PEP SPECIAL REPORT Part 3: Janelle Manahan’s lawyer points to Ramona "Mara" Bautista as possible source of the leaked sex video

Bukod sa pagkakabaril sa kanyang mukha at pagkakapatay sa nobyong si Ramgen Revilla, malaking dagok din kay Janelle Manahan ang pagkalat ng sex video nila ni Ramgen.

Hinihinala ng kanyang kampo na ang mga Bautista pa rin ang may pakana nito upang siya ay takutin na huwag nang tumestigo laban sa kanila.

Ayon sa abugado ni Janelle na si Atty. Argee Guevarra, nasa Europe umano ang IP address ng source ng vi


December 29, 2011, nang unang kumalat sa internet ang "sex video scandal" nina Janelle Manahan at ang yumaong kasintahang si Ramgen Revilla.

Nabalitaan ito ni Janelle sa kanyang Twitter account.

Kuwento ng dating aktres sa eksklusibong panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Enero 16, "May mga nare-receive akong links sa Twitter, pero hindi ko pinapansin."

Aniya, hindi niya kilala ang mga taong nagpadala sa kanya ng link kaya binalewala niya lang ang mga ito.

Ngunit nang padalhan siya ng mensahe sa Facebook ng nakababatang kapatid ni Ramgen na si Reuben Bautista noong Disyembre 30, 2011, nag-desisyon si Janelle na buksan na ang link at panoorin ang naturang video.

"Inisip ko parang ano lang, fake, yung mga dinidikit yung face, ganyan or whatever.

"So nung klinik ko yung link, nakita ko yung mukha ni Ramgen mismo!"

Nakumpirma agad ni Janelle na video nga nila ni Ramgen ang kumakalat.

"Alam ko yung scene na iyon, iyong time na iyon, so nagulat ako kasi alam ko wala ng file."

Una nang naikuwento ni Janelle sa panayam niya sa The Bottomline na sinira nila ni Ramgen ang kopya ng video noong kasagsagan ng kontrobersiyang dulot ng mga sex video ni Hayden Kho Jr. (CLICK HERE to read related article)


SUPPORTIVE FAMILY. Takot ang unang naramdaman ni Janelle, at ang pamilya ang una niyang inisip.

Konserbatibo kasi ang kanyang mga kamag-anak sa Legazpi City kaya takot siya sa panghuhusgang maari nilang ipukol sa kanya.

"Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko sa family ko.

"Kasi konti pa lang naman iyong nakakanood, tiningnan ko yung nag-view, tsaka yung shares, tsaka yung upload.

"That day lang siya in-upload, so konti pa lang [ang nakakita].

"So inisip ko kung paano ko sasabihin sa family ko.

"E, yung nandoon, yung mommy ko lang, so nasabi ko sa mom ko.

"Tapos, parang sabi niya, ’Itago na muna natin,’ kasi nga conservative ang family namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Inunti-unti namin. The next day ko na sinabi sa ibang tita ko, cousins ko."

Sa halip na pangungutya ay suporta ang ipinaabot ng pamilya ni Janelle sa kanya.

"Parang hindi sila nag-judge sa ’kin, so medyo naging okay na ako na, ’Sige, pabayaan na lang iyan, parang I won’t let it affect me na lang.’

"Kasi nga, baka ginagawa lang nila [ng mga nag-upload] para huwag na akong magsalita or to demoralize nga na mahiya ako."

FACEBOOK MESSAGES. Noong Disyembre 30, 2011, nagkaroon ng mainit na sagutan sina Janelle at Reuben Bautista sa Facebook.

Inilarawan ni Atty. Argee Guevarra—ang abugado ni Janelle, na kasama nito sa panayam ng PEP—bilang "severe," "brutal," at "very vicious" ang mga mensahe ng batang Bautista sa kanyang kliyente.

Ayon kay Janelle, "Yung message was no concern for me at all, na parang, ’Janelle merong kumakalat,’ ganyan.

"E, before, ang tawag niya sa akin, Ate Janelle. Tapos ngayon, ’Janelle, merong kumakalat,’ ganyan-ganyan.

"Pinabayaan ko na lang, kasi nga baka very emotional.

"Siyempre, hindi naman talaga kami nagkakausap, so kung ano yung napapanood nila, naririnig nila, yun lang yung alam nila about me."

Diumano, ikinasama ng loob ni Reuben ang mga pagpapahiwatig ni Janelle na silang magkakapatid ang may pakana sa pagkalat ng video.

"Iyong sinabi niya, parang, ’Nababastos ang kapatid ko. Sobra na ’to,’ ganyan, ganyan."

"So yung reply ko lang, parang, ’Hindi mo ba naisip na ako nandoon din?’"

"Kasi nandoon din naman ako sa video, pero parang instead of keeping it [news of the video upload], pino-post pa niya sa public.

"Parang yung [Facebook] status niya, naka-public, ganyan, so lalo tuloy [kumalat]."

Isa itong "marketing strategy" ng mga Bautista, direktang sabi ni Atty. Guevarra.

"Instead of keeping it under wraps, he was obviously trying to make more people aware of the existence of the video," sabi nito patungkol sa tweets ni Reuben.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa ni Janelle, "Hindi nga ako nag-comment, like nung sa Twitter nga, nag-post pa ako ng kung anu-ano na walang relation doon sa link para lang ma-divert na huwag na nilang panoorin.

"Kasi noong pagkapanood ko, pina-block ko naman siya sa Facebook, so kung iyon lang iyong upload, e, di mawawala rin.

"So hindi ko siya pinansin, like even a few days after.

"Pero siya, noong pinuntahan ko nga yung [Facebook] page niya, nandoon talaga sa wall niya, tapos ang dami nang comments.

"Tapos, the next thing noong pinuntahan ko na yung video, dumami na yung shares at comments."

Ayon kay Atty. Guevarra, malinaw na paglabag sa RA 9995 o Anti-voyeurism Act ang nangyaring pag-upload sa pribadong video nina Janelle at Ramgen.

"In so far as the practical and technical considerations for stopping its spread once it goes viral, I told her to be prepared.

"Even if we write to all the search engines or the websites, I feel that we won’t be able to arrest its spreading.

"So we just have to file our case in order to bring to court those who are responsible.

"The ultimate culprits here, we felt, are the members of the Bautista family.

"Once we hit them, they probably will stop because we are acknowledged that it’s not just one video," saad ni Guevarra.

RAMONA AS SOURCE? Ngayon naman, naniniwala ang kampo ni Janelle na posibleng si Ramona "Mara" Bautista, kapatid ni Ramgen, ang may pakana ng pagkalat ng video.

Base raw sa imbestigasyon na ginawa ng grupo ni Atty. Guevarra—kung saan nagpatawag umano siya ng computer experts upang i-trace ang source ng video—napag-alaman nilang sa Europe ang IP (Internet Protocol) address ng nag-upload ng video.

"Nasa Europe yung IP address, and Turkey is a part of Europe and the European Union," konklusyon ni Atty. Guevarra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang umalis ng bansa si Ramona noong Nobyembre 4, 2011, patungong Hong Kong, at ayon sa ulat ng Hurriyet Daily News ay dumiretso ito sa Turkey, kasama ang asawang si Engin Tuna Bulbuloglu, isang Turkish national. (CLICK HERE to read related article)

"Easily, if she is in Turkey, she can be going to Paris or London at any time if she so pleases. So iyon ang feeling namin," dagdag paliwanag ni Guevarra.

Isa ring makapagpapatunay na ang mga Bautista ang nasa likod nito, ayon pa rin sa abugado ni Janelle, ay ang pag-amin ni Genelyn Magsaysay na hawak nila ang computer ni Ramgen.

"Tinanong na namin siya [Janelle], paano na nailipat iyan mula from a camera to computer.

"Tapos iyon na nga, sinabi na niya trinansfer nila, ’tapos ’nilipat sa CD.

"Tapos the CD was destroyed, so sabi namin, ’Kung sino yung may hawak ng computer dito, iyon iyong source ng lahat.’

"And it just so happened that by accident, or by recklessness in issuing public statement, ni Genelyn Magsaysay, we were able to—well, some news journalists were able to—extract that information from her and she admitted that it was in her possession.

"But prior to that, she was saying that, ’No, that computer was with the police,’ and pointed out the police as culprits."

JANELLE’S ORCHESTRATION? Hindi naman maiwasan na may ilang taong kumukuwestiyon kay Janelle sa mga pangyayaring ito.

Bagamat karamihan ay nakikisimpatiya sa kanya, may ilan ring bumabatikos at nagtuturo sa kanya bilang nagpakalat ng video.

"Hindi ko naman siguro kayang gawin iyon sa sarili ko," ang maluha-luhang sabi ng dalaga.

"Kasi, I’ve been through so much already, and to do something like that na maa-affect yung family ko and not only me, hindi ko kaya."

Sabad naman ni Atty. Guevarra, "To even accuse her of doing that, might as well accuse her of shooting herself and Ramgen that night!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Janelle, may mga mensahe daw siyang natatanggap sa Twitter na nagsasabi rin ng ganoon tungkol sa kanya.

"Ewan ko kung nagpapapansin lang iyon para mag-reply ako," saad niya.

Komento naman ni Atty. Guevarra, "Well, obviously that is a deranged person."

Kalmado lang si Janelle, hindi lamang sa mga interviews sa kanya, kundi sa pagharap niya sa mga pagsubok na pinagdaraanan.

Maliban sa pagluha, hindi pa nakitaan si Janelle ng matinding emosyon.

"Well, I do [get emotional], pero siyempre, not naman...ayoko siyang ipakita in public.

"Kasi, like even with my family nga, hindi ko pinapakita..." ang malumanay niyang sabi.

SHOWBIZ COMEBACK. May ilan ring nagsasabi na baka ginagamit lang ni Janelle ang atensiyon ng media at publiko sa kaso upang makabalik ito sa showbiz.

Hindi naman itinanggi ni Janelle na ilang buwan bago nangyari ang insidente ay pinagpaplanuhan niya ang kanyang comeback.

"Before this even happened, mayroon na akong arrangements.

"Even Ram wanted me to go back to showbiz, to help him para sa campaign.

"Kasi I was with showbiz naman before, and, hindi ko na papangalanan kung sino yung parang nagma-manage sa akin that time it happened, pero we had arrangements.

"May meeting na nga and we were planning na nga something already for my comeback that month."

Matatandaang ang huling malaking proyekto ni Janelle sa ABS-CBN ay ang Let’s Go—isang teen-oriented series na dating pinagbidahan nina Kim Chiu at Gerald Anderson, at nagpasikat kina Alex Gonzaga, Bangs Garcia, at Joem Bascon.

Pero ang madalas niyang pagpapa-interview ay bilang pagtulong sa kaso ni Ramgen at hindi raw sa kanyang pagsikat.

Aniya, "Sobra naman kung gagamitin ko ito, to like shoot myself or to get shot sa face.

"For [fame]? No!"

Nilinaw din ni Atty. Guevarra na, "For now, she has no career whatsoever because of the requirements of litigation in prosecuting the accused.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She won’t have time for showbiz—not easily for a year."

Dagdag pa ni Janelle, matapos ang insidente ay nawalan na rin siya ng interes na ituloy pa ang kanyang pagbabalik showbiz.

"Yung family ko din, actually ayaw.

"Parang for safety din and para wala ring masabi yung ibang tao, parang mag-focus na lang dun sa business nga, para away from showbiz.

"Pero siyempre, I can’t say naman na ever hindi na ako [babalik].

"Iyon din ang sinabi ko kay Tito Boy [sa The Bottomline],parang walang assurance, kasi hindi ko naman alam kung ano’ng mangyayari in the future.

"Pero sa ngayon talaga, wala."

NEW LEGAL DEVELOPMENT. Samantala, noong January 13 ay naglabas ng bagong court order ang Parañaque City Regional Trial Court.

Nakasaad sa nilagdaang dokumento ni Judge Fortunito L. Marona na sina Ramona Bautista, Glaiza Visda, Jan Norwin Dela Cruz, at Ryan Pastera ay naidagdag na sa listahan ng mga akusado sa kasong murder at frustrated murder.

Ibig sabihin ay kinakailangang maaresto ng mga awtoridad ang mga bagong akusado upang maiharap sa korte para sa arraignment.

Kapag nadakip sina Ramona, Glaiza, Jan Norwin, at Ryan, paliwanag ni Atty. Guevarra, "Babasahan sila, and they will enter their plea whether it’s guilty or not guilty.

"So once they enter their plea, magse-set na ng trial dates iyan.

"But with the issuance of the [order], bago sila ma-arraign, before the court can read to them the charges, and for them to enter their pleas—whether guilty or not guilty—they have first to be arrested.

"They have to submit to the jurisdiction of the court and the jurisdiction can only be reflected if you’re arrested."

Una nang nasampahan ng kaso sina Michael Jay Nartea, Roy Francis Tolisora, at ang kapatid ni Ramgen na si Ramon Joseph "RJ" Bautista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umaasa ang kampo ni Janelle na madakip ang lahat ng akusado upang agad nang masimulan ang kaso.

"In the coming months, well, we hope that all these people who are subjects to be named in the warrants of arrest would be apprehended very soon," sabi ni Atty. Guevarra.

"And, of course, same thing goes for Gail Bautista and Hiro Furuyama na, after the preliminary investigation, they will also be included [in the list of accused].

"And then, we’re looking, of course, to convict.

"Our main job here is to convict those who are responsible, and we have our commitment that our position will be along the lines of ’matuwid na daan.’

"Any attempts by any of the parties—of course, the defense—to influence and use chamber-practicing methods on us will be dealt with very severely.

"They’ll invite major response from our law firm."

JANELLE’S TIMETABLE. Para naman kay Janelle, umaasa siyang maresolba ang kaso sa lalong madaling panahon.

"I’m hoping na ma-convict na, kasi nga alam ko na it usually lasts one year, two years.

"I hope na ma-solve siya in a year or two years max, kasi gusto ko na rin siyang matapos para mabigyan nga ng justice [si Ramgen] and ma-convict nga yung may kasalanan."

Ito rin ang sinabi ng kanyang abogado, upang maka-move on na raw si Janelle.

"Siya na nga yung [biktima] ’di ba?

"Parang it’s not [fair that] she survived, only to be imprisoned by the legal process."

CLICK HERE to read Part 4.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN