PART 1 Sarah Geronimo gets her own musical show on ABS-CBN; will take leave from ASAP

Sarah Geronimo on having her own musical show: "Siyempre ho, nung una ayoko, natatakot ako. Kasi sariling show ko na ’yon, e, saka malaking responsibility ’yon sa akin as an artist. Pero, blessing ito. Napakagandang blessing nito at another challenge para sa akin para mag-grow as an artista and as a person. So, ba’t ko tatanggihan?"


Magkakaroon na ng sarili niyang musical show sa ABS-CBN si Sarah Geronimo.

Ang magiging titulo nito ay Sarah G. Live! at mapapanood ito tuwing Linggo ng gabi simula sa Pebrero.

Kinumpirma mismo ni Sarah ang balitang ito sa thanksgiving party niya para sa press kagabi, January 18.

Ginanap ang pagdiriwang sa pag-aari ng mga Geronimo na Imo’s Pancit Malabon restaurant, sa may Mindanao Avenue, Quezon City.

Sabi ng Pop Princess sa kanyang bagong show: "Very happy po ako sa concept nung show.

"Pangalan ko po ang dadalhin ko dito, na ninenerbiyos po ako kasi, siyempre, sariling show na natin ’to.

"But, of course, makakasama ko ang ibang artists din, magagaling na artists.

"So, abangan po natin."

Hindi pa kumpirmado, pero posibleng ang show ni Sarah ang papalit sa timeslot na maiiwanan ng Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda tuwing Linggo ng gabi.

Matatandaang sa mahabang panahon ay si Sharon Cuneta ang may hawak ng Sunday primetime slot ng ABS-CBN—mula sa kanyang musical-variety show na The Sharon Cuneta Show hanggang sa talk-variety program niyang Sharon.

Pero ngayon ay kay Sarah na ipagkakatiwala ng Kapamilya network ang timeslot na ito.

Sabi naman ni Sarah tungkol dito, "Nabigyan lang po ako ng pagkakataon na, ’yon, makakita pa sila ng mas maraming performances."

Pero ano ang pakiramdam na meron na siyang sariling musical show?

"Siyempre ho, nung una ayoko, natatakot ako.

"Kasi sariling show ko na ’yon, e, saka malaking responsibility ’yon sa akin as an artist.

"Pero, blessing ito.

"Napakagandang blessing nito at another challenge para sa akin para mag-grow as an artista and as a person.

"So, ba’t ko tatanggihan?" saad ni Sarah.

LIVE CONCERT EVERY WEEK. Aminado rin si Sarah na kinakabahan siya sa bago niyang programa.

"Opo, kasi siyempre may mga... Like, everytime na lumalabas ako sa stage at nagpe-perform, may takot pa rin naman po ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Eto, sabi ko, parang gusto nila, live every Sunday night.

"Parang every Sunday night, may concert ako sa Araneta.

"Parang yun ang feeling."

GOODBYE ASAP? Yun nga lang, dahil magkakaroon na siya ng sariling weekly musical show, pansamantalng magpapaalam si Sarah sa musical-variety show na ASAP.

Ang ASAP ay may timeslot na Linggo, noontime.

"Pero siyempre, pag may mga guestings, shows, projects na kailangang i-promote, babalik tayo sa ASAP," paniniguro naman ni Sarah.

Itinanggi naman ni Sarah na may iniiwasan siya sa ASAP kaya iiwanan niya muna ito.

"Wala. Wala ho, ha... Bakit naman? Friends na kaming lahat."

Matatandaang nagkaroon ng alitan noon si Sarah at ang kasamahan niya sa programa na si Cristine Reyes.

Ang isyu ay si Rayver Cruz, na nakarelasyon ni Sarah at ngayon ay boyfriend naman ni Cristine.

Pero nagkaayos na ang dalawang female stars, matapos gumawa si Sarah ng first move para magkabati sila.

Dahil din sa bagong show ni Sarah ay hindi na muna siya makakagawa ng teleserye.

"Siyempre, ito pong show na gagawin natin, yung Sarah G Live, talaga pong malaking preparation po ito, e.

"Parang concert po ito sa Araneta talaga," saad ng Pop Princess.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN