark?

"A! Magaling akong magprito ng itlog!" natatawang sagot ni Jolina.

Si Mark, ano naman ang iniluluto niya for Jolina?

"Kape!" mabilis na sagot ni Mark, sabay tawa.

"In fairness ha, ginagawan niya ako talaga ng kape," proud na sabat ni Misis.

Niluluto na ba ngayon ang kape?

"Oo, yun na yung luto ko, e. Yun ang pinakaluto ko, kape!" natawa uling sabi ni Mark.

"De pindot," pagtukoy naman ni Jolina sa coffeemaker.

"Counted din ba yung microwaved na popcorn?" natatawang tanong ni Mark.

"Hindi, siya [Jolina] talaga marunong magluto.’Tsaka nagbi-bake," ayon kay Mark.

Sabi naman ni Jolina, "Mas gusto ko ng baking kesa sa cooking.

"Kasi yung mga cooking, medyo ano, e...takot pa kong yung matatalsikan na, ano.

"Pero gusto kong matuto ng puro lutong bahay."

Parang mas mahirap yata ang baking?

Sabi ni Jolina, "Hindi ko alam. Talagang gusto ko lang.

"Hindi, baking kasi may ano na. May sukat na.

"Follow the instructions na lang.

"’Tapos, konting lambing ng paghimas-himas ng mga dough. Ganyan.

"Pero, gusto ko ring matutong magluto ng mga lutong bahay."

Anu-ano na yung mga na-bake niya para sa kanyang mister?

"Cookies. Red velvet cupcakes. O...butter cookies," hagikhik ni Jolina.

"Hindi na nga ako nakapag-bake aftor no’ng wedding.

"Pero ngayon parang gusto ko ulit.

"Gusto ko ulit mag-bake.

"’Tapos nag-offer si Wilma. Wilma Doesnt kasi may school siya ng culinary school.

"May baking course lang. Eight months kaya tuluy-tuloy na ’to.

"Kasi eventually, gusto rin naming sana maging business namin.

"Kasi yung katuwaan namin na business, pero parang bongga naman, yung shirt.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Shirt business. Siya [Mark] yung nagde-design, siya rin yung nagpi-print.

"’Tapos ako lang tagatiklop.

"Tagatiklop, kailangan may packaging maganda," natutuwa niyang kuwento.

Mukhang sobrang okay sila bilang mag-asawa. Mas magiging okay yata pag may mga little Jolina at Mark na?

Ayon kay Jolina, "Nasa plano pero ayaw lang ng pilit. ’Wag niyong pilitin.

"Kasi maraming nagsabi, ’The more n’yo iniisip, lalong wala.’

"Pero hindi namin [iniisip na], ’O, wala muna, ha. Hindi.

"Wala kaming pinaplanong gano’n. Kung ibibigay sa amin, very much na gusto talaga namin.

"Pero ang mahalaga do’n, yung understanding namin pareho," sabay hilig ni Jolina sa balikat ng kanyang mister na si Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN