Rayver Cruz on Cristine Reyes: "Nakita ko na sa kanya yung gusto kong makasama habambuhay."

Rayver Cruz on rumors that he and Cristine Reyes got married in New York: "Ganun naman lagi ang sinasabi pag umalis ang mag-boyfriend. Sasabihing nagpakasal, pero wala talagang ganun."


Ngayon ang huling linggo ng Reputasyon ng ABS-CBN na magtatapos sa Biyernes, January 20.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rayver Cruz sa set ng ASAP 2012 noong Linggo, January 15, nagpahayag ng pasasalamat ang aktor sa mainit na pagtanggap ng tao sa Reputasyon at sa tambalan nila ng girlfriend niyang si Cristine Reyes.

Saad niya: "Nakakalungkot dahil lahat naman ng shows kailangang magtapos, pero happy ako dahil sa takbo ng Reputasyon.

"Maraming sumuporta at napakagandang palabas.

"So sana, abangan pa ng mga tao ’yung kapana-panabik na pagtatapos.

"Memorable sa akin itong show na ito, kasi first time talaga na kami ni AA [palayaw ni Cristine] ang magka-partner.

"At ang nakakatuwa, tanggap at suportado kami ng tao.

"Sana magkasama pa uli kami sa mga future projects ng ABS."


LOVERS IN NEW YORK. Kumusta ang naging bakasyon nila ni Cristine sa New York?

"Masaya, sobra. Nagpunta kami sa Times Square.

"Basta lahat ng pinupuntahang lugar sa New York, pinuntahan namin. Sobrang nag-enjoy kami.

"May best friend si AA dun, dun kami natulog.

"Naghanap-hanap kami ng puwedeng tuluyan.

"Kami lang, nagbakasyon kaming dalawa.

"Kinita lang naming yung mga friends namin dun.

"Ten days kami dun, and I can say na mas naging close kami.

"Naging intense yung pagsasama namin, mas tumibay."

MARRY ME? Lihim na nga ba silang nagpakasal ni Cristine sa New York gaya ng mga napababalita?

"Nagulat nga ako, napanood ko yun. Siyempre, hindi.

"Ganun naman lagi ang sinasabi pag umalis ang mag-boyfriend. Sasabihing nagpakasal, pero wala talagang ganun.

"Di ko alam kung ilang taon ako [magpapakasal]. Mahirap magsalita ng definite na age.

"Basta tingnan na lang natin kung saan kami dadalhin."

Ngunit sambit nga ni Rayver, "Nakita ko na sa kanya yung gusto kong makasama habambuhay. Si AA na."

RAYVER, THE ACTOR! Marami ang humanga at napabilib sa acting na ipinakita ni Rayver sa episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) noong Sabado, January 14, kasama ang kapatid na si Rodjun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginampanan ng magkapatid na Cruz ang Bringas Brothers, na naging runner-up sa Pilipinas Got Talent Season 3.

Ayon kay Rayver, "Sobrang natuwa ako kasi sinuportahan nila yung MMK episode naming magkapatid.

"First time naming nagkasama na ang daming tweets sa akin na ang gaganda, so thank you talaga!"







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN