Onemig Bondoc’s wife, Valerie Bariou, says being stand-in of Rachel Weisz for Bourne Legacy is a "surrreal experience"

Valerie Bariou-Bondoc (main photo), wife of former actor Onemig Bondoc, was chosen to be Rachel Weisz’s (inset) stand-in for the Hollywood film, Bourne Legacy, which is being filmed in the Philippines.


"Surreal experience Being the Stand-in of RacheL Weisz :)"

Ito ang nilagay na status ng commercial model-actress na si Valerie Bariou-Bondoc sa kanyang personal Facebook account noong Linggo, January 15.

Si Rachel Weisz ang Hollywood actress na nandito ngayon sa Pilipinas para sa shooting ng Hollywood film na Bourne Legacy, na isinulat at idinidirek ni Tony Gilroy.

Ang Bourne Legacy ay inspired ng Jason Bourne novels ng sikat na nobelistang si Robert Ludlum.

Kasama ni Rachel na nagsu-shooting sa Pilipinas ang co-stars niya sa pelikula na sina Jeremy Renner (Mission: Impossible - Ghost Protocol) at Edward Norton (The Incredible Hulk).

Ilang lugar sa Manila ang napiling maging location ng movie, kabilang na ang Sta. Ana, Intramuros, at Navotas Fish Port.

Katulad ng ibang Hollywood films, istrikto ang produksyon sa pagbibigay ng anumang impormasyon tungkol sa pelikula. Sakop nito ang sinumang involved sa movie.

Kaya nang kinontak ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Valerie sa Facebook upang alamin ang mga karanasan niya bilang stand-in ni Rachel ay tipid ang kanyang mga naging kasagutan.

Ayon pa kay Valerie, "Sorry, I can’t say much about my experience yet."

Pero inamin niyang nag-audition siya para sa naturang part.

"And yes, I auditioned. We were three at the final audition as stand-in for Rachel.

"They wanted someone with similar height, built, and skin tone, who can follow instructions well."

Dagdag pa ni Valerie, halos araw-araw ang shooting nila.

"We shoot every day, then two days off, like today and tomorrow until February, then we get a new schedule.

"Maybe in the future, I can say something about Rachel."

Ayon sa thefreedictionary.com, ang stand-in ay: "One who substitutes for an actor while the lights and camera are adjusted or during hazardous action."

Hindi ito ang unang pagkakataon na lumabas sa pelikula si Valerie, bagamat puro local films pa lamang ang kanyang nilabasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan sa mga ito ay ang indie films na The Red Shoes (2010) at Emir (2010),

Si Valerie ay kilala rin bilang ramp, print, at commercial model.

Half-Filipino, half-French si Valerie.

Kasal siya sa actor-turned-businessman na si Onemig Bondoc at meron na silang isang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN