Jason Abalos on being ’blessed’ by ABS-CBN: "Kaya nga wala na akong dapat pang i-demand sa network kasi talaga namang hindi ako nababakante."

Jason Abalos on his successive shows in ABS-CBN: "Nag-o-overlap nga yung mga show, e. Me ginagawa pa ako, ’tapos pag malapit nang matapos yung isang project, may kapalit agad na dumarating. Kaya sobra akong grateful at thankful sa ABS-CBN. Kumbaga, kahit may mga nagsasabing hindi ko deserve yung ganitong trabaho, pero para sa napakalaking tiwala yung ibinibigay sa akin. Kasi, di ba, pagkatapos ng SCQ, hindi ko naman naisip na gan


Walang pagsidlan ng tuwa si Jason dahil sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya.

Hindi kasi siya nawawalan ng proyekto sa ABS-CBN at tinatawag pa siya ngayong "Prince of Daytime Drama" dahil sa madalas niyang pagbibida sa Kapamilya afternoon soaps.

Magtatapos na sa Biyernes, Enero 20, ang Reputasyon na pinagbibidahan ni Jason, kasama sina Cristine Reyes at Rayver Cruz.

Pero pagpasok nga ng Lunes, Enero 23, ay muli rin siyang mapapanood sa bagong afternoon drama series na kapalit ng Reputasyon—ang Precious Hearts Romances Presents Lumayo Ka Man Sa Akin.

Kasama naman niya rito sina Maja Salvador at Patrick Garcia.

Ano ang pakiramdam na tila lubos siyang pinagpala ng ABS-CBN?

Ayon kay Jason, "Oo nga, e, kaya nga wala na akong dapat pang i-demand sa network kasi talaga namang hindi ako nababakante.

"Nag-o-overlap nga yung mga show, e.

"Me ginagawa pa ako, ’tapos pag malapit nang matapos yung isang project, may kapalit agad na dumarating.

"Kaya sobra akong grateful at thankful sa ABS-CBN.

"Kumbaga, kahit may mga nagsasabing hindi ko deserve yung ganitong trabaho, pero para sa napakalaking tiwala yung ibinibigay sa akin.

"Kasi, di ba, pagkatapos ng SCQ, hindi ko naman naisip na ganito ang mangyayari sa akin," sabi ni Jason.

Ang SCQ o Star Circle Quest Season 2 ang artista reality search ng ABS-CBN, kung saan na-discover si Jason noong 2005.

Ka-batch ni Jason ang grand winner na si Erich Gonzales.

Hindi ba nagwo-worry si Jason na dahil sa sunud-sunod na projects niya ay baka pagmulan ito ng inggit o isyu sa ibang Kapamilya actors?

"Hindi naman siguro," sagot niya.

"Sa tingin ko naman, nabibigyan naman kami ng tamang pagkakataon.

"At iyon naman ang ipinagpapasalamat ko.

"Kasi yung ibang trabaho naman, nag-o-audition ako at natatanggap naman."

KISSING SCENES WITH MAJA. Balik-tambalan sina Jason at Maja sa Lumayo Ka Man Sa Akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nauna na silang nagkasama sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya at sa afternoon series na Nagsimula Sa Puso.

Ayon kay Jason, "Happy ako na makasama ulit sa trabaho si Maja.

"Kasi hindi ko makakalimutan yung unang MMK ko, ’tapos siya yung ka-partner ko doon.

"Maganda rin naman ang pinagsamahan namin."

May torrid kissing scenes sila ni Maja sa bagong soap nila. Hindi ba sila nagkailangan nang gawin nila ito?

"Hindi naman, kasi pareho naman kaming professional ni Maja, e. Kumbaga, trabaho lang.

"At saka sobrang kilala na namin ang isa’t isa at magkaibigan kami, kaya parang balewala na sa amin kahit may intimate scenes.

"Trabaho lang talaga."

MAJA’S BOYFRIEND. Magkaibigan sila ng boyfriend ni Maja na si Matteo Guidicelli.

Nakatulong ba ito para hindi maulit sa kanila ang nangyari kina Matteo at Coco Martin noon na nauwi sa pisikalan ang pagseselos?

"Siguro isa rin yun," sabi ni Jason.

"Pero yun naman sa kanila, misundertanding lang talaga, e.

"Sa tingin ko naman, hindi naman ako pagseselosan ni Matteo."

Kinausap ba niya si Matteo tungkol sa kissing scenes nila ni Maja?

"Hindi. Kasi sa tingin ko ang dapat na kumausap sa kanya, si Maja, e.

"At saka siguro naman alam na ni Matteo ngayon kung ano yung trabaho namin.

"Siguro yung tiwala na rin niya sa akin bilang kaibigan at kay Maja, kaya hindi na namin kailangan pag-usapan pa ’yan.

"Trabaho lang," saad ni Jason.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN