What do stars say about the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona?

Magkaibang mundo man ang showbiz at pulitika, hindi maiwasang maging involved ang ilang mga artista sa national issues, gaya ng sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Renato Corona.

Sina Richard Gomez (left) at Sharon Cuneta (right) ay parehong may koneksiyon sa pulitika dahil sa kani-kanilang asawa−bahagi ng kongreso ang misis ni Goma, habang nasa senado naman ang mister ng Megastar.


Iba ang mundo ng pulitika sa showbiz.

Bagama’t magkakaibigan ang mga kongresistang Manny Pacquiao ng Saranggani, Lucy Torres-Gomez ng Ormoc, at Lani Mercado ng Imus, meron silang kanya-kanyang opinyon at paniniwala pagdating sa larangan ng pulitika.

Pabor sa impeachment ni Chief Justice Renato Corona si Lucy, habang magkasama naman sina Lani at Manny na hindi lumagda sa naturang complaint.

BACKGROUND. Kahapon, Enero 16, ang unang araw ng pagdinig sa Senado ng mga reklamong isinampa laban sa punong hukom.

Ayon sa complaint na nilagdaan ng 188 na Kongresita, ang grounds for impeachment: (1) "betrayal of public trust" (2) "culpable violation of the constitution" (3) "graft and corruption."

Ilan sa mga binanggit ang umano’y "partiality and subservience" ni Corona sa mga kasong kinasasangkutan ng administrasyong Arroyo, simula noong iniluklok si Corona ni Arroyo bilang Supreme Court justice hanggang sa maging chief justice.

Isinama rin ang paglalabas niya ng TRO (temporary restraining order) na pabor sa dating Pangulo at ang asawa nitong si Miguel Arroyo.

Hindi rin daw nito isinapubliko ang kabuuan ng kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth.

Isinaad din sa complaint ang kanyang "status quo ante order" tungkol sa impeachment ng dating Ombudsman na si Merceditas Navarro-Gutierrez.

Pati na rin daw ang kuwestiyonableng "judiciary development fund (JDF) and special allowance for the judiciary (SAJ) collections."

Nagkaroon din daw ito ng violation sa Constitution dahil sa "principles of res judicata [a matter already judged]" sa mga kaso tungkol sa "16 newly-created cities" at pagiging probinsiya ng Dinagat Island.

THE STARS SPEAK. Maraming Pilipino ang tumutok sa coverage ng impeachment proceedings sa iba’t ibang istasyon.

Sa trending report din ng Twitter, pumangalawa ang "Corona impeachment" sa topics na inabangan ng Netizens, kasunod sa 69th Golden Globe Awards.

At hindi naiwasang magkomento ng ilang mga artista sa kanilang networking sites.

Narito ang ilan sa kanila:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bianca Gonzales: "some leaders keep being corrupt because there is no consequence or punishment and they almost always get away with it!!!!"

Luis Manzano: "if only we had an independent body for appointments in order to promote neutrality even with a change of government."

Sharon Cuneta: "@chokoleitWITs hatest ko yang mga hearing-hearing na yan! Kaya hirap umusad ang bansa eh! Grrrrrr"

Jim Paredes: "The judiciary needs purging. Let this be d start. No reforms will happen wd the setup being the way it is. It shd happen top to bottom."

Samantala, pagkukwestiyon naman sa itinatakbo ng reklamo ang laman ng mga tweets ng journalist na si Maria Ressa, The Company singer na si Moy Ortiz, at maging ang aktor na si Richard Gomez.

Maria Ressa: "There’s a chance Defense will go to SC for a TRO today. What does that mean? Where does it bring us?"

Richard Gomez: "@Karen_DaviLa in the impeachment process, who pays for professional fees of cj c’s legal team? The supreme court or his own personal funds?"

(Ito ay bunsod ng ulat sa ANC na may "15-man defense team" si Corona.)

Moy Ortiz: "Corona deserves due process of law. Everyone deserves that regardless of the public perception and opinion."

Ang iba nama’y dinaan na lamang sa biro ang kanilang reaksiyon sa isyu.

Chokoleit: "Saka ko na tututukan pag patapos na ang kwento. Ganun pala pag pilot telecast ng trial, parang balagtasan at oratorical contest lang."

Ogie Diaz: "Sana, nagpo-provide din ng unan at banig ang Impeachment Trial. Wawa naman si CJ Corona. Inaantok na. Wala yatang tulog."

"Me Impeachment Trial na sa Senado, nasa XXX pa? Tingnan natin, baka ma-resolve ang isyu ke CJ Corona sa ending ng XXX."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN