Cristine Reyes denies getting married to Rayver Cruz in New York

"E, di isipin nila ang gusto nilang isipin, but definitely mayroong ganun [kasalan], someday," says Cristine Reyes when asked if she and Rayver really got married in New York.


Dahil sa matagal-tagal na pagbabakasyon nina Cristine Reyes at Rayver Cruz sa New York, may naglabasang bali-balita na nagpakasal na rin daw ang dalawa doon.

Gusto naman daw ng magkasintahan na sana’y sila na nga ang magkatuluyan sa bandang huli.

Marahil, sa pahayag na ito umusbong ang isyu ng lihim na kasalan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Cristine matapos ang The Buzz noong Linggo, January 15, nilinaw niya ang isyu.

"Nag-solo kami, kasi wala kaming budget," pabiro niyang sagot.

Nagpakasal na raw sila ni Rayver?

"E, di isipin nila ang gusto nilang isipin, but definitely mayroong ganun [kasalan], someday."

Kumusta ang naging bakasyon nila ni Rayver sa New York?

"Okay naman, sobrang saya.

"Wala kaming ginawa kundi mamasyal, maglakad, manood ng sine, kumain, manood ng play.

"Lahat na ng puwedeng gawin, ginawa namin. Sulit na sulit yung bakasyon."

CONCLUSION OF REPUTASYON. Ngayon ang huling linggo ng Reputasyon.

Masaya si Cristine sa magandang itinakbo ng pinagbidahang serye dahil tinangkilik ito ng publiko.

Aniya, "Happy ako dahil naging okay naman yung takbo ng show.

"Naging okay yung bonding namin nina Ate Aiko [Melendez], Direk Laurice [Guillen], ni Ms. Jaclyn [Jose], ni Kuya Lito [Pimentel].

"Happy ako.

"Di ko mami-miss ang Bulacan, pero mami-miss ko ang cast.

"Di ko mami-miss yung food, pero mami-miss ko ang tsikahan over the meal. Yung bonding namin."

Sa set ng Reputasyon nabuo ang pagkakaibigan nina Cristine at Aiko.

Ayon pa nga kay Aiko, sa isang hiwalay na panayam, parang batang kapatid ang turing niya kay AA, ang palayaw ni Cristine.

BETWEEN AIKO AND ARA? Hindi ba naging isyu sa kanila ng kanyang Ate Ara Mina na malapit siya ngayon kay Aiko? Matatandaang nakaalitan noon ni Ara si Aiko dahil kay Jomari Yllana.

Ayon kay Cristine, "Matagal na kasi yung away nilang yun. Nine, ten years ago pa yata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi nag-start ako sa showbiz, fourteen [years old], magtu-twenty-three na ako this February.

"Walang issue sa kanya [Ara]. Wala, deadma lang.

"Kung noon siguro, baka pa."

Sa kanilang palabas na Reputasyon din napatunayan na tanggap ng manonood ang tambalang Cristine-Rayver sa harap at likod ng kamera.

"Happy din ako. Sa Kristine yun nag-start.

"Si Zanjoe [Marudo] ang talagang partner ko.

"Pero dahil dun [tambalan nila ni Rayver], nagkaroon ng Reputasyon.

"Thankful ako dahil sinuportahan nila kami ni Rayver. And hindi lang si Rayver, kundi ang buong cast."

MORE EXCITING SCENES! Tiniyak ni Cristine na mas marami pang dapat abangan sa huling linggong ito ng Reputasyon.

Aniya, "Abangan nila siyempre kung ano ang mangyayari kay Agnes delos Santos [papel niya].

"Kung ano ang kahihinatnan ng kanyang reputasyon at ng reputasyon ni Catherine [karakter ni Aiko] at ng buong delos Santos family, kung ano ang mangyayari.

"Sana suportahan ninyo at thank you sa lahat ng nanonood," bulalas pa ni Cristine.

May susunod na ba siyang gagawin sa ABS-CBN pagkatapos ng Reputasyon?

"Pinalitan yung title niya, alam ko Sa Ngalan Ng Pag-ibig, teleserye.

"Ewan ko kung nire-reveal na nila.

"Di pa nila ako ’sinasama sa promo nila, e."






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN