Cristine Reyes and Rayver Cruz celebrate New Year in New York

Cristine Reyes and boyfriend Rayver Cruz flew to New York to celebrate the New Year there. Cristine: "In fairness, si Rayver, na-adapt niya yung pagiging independent ko. Siyempre, kapag nagta-travel siya abroad, nandiyan ang handler niya. Asikaso siya sa lahat. Independent tayo rito. Dapat lahat ng importanteng bagay, nasa iyo palagi... So, yun, natuto siyang maging independent. Parang happy naman ako."


Naging memorable at special ang pagsalubong sa 2012 ng showbiz sweethearts na Cristine Reyes at Rayver Cruz.

Last December 30 ay lumipad ang dalawa papuntang New York City para doon i-celebrate ang New Year.

Isa raw sa highlights ng naging trip nila ay ang kanilang date noong New Year’s eve sa Lunt Fontanne Theatre, kung saan pinanood nila ang Broadway musical na The Addams Family.

Naging favorite pasttime din daw nina Cristine at Rayver ang pagkain ng streetfoods sa Halal Cart, pati na sa sikat na burger stand na Shake Shack.

Pero ang pinaka-ultimate experience raw ng magkasintahan ay ang pagdalo nila sa Ball Drop noong New Year’s Eve sa Times Square.

Dahil guest co-host si Cristine sa The Buzz kahapon, January 15, personal na ikinuwento ni Cristine ang mga naging experiences nila sa New York.

Kuwento ni Cristine: "Nag-celebrate lang kami ng New Year.

"Siyempre, first time namin na mag-out of the country together.

"First time naming mag-celebrate without our family.

"So, alam ninyo yun, ini-enjoy lang namin ang moment at kakatapos lang ng show namin na Reputasyon.

"So, yun ang bakasyon namin, treat namin sa sarili namin."

At the same time, nilinaw rin ni Cristine ang unang pagkaka-pronounce niya ng Louboutin, isang shoe brand, sa opening ng The Buzz.

May mga nag-react daw kasi sa Twitter niya at nagtu-tweet na mali ang pronunciation niya.

Sabi ni Cristine, "Sa mga nagre-react pala sa Twitter, it’s Louboutin. I’m so sorry, tao lang."

NEW DISCOVERIES. Tinanong ni Boy Abunda si Cristine kung may mga bago siya na-discover tungkol sa kaniyang boyfriend sa trip sa Nueva York.

Ayon kay Cristine: "In fairness, si Rayver, na-adapt niya yung pagiging independent ko.

"Siyempre, kapag nagta-travel siya abroad, nandiyan ang handler niya, si Ate Luz [Bagalacsa]. Asikaso siya sa lahat.

"Independent tayo rito.

"Dapat lahat ng importanteng bagay, nasa iyo palagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, bitbit niya palagi.

"Kasi, natandaan ko before, nag-out-of-the country sila nila Billy [Crawford], Zanjoe [Marudo]—yung passport niya, naiwan yata sa hotel.

"So, yun, natuto siyang maging independent. Parang happy naman ako."

Dugtong pa ni Cristine: "At saka, Tito Boy, tinatakot ko siya.

"First time niya sa New York, di ba? ’Sige, iiwanan kita rito. Mawawala ka!’"

Parehong 22 years old lang sina Cristine at Rayver, pero nakarating na ang young actress noon sa New York.

Sabi pa ni Cristine: "Natuto kaming maglakad.

"Dito sa Pilipinas, kahit diyan lang sa kanto ang pupuntahan mo, magko-kotse ka pa, magdyi-jeep ka pa.

"Doon hindi, lalakarin mo lahat."

BROADWAY EXPERIENCE. Na-enjoy ba nila ang Broadway?

Nakangiting sabi ni Cristine, "Sobrang na-enjoy namin.

"Actually, natatakot ako noong nanonood kami ng Addams Family kasi parang totoo talaga na Addams Family sila.

"May Frankenstein ba yun, parang totoo.

"At yung kamay, si Toto, nakakatakot! Totoo!

"Hindi ko alam kung paano nila ginawa."

Si Brooke Shields, maganda?

"Hindi ko alam na siya yun. Nalaman ko na lang sa ending."

Ano ang role ng Hollywood actress sa Addams Family?

"Siya si Morticia."

BALL DROP. Nagkuwento rin si Cristine tungkol sa Ball Drop sa New York.

"Masaya yung Ball Drop kasi, di ba, lahat kayo, hindi magkakakilala, nagse-celebrate kayo? Ilang milyong tao yun.

"Tapos, struggle yun. Parang ang dami naming struggle bago makarating sa stage, bilang wala kaming tickets.

"Ang kapal ng mukha namin talaga! Pero, nakarating kami do’n.

"Ang daming NYPD na humaharang sa amin. Pero basta, mahabang kuwento...

"Ang daming Pinoy na tumulong sa amin para makarating doon."

Doon nga raw lalong nakikita ang hospitality ng mga Pinoy sa Pinoy kahit saang bansa.

"Kasi nga, kahit hindi namin sila kilala, ’Happy New Year!’

"Parang pare-pareho kaming nagse-celebrate doon," sabi ni Cristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN