Jason Abalos confirms relationship with Jewel Mische

"Lumaki ako sa pamilya na relihiyoso. Kumbaga, nagkataon lang na nung nag-showbiz ako, nabarkada, medyo naiba yung landas ko. Siguro nagpapasalamat lang ako na ’eto ulit ako, bumabalik—at dahil iyan kay Jewel," says Jason Abalos about how girlfriend Jewel Mische (inset) has influenced him.


May espesyal na babae na nagbibigay ng kasiyahan at inspirasyon ngayon sa young actor na si Jason Abalos.

Ito ay si Jewel Mische.

Noong una ay marami pang paliguy-ligoy si Jason bago niya tuluyang sabihing si Jewel nga ang babaeng nagpapaligaya ng puso niya ngayon.

Sa huli ay umamin din siya.

CHANGING HIS LIFE. Gaano ba ka-special si Jewel sa kanya?

"Sobrang special ni Jewel. Siya yung bumago ng buhay ko.

"Siya yung naging daan sa pagkakaroon ko ng faith ngayon," sagot ng young actor.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jason sa presscon ng Lumayo Ka Man Sa Akin kahapon, Enero 17, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Ano ang nagustuhan niya kay Jewel?

"Unang-una kasi, lumaki ako sa pamilya na relihiyoso.

"Kumbaga, nagkataon lang na nung nag-showbiz ako, nabarkada, medyo naiba yung landas ko.

"Siguro nagpapasalamat lang ako na ’eto ulit ako, bumabalik—at dahil iyan kay Jewel."

Kailan nabuo ang magandang pagtitinginan nila?

"Kasi nung lumipat siya sa ABS, nagkikita na kami.

"’Tapos yun, minsan niyaya niya ako sa church nila. Christian siya."

Si Jewel ay produkto ng reality-based artista search ng GMA-7, ang StarStruck. Noong 2010 ay nagdesisyon siyang lumipat sa ABS-CBN.

Matagal ring naugnay noon ang young actress sa Kapuso leading man na si Richard Gutierrez.

Nagkatrabaho na ba sila ni Jewel?

"Hindi pa," sagot ni Jason.

"Actually, dahil din kay Maja [Salvador] kaya kami nagkakilala.

"Kasi si Maja napaka-friendly na tao na iyan.

"Nung makita niya si Jewel na wala pang kaibigan... Di ba, kasi bago pa lang si Jewel sa ABS?

"’Tapos yun, kinaibigan niya.

"E, kaibigan ko naman si Maja, kaya yun, nagkakilala din kami ni Jewel."

Ano ang qualities ni Jewel na hinahangaan niya?

"Sobra siyang devoted sa kung anuman yung ginagawa niya.

"Para sa akin, yun ang bagay na kailangan ko kasi alam ko naman kung gaano ako kahina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro para sa akin, siya yung mag-aakay."

Sa palagay niya ba ay si Jewel na ang tamang babae para sa kanya?

"Ipinagdarasal ko," sambit ni Jason.

Pinag-usapan ba nila ni Jewel na maging tahimik pagdating sa relasyon nila?

"Mas okay kasi yung private."

Nakilala na ba nila ang parents ng isa’t isa?

"Oo naman, dumating na sa ganung punto."

Ano na ang estado ng relationship nila? Masasabi niya bang boyfriend-girlfriend na sila?

"Walang label. Para sa akin, special," sagot ng Kapamilya young actor.

Paano nga niya ide-describe yung relationship nila?

"Eto lang iyan. Parang tumayo ka diyan, tatayo ako dito, pero naka-reserve ako para sa iyo, parang ganun."

Tila naguluhan naman ang PEP at iba pang press na nag-i-interview kay Jason dahil ayaw pa niyang aminin na girlfriend na niya si Jewel.

THE CONFIRMATION. Pero sa interview kagabi ni Boy Abunda kay Jason para sa "Ikaw Na" segment ng late-night news program ng ABS-CBN, ang Bandila, naging mas malinaw ang sagot ni Jason sa estado ng relasyon nila ni Jewel.

Nang tanungin ni Boy kung in love ba siya ngayon, ang sagot ni Jason, "Yes."

Paliwanag pa niya, "Masaya ang puso ko.

"Parang ngayon, wala akong kahit anumang bitterness.

"Siguro natuto akong makuntento sa buhay."

Tila nasukol naman si Jason at tuluyang napaamin ni Boy sa tanong na: Ito ay oo o hindi lamang. Kayo na ba ni Jewel Mische? Oo o hindi?

Saglit na napaisip si Jason at saka sumagot ng "Oo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN