Nikki Gil confirms boyfriend Billy Crawford is still leaving for the UK in mid-2012

Nikki Gil on why Billy Crawford is not pushing through with his UK trip this January to continue his international career: "Marami kasing magaganap na mga things dito, so he has to be here for that... Pareho, masaya dahil siyempre ’di pa siya aalis. Pero, malungkot dahil aalis pa rin naman siya."


Sa katapusan ng Enero 2012 ang dating planong paglipad ni Billy Crawford papuntang United Kingdom para haraping muli ang kanyang international singing career.

Pero nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nikki Gil, ang girlfriend ni Billy, noong Linggo, January 15, sa set ng ASAP 2012, sinabi ni Nikki na hindi muna lilipad si Billy papuntang U.K.

Ayon kay Nikki, malamang daw ay sa kalagitnaan na ng 2012 aalis ang kanyang boyfriend.

"Sa akin, ganun pa rin naman, aalis pa rin naman siya, di ba?

"Na-delay lang ng kaunti, pero aalis pa rin siya.

"Ganun talaga, trabaho ’yan. Siyempre kaunting time for me kasi na-delay nang kaunti.

"Pero timing kasi is everything.

"Marami kasing magaganap na mga things dito, so he has to be here for that."

Nang tanungin kung masaya siya o malungkot sa di pag-alis ngayong buwan ni Billy, sabi ni Nikki: "Pareho, masaya dahil siyempre ’di pa siya aalis. Pero, malungkot dahil aalis pa rin naman siya."

Noong una, naipahayag ni Nikki na may kaba siya sakaling mauwi sa isang long-distance relationship ang kanilang samahan ni Billy.

Pero iba na raw sa kasalukuyan.

"Siguro sa ngayon, hindi na. Mas kumportable na kami. Mas stable na, magpo-four years na kami.

"Siguro naman kakayanin na namin yun. Malungkot more than anything else.

"Ang kinatatakutan ko ay malungkot [ako] kasi alam natin ’yan.

"Kuwento ’yan ng mga pamilya natin na nagtatrabaho sa ibang bansa.

"Malungkot na mahiwalay sa iyong loved ones but definitely for a season lang naman.

"Darating din naman ang panahon na magkakasama kami uli."

GOD’S PROTECTION. Positibo naman ang pananaw ng singer/actress na kung para sila sa isa’t isa ni Billy, sila pa rin sa huli.

Dasal din daw nito na protektahan ng Poong Maykapal ang kanilang relasyon.

"Oo naman. Siya, tina-trust ko siya, pero yung mga tao sa paligid niya...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganun naman yata ang kalaban. Malakas ang paniniwala ko na mahal ako ng Panginoon.

"’Di ako hahayaan na maisahan, masaktan. If it’s not meant to be, He will block it.

"But if it’s meant to be... our relationship, and I believe it is something good, God will protect it."

FAMILY GATHERING. Umuwi raw rito sa bansa last Holiday ang pamilya ni Billy.

Nagkasama-sama nga raw ang pamilya ni Billy at pamilya niya nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon.

"Mabuti naman. Nandito lang kami sa Manila. Nandito yung parents ni Billy.

"So, we spent Christmas and New Year together.

"Magkakasama kaming lahat."

UNDERSTANDING MELISSA. Isang isyu na pinag-usapan sa ASAP Rocks dalawang linggo na ang nakararaan ay ang pag-iyak ni Melissa Ricks dahil na-offend daw ito sa panunukso sa kanila ni Jake sa isang segment ng palabas.

Sila raw ni Billy ang siyang nag-interview kina Jake and Melissa, bagay na klinaro namin kay Nikki.

"Actually it was in the script. Nakasulat sa board, sa scripts na ’binibigay sa lahat ng mga artists.

"Nasa idiot board, nagmi-meeting kami, tinitingan namin, ’Good ba ito? Okay ba itong issue na ito?’

"E, ang ASAP naman lahat kina-clarify kahit naman sa amin, ’Niks, okay lang ba kayo ni Billy?’ ’Oo, carry lang ’yan.’

"So, I assumed bilang back-to-back pa ang numbers nila [Melissa at Jake], na okay na ang lahat.

"Yung mga close friends pa niya, super support, so we really thought na nandun na sa level na nakakatawa siya, na biruan na lang siya.

"’Tapos, yun na nga, nakita na she’s so emotional.

"Sabi ko, ’Mel, I just want you to know it’s part of the script. I hope you understand.’

"Sabi niya, ’Yeah, I understand. ’Di lang ako na-inform na magkasunod ang prod namin.’ Parang ganun.

"Ang point lang niya, sana she was informed. Siguro nakaligtaan. It’s a very minor issue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa akin lang, I wish din na na-inform kami. Pero, kung tutuusin, kami ni Billy were just doing our job. Yun, nasa script naman kasi.

"We assumed na it’s okay. On our part nga, vinerify pa namin na, ’Okay ba ito? Carry na ba?’

"Okay naman daw. Kami pa ni Billy? Kami pa? We don’t want to hurt anyone."

Bilang isang babae, naiintindihan daw niya ang naramdaman ni Melissa.

"Yeah, of course, babae din naman ako. I know how it feels to be caught unaware, caught off guard.

"But I believe she handled it very well. I like how she handled it onstage.

"That’s grace under pressure and I commend her on that.

"Nasa industriya natin ’yan, talagang mahirap talaga na paghiwalayin ang personal and business."

TIME TOGETHER? Sa ngayon ay abala raw si Billy sa shooting ng Moron 5, samantalang busy naman si Nikki sa taping ng Mundo Man ay Magunaw.

Kung nagiging problema sa isang relasyon ang kawalan ng oras sa isa’t-isa, hindi ito issue kina Nikki at Billy.

"So far, di pa naman nasa-sacrifcie. Siguro dahil matagal na rin kami.

"Okay lang yung ’di kami araw-araw na nagkikita. At saka marami din naman kaming time together para magkita.

"’Di pa nagsasalubong ang sked namin, pero mukhang malapit na.

"Saka natin tingnan kung ano ang mangyayari. Pero, so far, suportado namin ang isa’t-isa."

Excited daw si Nikki sa role niya sa Mundo Man Ay Magunaw, kung saan gumaganap siya bilang kontrabida.

Ipapalabas ang nasabing serye sa January 30 ngayong taon.

"Empress [Schuck], Eula Valdez, Sylvia Sanchez, Tessie Tomas, Allan Paule, Jodi Sta. Maria... Basta ang ganda ng cast.

"I love taping, super excited ako. Major, major kontrabida. I love it talaga. Sobrang love ko.

"Very challenging, kakaiba siya sa mga roles na nagampanan ko na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN