PEP SPECIAL REPORT Part 1: Janelle Manahan says she never imagined the Bautista siblings would be capable of murdering Ramgen Revilla

Paralisado pa rin ang kanang bahagi ng mukha ni Janelle dahil sa tinamong facial fractures matapos itong mabaril noong October 28, 2011.

Ang nangyaring frustrated murder sa kanya, at murder sa kasintahang si Ramgen Revilla, ay nag-ugat umano sa matinding away ng nobyo at mga kapatid ng huli.

Ayon kay Janelle, maraming dahilan kung bakit nagkaroon ng hidwaan ang magkakapatid na Bautista.


Malaki na ang ibinuti ng kondisyon ni Janelle Manahan mula nang mabaril ito sa mukha noong October 28, 2011.

Nangyari ang tangkang pagpatay sa dalaga sa tahanan ng mga Bautista sa Parañaque City, kung saan din napaslang ang nobyo niyang si Ramgen Revilla. (CLICK HERE to read related article.)

Sa ilalim ng kaliwang mata ni Janelle—kung saan tumama ang 9mm na bala na tumagos sa kanyang kanang panga—ay isang maliit na peklat na lang ang makikita.

Lumiit na rin ang pamamaga ng kanyang kanang pisngi, bagamat paralisado pa rin ito, at halos hindi pa rin niya maibuka nang husto ang bibig.

Sa eksklusibong panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Janelle kahapon, Enero 16, sa opisina ng abogado niyang si Atty. Argee Guevarra, sinabi nito, "So far, yung swelling nag-subside na siya."

Ang tinutukoy ni Janelle ay ang kanyang kanang pisngi.

"Tapos, yung shoulder ko before, naka-sling, ngayon hindi ko na kailangang mag-sling kasi nagagalaw ko na siya. Pero hindi pa siya fully nakaka-recover talaga."

Bagamat patuloy na sumasailalim ngayon si Janelle sa physical therapy, masaya raw siya dahil kahit paano’y nakakakain na siya uli ng solid food.

Ilang linggo kasi matapos ang kanyang operasyon ay kinailangan niyang mag-liquid diet at soft diet.

"Actually, yung therapy ’saka diet, parang feeling ko baby ako kasi lahat naka-mash or puree.

"Tapos, weak nga yung muscles ko so yung exercise ko, basic lang, like walking, stretching, so feeling ko, baby."

Dagdag niya, "Medyo mahirap lang na, ako, yung kakainin ko mashed or blended, tapos paulit-ulit na. Tapos, makikita mo yung mga kasama mo kumakain ng [solid] food."

Kaya nga raw, "...Yung mas nahirapan ako dun sa diet. Parang yung last meal ko talaga, yung the night the incident happened."

Isang chicken meal ang kinain ni Janelle noong gabing iyon na in-order pa raw ni Ramgen mula sa isang restawran.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEFORE THE INCIDENT. Pinabalikan ng PEP kay Janelle ang buhay niya bago nangyari ang trahedyang sinapit nila ni Ramgen.

Ayon sa 22-anyos na Bicolana, abala siya noong mga panahong iyon sa pagtatayo ng kanyang online-fashion boutique.

"Siguro a few days before the incident, kaka-[photo] shoot lang namin for the collection na dapat ire-release ko," kuwento niya.

Kasabay noon ay inaayos din nila ni Ramgen ang kanilang relasyon, na naputol ng kanilang panandaliang paghihiwalay.

Una nang nabanggit ni Janelle sa panayam nito kay Boy Abunda sa The Bottomline na nilisan niya ang tahanan ng mga Bautista noong August 2011. (CLICK HERE to read related article.)

"Relationship on hold" umano ang estado ng kanilang relasyon noong mga panahong iyon.

"Kasi kung break, parang hindi na kayo mag-uusap talaga at all. Pero kami naman, like, every day kami nag-uusap, pero hindi ’kami.’

"We were friends, pero hindi namin kino-close yung possibility na magkakabalikan nga kami.

"Kasi siya, after a few hours lang—kasi I left their place late na ng gabi—nag-message siya na bumalik na daw ako kasi hindi siya naniniwala na nakaalis na ako ng bahay.

"Akala niya nasa ibang room lang ako."

Ano nga ba ang dahilan ng kanilang panandaliang paghihiwalay?

"Sobrang stressful na, every day kami halos nag-aaway.

"Kasi, siyempre, gusto kong maging focused din [sa business], and siya gusto kong mag-focus din siya doon sa [politics] kasi nga tatakbo siya sa Imus.

"So since every day naman kami nag-aaway din, wala namang help na nadudulot sa amin or good thing na nadudulot, so umalis muna ako."

Ano naman ang dahilan ng madalas nilang pag-aaway?

"Ang dami, e. Isang factor yung wala na kaming time for each other.

"Tapos yung problem sa loob ng bahay, tapos may problem pa kami, so patong-patong."

Tumanggi si Janelle na magbigay ng detalye tungkol sa naging problema nila ni Ramgen, subalit inamin nito na nakaapekto nang husto sa kanila ang madalas na pag-aaway ng magkakapatid na Bautista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pati raw siya ay nadamay na sa away.

"Before, lahat [ng kapatid ni Ramgen] close ko. Pero noong year na ’yon [2011], yung natirang closest sa akin, yung bunso na girl, tapos yung mom niya."

Maging ang mga kamag-anak umano ni Genelyn Magsaysay, ina ni Ramgen, ay nagkaroon na rin ng hindi magandang pakikitungo sa kanya.

GAP BETWEEN THE BAUTISTAS. Malimit daw umaabot sa pagwawala, sigawan at sagutan ang mga pagtatalo nina Ramgen at ang kanyang mga kapatid.

Minsan nga raw ay humahantong pa ito sa pisikal na pagkasasakitan.

"A year ago, lahat kami okay pa, like si Ramgen super close doon sa mga kapatid niya," paglalarawan ni Janelle sa relasyon ng magkakapatid noon.

"Like, we do everything together—movie, kain, ganyan, or nag-iinuman kami sabay-sabay, lahat.

"Pero last 2011 nga, like mid that year, nagkaroon ng gap.

"Basta merong nag-start ng gap na iyon, iyong hindi nagpapansinan sa bahay."

Muling tumanggi si Janelle na magbigay ng detalye, subalit nilinaw niya na pinilit ayusin ni Ramgen ang gusot nilang magkakapatid.

Sa isinumiteng affidavit nga ni Janelle noong December 2, 2011, inihayag niya ang posibilidad na ang awayan ng magkakapatid ang maaaring naging motibo upang paslangin ang panganay na si Ramgen. (CLICK HERE to read related article.)

Isa sa mga binanggit niyang pinagtalunan ng magkakapatid ay ang pagbili ni Ramon Joseph o RJ, nakababatang kapatid ni Ramgen at ngayon ay isa sa mga akusado sa murder, ng mamahaling gadgets.

"One of’s na lang iyon, e, pero meron pang nauna," saad ni Janelle.

"Iyon, parang nagkaroon lang ng away with a younger brother, na parang siyempre, younger iyon, so yung mga kapatid parang mas pinaniwalaan nila yung story ng bata.

"Parang may history nga kasi si Ramgen na violent so parang mas naniwala sila dun sa side ng bata."

Ang pananahimik ni Janelle tungkol sa ilang detalye ay nagpapahiwatig na may mas malalim pang ugat ang awayan ng magkakapatid na Bautista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunpaman, ni minsan ay hindi raw sumagi sa isip ni Janelle, noong panahong iyon bago nangyari ang krimen, na hahantong sa pagpatay kay Ramgen ang lahat.

Nang tanungin namin siya kung nakitaan ba niya ng anumang senyales sina RJ, Mara, at Gail na magagawa nilang ipapaslang ang kanilang kuya, ito ang naging sagot ni Janelle:

"Like [to hurt Ramgen] in that manner? Hindi, siyempre hindi.

"Kasi ako personally, hindi ko naman din magagawa ’yon sa kahit nga cousin ko or friend ko, so hindi ko siya inisip.

"Kasi parang too much naman, parang hindi ko rin naman inakala na they’re capable of doing something like that."

CLICK HERE to read Part 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN