Patrick Garcia on returning to ABS-CBN: "Siguro, lahat naman ng tao umuuwi, e, di ba? Umuwi lang ako."

"Hindi naman pinipili siguro who you’ll fall in love with. Whether artista man o hindi, kung sino ang tinitibok ng puso mo, ’yon," says Patrick Garcia. The returning ABS-CBN actor admits he is currently in a relationship with a non-showbiz girl.


Halos pitong taon na ang nakalilipas mula nang lisanin niya ang kanyang orihinal na mother network—at ngayo’y muling binalikan ang ABS-CBN ng award-winning actor na si Patrick Garcia.

Para kay Patrick, para lamang daw siyang anak na umuwi ng bahay sa kanyang desisyong umalis sa GMA-7 Kapuso network upang bumalik sa Kapamilya network.

"Siguro, lahat naman ng tao umuuwi, e, di ba? Umuwi lang ako," pahayag niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Patrick sa press conference ng comeback project niya sa ABS-CBN, ang Precious Hearts Romances: Lumayo Ka Man sa Akin.

Naganap ito kahapon, Enero 17, sa 9501 Restaurant, sa loob ng ABS-CBN compound, Quezon City.

Siyam na taon ding naging Kapamilya talent si Patrick.

Nagsimula siya bilang isa sa mga child stars ng Ang TV.

Naging isa siya sa mga bidang aktor ng kilalang youth-oriented show na Tabing Ilog.

Nagawaran naman siya ng ilang acting awards sa pelikulang Batang PX, na iprinodyus ng ABS-CBN Star Cinema.

Ayon kay Patrick, hindi na siya naninibago sa kanyang pagbabalik sa Kapamilya network.

Aniya, "Siyempre, dito ako lumaki. Kumbaga, mas kumportable ako dito.

"Wala namang masyadong adjustments. Everything seems to be the same naman.

"Pero, kumbaga, nag-iba lang ang proseso on how they do shows."

Sa kanyang pagbabalik, umaasa si Patrick na muling makatrabaho ang mga taong nakasama niya noon.

Hindi pa raw nakakapirma ng kontrata si Patrick sa ABS-CBN.

Sa ngayon, itong Precious Hearts Romances pa lang ang payak na proyekto niya sa network.

Mainam din daw na ganito, ani Patrick.

"One project on at a time. I don’t really like getting ngarag or getting segue-segue."

Dagdag pa niya, "Ngayon, I just want to concentrate on this, and I wanna prove to ABS-CBN that I can still do it."

ONE-ON-ONE WITH LUIS. Noong nakaraang Sabado, Enero 14, nakaharap ni Patrick si Luis Manzano, ang kasalukuyang boyfriend ng kanyang ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related article.)

Ayon sa 30-year-old actor, naging maayos naman ang panayam at walang ilangan na naganap sa pagitan nila ni Luis.

Hindi rin daw siya nadalawang-isip sa paglipat dahil sa makakasalamuha niya si Luis sa ABS-CBN.

Para kay Patrick, "Luis wasn’t a factor for me to decide if I should come back or not, walang kinalaman doon."

Dagdag pa niya, wala naman daw silang problema sa isa’t isa, lalo pa’t nagkasama na sila sa trabaho noon, sa huling proyekto ni Patrick sa ABS-CBN, ang Kampanerang Kuba.

"Hindi naman talaga kami close ni Luis," sabi ni Patrick.

"Pero we’ve known each other since before.

"We were part of the show Kampanerang Kuba. Nagkatrabaho kami doon.

"We’ve always known each other naman.

"Wala naman kaming samaan ng loob, walang ilangan."

ON JENNYLYN’S LOVELIFE. Samantala, hangga’t maari ay ayaw nang makialam ni Patrick sa lovelife ng dating girlfriend at ina ng kanyang anak na si Jazz.

Kaya naman hindi isyu kay Patrick kung magkaroon ng bagong boyfriend si Jennylyn.

Aniya, "It’s always been okay.

"Kumbaga, matagal na rin kaming hiwalay ni Jen.

"Actually, naging sila pa nga ni Dennis Trillo pa nga, now it’s Luis.

"I mean, Jen is entitled to whoever she wants and she deserves to be happy whoever she wants to be with.

"Kumbaga, out na ako diyan. Buhay na niya ’yon. That’s her private life, e."

Pahabol pa niya, "Basta masaya si Jen, okay na sa akin ’yon."

ON HIS LOVELIFE. Umiwas naman si Patrick nang matanong tungkol sa kanyang non-showbiz girlfriend, na kanyang inamin sa morning talk show na Kris TV.

Pero sabi niya, hindi niya sinadyang makipagrelasyon sa isang non-showbiz girl.

"Hindi naman pinipili siguro who you’ll fall in love with.

"Whether artista man o hindi, kung sino ang tinitibok ng puso mo, ’yon," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat ilang buwan na rin silang magkarelasyon, hindi pa naman daw naiisip ni Patrick ang lumagay sa tahimik.

Sabi niya, "I know I’m not getting any younger naman.

"But settling down? Siguro I should start thinking about it, but hindi pa."

ABOUT HIS SON JAZZ. Sa ngayon, sabi ni Patrick, madalang na silang nagkikita ni Jennylyn.

Madalas ay sa telepono na lang daw sila nakakapag-usap.

"We hardly see each other," sabi niya.

"If ever na nagkakausap kami, over the phone.

"Let’s say, I’ll call her to make paalam si Jazz or whatever."

Mas madalas daw niyang nakikita ang adoptive mother ni Jennylyn, o lola ni Jazz, na si Mommy Lydia.

May special arrangement ba sila ni Jennylyn tungkol sa pag-aalaga sa kanilang anak?

"Wala naman," sagot ni Patrick.

"Meron dati, hati-hati.

"Pero we decided not to do that anymore kasi it’s kinda stressful for the kid.

"Dapat isang bahay lang ang kilalanin niyang bahay niya, so nandun lang siya sa bahay ni Jen.

"I go there to visit. I go there as much as I can.

"I mean, wala naman akong limit.

"Open naman ako kahit kailan, huwag lang siguro araw-araw."

Bagamat hindi na sila nagsasama ni Jennylyn, umaasa si Patrick na mapalaki nila nang maayos ang kanilang anak.

Aniya, "We hope we’d turn out to be good parents kahit na hindi kami magkasama."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN