Toni Gonzaga reveals being hurt by Sam Milby in the past; denies Zanjoe Marudo ever became her boyfriend

Toni Gonzaga on being a co-host of The Buzz: "And if there’s one thing I’ve learned here in The Buzz is that, I really appreciate, noong naging host ako ng The Buzz... it’s okay to say my opinion. It’s okay what I really feel inside. Kasi before, noong artista pa lang ako, yung ini-interview ka lang ng The Buzz, I always say what people want to


Sa Biyernes, January 20, pa ang 28th birthday ng tinaguriang Multi-Media Star na si Toni Gonzaga.

Pero last Sunday, January 15, ay binigyan na ng special birthday celebration ang TV host-actress sa The Buzz.

Bumati muna ang mga malalapit niyang kaibigan, nakatrabaho, kapamilya, at maging mga kasamahan sa Taytay United Methodist Church.

Tapos ay nag-live interview sa kanya ni Boy Abunda at ang guest co-host na si Cristine Reyes.

STATE OF MIND. Unang tinanong si Toni kung ano ang state of mind niya ngayon.

"My state of mind right now is that I am really very grateful with everything that happened to me.

"Kahit not so good, good.

"Kasi, I always hold onto the verse na, ’Romans 8: 28: That everything works for good for those who love God.’

"If you really love the Lord and everything that’s happening in your life, kahit minsan, ang labo-labo na, alam mong He will make a way at the end of trial or endeavor.

"Alam mong maganda ang kahihinatnan nun dahil He has prepared something better for you."

NO MOMMY PINTY AND DIREK PAUL. Pagkatapos maipalabas ang lahat ng bumati kay Toni sa VTR, natatawang sinabi nito na hinihintay raw niyang bumati sa kanya ang kanyang inang si Mommy Pinty Gonzaga.

Si Boy naman, napansin daw kung bakit walang VTR message kay Toni ang boyfriend na si Direk Paul Soriano.

Ayon naman kay Toni, "Naku, hayan na ha, baka naman lagyan n’yo ng meaning!

"E, kasi, every birthday ko, bumabati siya. Sabi niya, ’I have nothing more to say.’"

"Publicly?" hirit naman ni Boy.

"Yes, publicly. But he has a lot of things to say to me, privately.

"But publicly, parang wala na raw siyang mai-declare pa. Parang it’s a given na.

"Parang he’s there for me. We support each other and the love is there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang ayaw na rin niya."

Q & A WITH THE BIRTHDAY GIRL. At dahil birthday ni Toni, naghanda ang The Buzz ng ilang katanungan na mabilisan lang din ang sagot.

Hirit naman ni Toni, "Ano ba yun? Nakakaloka kayo. Sabi ko, birthday ko, may hamunan?"

Cristine: "Kung hindi ka artista, ano ka?"

Toni: "Trying hard na artista pa rin ako.

"Kasi, hindi ko talaga nakita ang self ko...kung hindi ako artista ngayon, trying hard pa rin ako na artista."

"Nag-o-audition, nagpipilit makapasok. Kasi, hindi ko makita ang sarili ko na hindi ito ang ginagawa ko."

Boy: "Sino ang pinaka-kinatatakutan mong ma-interview?"

Toni: "Siguro si Ms. Korina Sanchez.

"Kasi, ang lakas ng personality niya. Ang lakas ng dating niya.

"Baka matakot ako sa kanya.

"Hindi ko pa siya nai-interview pero, na-interview na niya ako.

"Noong ini-interview niya ako, nakatitig lang ako."

Cristine: "May mga artista na ba na nagalit sa ’yo dahil sa pambubuko mo rito sa The Buzz?"

Toni: "Siguro marami-rami na. Marami-rami na, o!

"Hindi ko alam. Hindi naman nila ipinapakita na galit sila.

"Pero, may pang-iismid ng konti."

Cristine: "Sino?"

Toni: "May pang-iismid, hindi ko alam kung galit sila. Ikaw nga [Cristine], feeling ko, nainis ka ba sa akin dati?

"Yung kay Rayver [Cruz] na sabi ko, nagpunta kayo sa Cebu, na sabi mo, ’Wag na nating pag-usapan si Rayver.’

"Kaya nasabi ko, ’Naku, nainis yata si Cristine.’"

Cristine: "Wala lang...feeling ko hindi naman kasi, hindi ko na maalala."

Boy: "Hindi naman malalim na galit?"

Toni: "Yes. And if there’s one thing I’ve learned here in The Buzz is that, I really appreciate, noong naging host ako ng The Buzz...

"It’s okay to say my opinion. It’s okay [to say] what I really feel inside.

"Kasi before, noong artista pa lang ako, yung ini-interview ka lang ng The Buzz, I always say what people want to hear from me or what’s nice for other people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But when you’re here in The Buzz, there’s a lot of things that you have to say and you have to tell the public that they would want to know.

"Of course, there’s a limitation, natutunan ko yun.

"At natutunan ko, it’s okay to voice out what you really feel. If na-offend ka, if hindi maganda, if nasaktan ka.

"Kasi dati, hindi po. Hindi po ako nasaktan.

"Opo. Okay lang pong lahat."

Boy: "Kung ikaw ay sexy star, ano ang pangalan mo?"

Toni: "Ano ba yun? Hindi ko alam..."

Cristine: "Gusto mo Tonilicious?"

Toni: "Alam n’yo, kung ano ang tinatawag sa akin ng kapatid ko, ako raw si Mia Nolasco.

"Naaala n’yo ba siya dati? Kasi, ang laki raw ng panga ko. Pareho raw kami. E, di ba, sexy star siya?

"Naalala ko, nasa Galleria pa kami, may isang sexy poster. Sabi niya, ’Ay, kamukha mo!’ Sabi niyang gano’n."

Cristine: "Sa mga roles mo sa buhay, saan ka pinakamagaling?"

Toni: "Pagiging anak talaga, I have to say. Naku, I have to say, o!

"Ipinagmalaki ko talaga yun.

"Kasi, alam n’yo, noong teenager ako at mid-twenties ako, there’s a lot of things na gusto kong gawin sa buhay ko.

"Pero, pinili kong sumunod sa mga magulang ko.

"’Tapos, ngayong 28 na ako, na-realize ko, ’Buti na lang ginawa yun ng mga magulang ko sa akin. Tinama nilang lahat.

"’Kung hindi, kung napunta ko do’n, baka, hmmm...mali-mali lahat.’"

Boy: "Isa lang ang puwedeng mag-artista sa inyong pamilya, si Alex or ikaw?

Toni: "Ako na Tito Boy! Tigilan na niya ang pinagsasabi niyang ikakasal pa raw ako. Tigilan na niya!

"Unang-una, sinabi ko yun sa kanya, masyadong masakit ang manatili rito sa industriyang ito.

"Kasi, I remember, even yung first time na nababatikos siya. Nagaganyan siya, maraming sinasabi sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko sa kanya, ’Ganyan talaga, maraming masakit dito. Parang tama na, sapat na ako na ang masaktan para sa lahat, huwag ng kayo.’"

Cristine: "Totoo bang naging kayo ni Zanjoe Marudo?"

Toni: "Hindi! Oo, ito talaga, hindi. Naku, talaga kung maka-hindi ako.

"This is for Bea [Alonzo, Zanjoe’s girlfriend]. Bea, hindi.

"Alam kong marami ang nagtatanong niyan, yes, we worked together sa You Got Me.

"There was a time that we’re really, really close. Siya kasi ang sumasalo sa akin when I was mending a broken heart.

"O, what is the meaning of that?

"Inaamin ko, siyempre, may time sa buhay mo na nasaktan ka at siya ang naging kaibigan mo. Naging confidante. Close friend."

Boy: "Noong kayo ay close ni Zanjoe, sino ang nakasakit sa puso mo noon?"

Toni: "Si Sam Milby! Naku, si Sam Milby!

"Wala na talaga akong itinago.

"Alam n’yo, magagalit si Sam Milby. Sasabihin niya, ’I’m always the one na naman talaga.’"

Boy: "Deretsahan na tanong na talaga ’to. Mawalan na ng career ang magsisinungaling. Sino ang mas hot, si Sam Milby or si Paul Soriano?"

Toni: "Siyempre, isa ang isasagot ko riyan. Hindi ako sinaktan ni Paul, so Paul Soriano ako.

"O, i-clear ko yun. Mamaya magre-react na naman itong si Sam.

"Siyempre, noong time na yun, mga bata kami. May mga intention siyang ipinapakita. Pa-sweet-sweet siyang ganoon.

"Ako naman, asa nang asa. Maya-maya, papunta sa iba. Okay, go!

"Pero, naging friends ko naman ang isa."

Cristine: "Bukod sa kamay at sa mukha mo, saan ka pa nahalikan ni Direk Paul?"

Toni: "Oh my goodness, talaga! Ano bang mga katanungan yun?

"Mommy Pinty, I’m very, very sorry for this question talaga. Banda rito [itinuro niya ang parteng baba, malapit sa tenga].

"O, teka, teka...iki-clear ko yun, lalo na sa mga batang nanonood. Siyempre, magbebeso kayo, dito tumatama ang lips, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, minsan idadampi niya nang matagal-tagal, so i-enjoy mo na lang for a while."

Boy: "Kung ikaw ay magpapakasal, kanino mo unang sasabihin ang balita, kay Mommy Pinty or kay Daddy Bonoy?"

Toni: "Oh my goodness talaga!

"Unang-una, sasabihin ko na lang kay Mommy Pinty. Kasi mas babae siya, mas maiintindihan niya ’ko.

"Kasi, ang daddy ko, it took him a year bago niya makausap si Paul nang diretso.

"Dumadaan si Paul sa amin, akala mo hangin. Alam naman ni Paul yun. Dumadaan siya.

"’Tapos, kinausap ko si daddy ko na, ’Bakit ka ba ganyan kay Paul? Kausapin mo naman nang maayos.’

"Maganda ang sinabi ng daddy ko. ’Kahit sinong ama, hindi puwedeng maging kampante sa isang lalaki na iniibig ng anak niya. Para anytime, alam niya na hindi ka niya puwedeng saktan. Na mero’n kang ama na kapag ginawa mo ’yan, sa ama mo, alam mo na.’"

Boy: "Sa lahat ng nanligaw sa ’yo, sino ang pinakagusto ni Daddy?"

Toni: "Si Direk Paul talaga.

"Kasi, may mga ano talaga. Naalala ko may mga sinabihan siya na, ’Daddy si Ano?’ ’Paiiyakin ka lang niyan.’

"’Daddy si Ano?’ ’Hindi ka talaga gusto niyan, sinasabi lang sa TV.’

"’Eto naman, parang...kaya noong time na may nali-link sa akin, hindi ko nararamdaman.

"Feeling maganda ako, si Daddy naman, ’Hindi ka talaga gusto niyan.’

"Noong dumating si Direk Paul, go!"

Cristine: "Ano ang birthday wish mo?"

Toni: "Oh, my birthday wish? Every time, ginagawa ko yun...hindi na ’ko nagwi-wish ng birthday ko."

"Kasi, kapag December 31, I get a paper and sinusulat ko ang mga gusto kong mangyari for a year at kini-claim ko na mangyayari ’to.

"Kasi, December 31 at January 20, malapit lang naman.

"Basta ang palagi ko lang sinasabi, sana, madagdagan ang wisdom ko.

"I know, it sounds... Ano ba yun, parang wisdom, ano bang gusto mong wisdom?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I know, parang cliché na yun. Pero every year, you really need wisdom to discern and make the right decision.

"Kasi, napakasalimuot ng industriyang ito. So, you need wisdom para alam mo kung ano ang gagawin mo at kung saan ka pupunta in the future.

"So, parang yun ang prayer ko talaga.

"Totoo, I cannot ask for any material things anymore or anything else.

"Kasi, parang sobra naman na yung tinanggap ko at blessing na tinanggap ko from the Lord.

"So, parang nakakahiya nang mag-request. Although alam naman Niya kung ano pa ang mga gusto ko from the heart.

"Pero, hindi ko na lang sinasabi talaga out loud."

Boy: "Kung may hihiramin kang mukha ng babae sa industriya, kaninong mukha ito?"

Toni: "Ay, alam niya ’to. Si Kristine Hermosa.

"Nakatrabaho ko siya sa My Big Love. There was a time talaga na nakaganyan [nakatitig] lang ako sa kanya.

"Sabi niya, ’Ano ba’ng nangyari sa ’yo?’

"Sabi ko, ’Grabe, sobra mong ganda talaga! Sobra!’"

Boy: "Kung ikaw naman ay magiging lalaki sa ibang buhay, sino ka? Artista at bakit?"

Toni: "Piolo Pascual siguro."

Boy: "Wow!"

Toni: "Piolo Pascual siguro. Lalaki?"

Boy: "Oo."

(Biglang nagtawanan sa audience.)

Toni: "Hoy, bakit kayo gumanyan? Ang tinatanong ko kasi.... O, bahala kayo. Lagyan n’yo ng meaning."

Boy: "Kung ikaw si Piolo Pascual, sinong babae ang liligawan mo?"

Cristine: "Except for Kristine Hermosa."

Toni: "Except for Kristine? Ay, lalayo pa ba ako? Mag-Toni Gonzaga na lang ako. Yun talaga."

Boy: "In 2012, si Toni ay...?"

Toni: "Ay, magpapatuloy na mamayagpag. O bakit, dapat maging positibo tayo sa buhay natin. Ganoon talaga.

"Kaya nga nagpapasalamat ako sa ABS-CBN management at The Buzz family, PBB [Pinoy Big Brother], HYY [Happy Yipee Yehey!] family, Star Records family, to my relatives and friends.

"’Eto na talaga ang quota-han namin dito sa The Buzz."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN