PART 1 Year of the Dragon is also Maja Salvador’s year: "This is my lucky year. Kine-claim ko na yun."

Maja Salvador stars in the new offering of Precious Hearts Romances, Lumayo Ka Man Sa Akin, which pairs her with Jason Abalos and Patrick Garcia.


Year of the Dragon ipinanganak si Maja Salvador.

Dahil Year of the Dragon ngayong 2012, marami ang naniniwala, maging si Maja mismo, na masuwerte ang taong ito para sa kanya.

Patunay na lang nito ang malalaking proyekto niya sa pelikula at telebisyon sa unang buwan pa lang ng taon.

MAJA SALVADOR WEEK. Next week nga ay maituturing na "Maja Salvador Week."

Sa Enero 25 ay mapapanood na ang launching movie nila ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli, ang My Cactus Heart, na iprinodyus ng Star Cinema at Skylight Films.

Pero bago ito ay ipalalabas muna sa Enero 23, Lunes, sa ABS-CBN Kapamilya Gold ang pagbabalik sa telebisyon ng Precious Hearts Romances (PHR).

Tampok ang seryeng pinagbibidahan ni Maja, ang Lumayo Ka Man Sa Akin. Kasama rin sa cast sina Patrick Garcia, Jason Abalos, Ina Feleo, Ariel Rivera, at Ina Raymundo.

Sabi nga ni Maja, "This is my lucky year. Kine-claim ko na yun.

"Kahit pa hindi Year of the Dragon ngayon, masasabi ko pa rin na masuwerte ang taong ito para sa akin.

"Kaya ang wish ko, sana magtuluy-tuloy ang suwerte."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maja sa presscon ng Lumayo Ka Man Sa Akin kahapon, Enero 17, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

INTERNATIONAL NOMINATION. Excited na nga si Maja sa pagbabalik niya sa PHR.

Ang nauna kasi niyang serye rito, ang Impostor, ang tanging Asian TV series na na-nominate sa 2011 International Emmy Awards.

Nakatanggap pa ito ng Gold Medal dahil sa nominasyon nito sa Best Telenovela category.

Saad ni Maja, "Sobrang thankful ako sa unit ni Direk Lauren Dyogi dahil pagkatapos ng Impostor, yung tiwala, hindi nawala.

"Na-excite sila na gumawa ng panibagong PHR, ’tapos ako nga ang bida.

"Sabi nga ni Direk Lauren, baby niya ako. Napakaimportante sa akin nung ganung pagpapahalaga.

"Iba kasing gumawa ng teleserye tayong mga Pinoy dahil napapansin hanggang sa international."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang feeling nito nung nalamang nominated ang Impostor sa International Emmy Awards?

"Birthday ko po noon nung sinabi sa akin. Nasa States po ako noon nung tinatawagan ako ni Direk Lauren.

"’Tapos, yun na, nung nasa States ako, nagpaplano na siya ng bago kong soap."

Ine-expect ba niya na muling manu-nominate ang Lumayo Ka Man Sa Akin sa Emmys?

"Sana," sambit ni Maja.

"Siyempre, sino ba naman ang ayaw ng nomination? ’Tapos, pang-international pa.

"Bonus na lang siguro pag nanalo pa, di ba?"

Goal niya rin ba niya ngayong taon ang manalo ng Best Actress award?

"Hindi naman po inaano ’yan na maging goal. Darating iyan nang kusa sa tamang panahon talaga.

"Ipagdasal lang po natin," sabi ng Kapamilya young actress.

WHO’S THE BETTER KISSER? May kissing scenes si Maja kina Patrick at Jason, ang leading men niya sa Lumayo Ka Man Sa Akin.

Pero ang tanong sa kanya, sino ba ang mas magaling humalik—si Patrick o si Jason?

Sagot ni Maja, "Yung kay Patrick, smack-smack lang, wala pa kaming torrid.

"Yung kay Jason, bigay-todo kaagad.

"Kasi ganun yung character, e. ’Pag kay Patrick, pa-sweet ako, pa-virgin; ’pag kay Jason, bigay-todo.

"As of now, sorry Patrick, pero kay Jason ako."

Nakatulong din ba na dati na silang may team-up at magkaibigan ni Jason para hindi na sila mailang sa torrid kissing scenes nila?

Saad ni Maja, "Bago po kasi kami mag-umpisa nitong Lumayo Ka Man Sa Akin, parang last year after nung Nagsimula sa Puso, lagi kaming lumalabas.

"Magkabarkada kasi kami ni Jason.

"So, ngayong ginagawa namin itong Lumayo Ka Man Sa Akin, wala nang ilangan kasi todo-bigay kaming dalawa dahil gusto naming mapaganda yung project."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN