Patrick Garcia and Luis Manzano face each other in one-on-one interview

Patrick Garcia (left) made a guest appearance on Entertainment Live last Saturday, January 14, where he was interviewed by Luis Manzano (right). Patrick is the father of Jennylyn Mercado’s son, Alex Jazz; Luis is the current boyfriend of the actress.


Sa unang pagkakataon ay nagharap sina Luis Manzano at Patrick Garcia para sa isang interview.

Parehong may kaugnayan kay Jennylyn Mercado ang dalawang aktor.

Si Luis ang current boyfriend ni Jennylyn, samantalang si Patrick ang ama ng anak ng Kapuso actress-singer.

Naganap ang paghaharap nina Luis at Patrick sa Entertainment Live noong Sabado, January 14.

Ininterbyu ni Luis si Patrick, na nagbabalik sa Kapamilya network, sa naturang showbiz talk show ng ABS-CBN.

Excited ang mga tao sa loob ng studio sa interview sa pagitan ng dalawang aktor.

Narito ang naging pag-uusap nina Luis at Patrick:

Luis: "Talagang maraming natuwa na ikaw ay nagbalik-Kapamilya. In fact, nag-trending ka pa sa Twitter. How does it feel na from Channel 2, nagkabilang-bakod, then you came back, pero yung mga supporters mo ’andun pa rin talaga para sa ’yo?"

Patrick: "Well, I’m very blessed and fortunate na kahit saang istasyon ako pumunta, e, yung supporters ko ay nandiyan pa rin for me. Well, I’m here, back home."

Nagsimula ang career ni Patrick bilang child star sa dating programa ng ABS-CBN na Ang TV. Noong 2006 ay lumipat siya sa GMA-7.

Luis: "Nang may offer sa ’yo, na ’eto nga ang Channel 2, ano yung unang pumasok sa isip mo?"

Patrick: "Siyempre, naisip ko agad yung mga taong dating nakatrabaho ko, yung RM [road manager] ko dito sa Channel 2."

Luis: "Kung saka-sakali lang, bigyan ng pagkakataon na tawagin nating neutral ang lahat, papayag ka ba na gumawa ng isang proyekto kasama ako at si Jennylyn?"

Patrick: "Depende sa ’yo?" (sabay tawa)

Luis: "Sa akin, okay lang, kaya kong magsulat ng script."

Patrick: "Okay lang naman sa akin."

Luis: "Yes, a very, very good project.

"Second, ’eto nakita ka ng mga manonood na bata ka pa lang, e, nandito ka na sa ABS-CBN, nag-showbiz ka na, if given a chance, papayagan mo ba si Jazz na mag-showbiz?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Alez Jazz ang anak ni Patrick kay Jennylyn.

Patrick: "Kung anong gusto niya, siya siguro magdedesisyon. Siguro kung gusto niyang mag-artista."

Luis: "No hesitation at all, alam mo naman kung paano na [showbiz] is not exactly the nicest environment paminsan-minsan. We are very blessed na nakaka-influence over people. At the same time, you know na how to get tough, tayo, behind the camera."

Patrick: "Siguro kasi pag inaway nila si Jazz, si Jen ang makakalaban nila, lagot sila kay Jen. Siyempre poprotektahan ni Jen yung anak ko. Pero siguro kung ano talaga yung gusto ng anak ko."

Luis: "At siyempre, kung paano yung pagpapalaki n’yo sa kanya.

"Eto, medyo maraming naguluhan when you last guested sa Kris TV, inamin mo na mayroon kang non-showbiz girlfriend.

"Pero ambilis din lumabas na may issue na kaka-break n’yo lang, before that guesting.

"So, medyo nalito yung mga tao. So let’s clear that once and for all."

Patrick: "Hindi ko alam."

Luis: "A, nasa grey area pa?"

Patrick: "Yes, nasa grey area pa."

Luis: "When she [Jennylyn] heard ba na you will be working with Maja Salvador—we know naman that Maja is very stunning lady—may reaksiyon ba sya?

Patrick: "Wala naman. Pagdating sa trabaho, wala naman siyang nasasabi."

Magsasama sina Patrick at Maja sa Precious Hearts Romances Presents Lumayo Ka Man Sa Akin.

Pagkatapos ng interview ni Luis kay Patrick, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Patrick kung ano naging pakiramdam niya habang ini-interview siya ng kasintahan ng ina ng kanyang anak.

Ayon kay Patrick, "Well, okay naman.

"I know Luis quite some time naman, we were together before.

"And there’s no tension or whatsoever between Luis and I, so there’s no problem."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN