Regine Tolentino on mom Regina Maristela: "I’m so inspired by my mom who survived her stage four cancer and is back to dancing."

Regine Tolentino on her mom surviving the dreaded big C: "She’s doing well. If you’ll see her before, sobrang bagsak ang katawan. Pero [ngayon], buhay na buhay siya. I’m very happy. She’s an inspiration talaga."


Nagkaroon ng launching at blessing ang RT Studios na pagmamay-ari ni Regine Tolentino, noong Lunes ng gabi, January 16, sa Valencia Hills corner N. Domingo Street, San Juan City.

Dumating ang mga kaibigan ni Regine, gaya ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres, kasama ang kanilang anak na si Julianna, at ang aktres na si Andrea del Rosario.

Masayang-masaya si Regine nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) dahil kuntento umano ito sa kanyang buhay ngayon at dagdag saya raw ang dala ng kanyang dance studio.

Ayon kay Regine, "You know what, actually, honestly, you can ask anybody here, the dance studio is not really for the profit.

"Dancing is really my passion. I mean, I love to teach. I love to dance, and I want to help others.

"I’m so inspired by my mom who survived her stage four cancer and is back to dancing."

MY MOM IS A FIGHTER! Proud si Regine sa mommy niyang si Regina Maristela, na lumaban sa stage-four bone cancer at ngayon ay maayos na ang kalagayan.

"She’s doing well. If you’ll see her before, sobrang bagsak ang katawan.

"Pero [ngayon], buhay na buhay siya. I’m very happy. She’s an inspiration talaga.

"And I’m inspired to teach my kids. At yung mga kids na nagdyo-join sa amin, usually mga shy [sa umpisa].

"But now, they do fashion shows, hosting, nagsasayaw, and the same thing with the people who joined us.

"They lose weight, they have fun. That’s contagious, e. That’s attitude. That’s charisma that you can share with others.

"Nakakatulong kami sa iba’t-ibang foundations. And I also have scholars that I am supporting para they can also take dance as their career."

MY GIRLS! Mukhang nagmana kay Regine ang dalawa niyang anak na babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon na rin sa kanya, mahilig din sa sayaw ang mga anak nila ni Lander Vera Perez.

Pero, mahiyain daw pareho para pag-isipan pang papasok din sa showbiz.

"Yes, they love to dance. My eldest daughter, si Reign, she’s 12 years old, is in choreography. She’s also the assistant teacher.

"Then my second daughter, si Reigen who is 10... They both love to dance ballet, jazz, hiphop and they are doing ballroom right now.

"Thank God they support what I do, and I’m so proud of them because you know, they are so proud of me also."

Mag-aartista rin ba ang mga anak niya?

Natatawang sagot niya na, "No, no, no. Lander won’t allow it."

Dugtong din niya, "Hindi rin, e. They are shy, e."

REGINE’S CAREER. Tuluy-tuloy pa rin daw ang showbiz career ni Regine.

"As long as it doesn’t interfere with my business, why not? Lander and I manage the businesses together," sabi nito.

Kasama sa dance studio ang boutique, kung saan si Regine din ang designer.

"Kahit nakapangalan sa akin ang negosyo, my husband is okay with that because kampante siya sa marriage namin.

"Na for now, it’s like that, it’s really a team effort.

"He’s on the management full-time, as well as taking charge of the accounting, to the HR [Human Resources], to the scheduling, to the repair.

"From the purchasing, to the management of the employee," patungkol pa rin niya sa asawa na galing sa pamilyang Vera Perez, ang mga nagmamay-ari ng Sampaguita Pictures.

"Siyempre, I’m also the designer and I also teach.

"But it takes two to make this work. That’s why the business is doing great also.

"The boutique is going on its 12th year and the studio is going on its 10th year. "

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa TV5, si Regine ang tumatayong head stylist para sa Hey, It’s Saberday, at siya rin ang fashion designer para sa Talentadong Pinoy.

Sa likod ng camera raw ang trabaho niya sa Kapatid network, habang regular pa rin siyang napapanood sa Unang Hirit ng GMA-7.

MARRIED LIFE? Bilang mag-asawa, masasabi raw ni Regine na nakalipas na ang panahong nagkaroon sila ng problema.

Nabalita kasi rati na naghiwalay na sila ni Lander. Ngayon ay masasabi raw na matibay ang pagsasama nila.

"Yes, yes. You know, Lander and I have never been stronger.

"We’re going on our 14th year of marriage, and I’m just so happy that we continue to be best friends.

"We get along so well. We laugh and we miss each other when we’re not together.

"We’re also perfect partners in business at sa pagiging parents namin sa aming mga anak.

" So, thank God, family life for me is perfect."

AGELESS BEAUTY. Tila hindi naman tumatanda ang hitsura ni Regine kahit mga dalagita na halos ang dalawa nilang anak.

"I believe, I think, it’s all about having the perfect balance in life.

"You know, I don’t spent a lot of hours pampering myself.

"But of course, I have my sponsor, ang Ysa Clinic, which is pampa-beauty. But aside from that, it’s living a balanced life.

"I still work out, I dance a lot, and I eat healthy. I keep a positive outlook.

"I think it’s important that when you’re happy, you’ll feel that confidence inside.

"I think, it also grows. Sometimes, even if I need to lose like five or ten pounds, basta ako, confidence [lang].

"Siguro, yun ang napo-project ko because I really feel happy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN