PART 2 Sarah Geronimo admits, hesitantly, to receiving Tiffany necklace from Gerald Anderson last Christmas

Sarah Geronimo on Gerald Anderson: "Siyempre, espesyal din naman po yung tao. Nakatrabaho natin siya at nakita ko kung gaano naman siya kabuting tao. Mabuting anak din sa mommy niya. Nakita ko kung gaano siya ka-sweet sa mommy niya. Siyempre, for a guy, di ba, na maging ganun ka-sweet sa mommy niya, nakakatuwa. So, yun lang naman po. Hindi ko naman itatanggi na espesyal naman po yung tao."


Ang upcoming musical show ni Sarah Geronimo sa ABS-CBN ang dahilan kung bakit wala siyang Valentine concert this year.

Puspusan daw kasi ang gagawin nilang preparasyon para sa Sarah G. Live!, na malamang ay magsimula na sa Pebrero.

Kung wala siyang Valentine concert, posibleng malibre si Sarah sa "Araw ng mga Puso" sa February 14.

May nagyaya na ba sa kanyang makipag-date sa Valentine’s?

Natawa muna si Sarah bago sinabing, "Wala pong nag-aaya saka hindi pa naman ako...baka sa show makapag-date ako!"

Paano kung yayayin siya ng leading man niyang si Gerald Anderson for a date?

"A, tingnan natin!" tawa ng dalaga.

Papayagan ba naman siya ng Mommy Divine niya na makipag-date kung saka-sakali?

"Hindi ko po alam. Tatanungin po natin siya kung papayag siya," sagot ng 23-year-old singer-actress.

GERALD’S GIFT. Tinanong din ng press si Sarah kung ano ang iniregalo sa kanya ni Gerald noong Pasko.

Pero sa umpisa ay alumpihit sa pagsagot si Sarah.

"Ano... Nahiya naman po ako... Nahihiya po akong sabihin, e... Tanungin n’yo na lang po siya kung ano ang iniregalo niya," hindi mapakaling sagot ni Sarah.

Maging ang regalo ni Gerald sa kanyang mga magulang ay ayaw rin nitong sabihin.

"Siya na lang po ang tanungin n’yo...nahihiya po ako, e," ulit na naman ni Sarah.

Pero hindi siya tinantanan ng press kaya sa huli ay napaamin din si Sarah, na halatang pinagpapawisan.

"Binigyan niya ako ng necklace..." pag-amin niya.

Ayaw man niyang sabihin ay napaamin din si Sarah na Tiffany necklace ang ibinigay ni Gerald.

May pendant daw itong hugis-puso.

Personal daw na inabot ni Gerald ang regalo niya kay Sarah sa bahay nila.

Ano ang naramdaman niya nang bigyan siya ni Gerald ng kuwintas?

"Natuwa naman po..." sabi ni Sarah.

Hindi pa raw niya naisusuot ang regalong kuwintas ni Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napahalakhak naman si Sarah sa biro ng isang kasamahan sa media na baka isinusuot lang niya ito kapag nag-i-Skype sila ni Gerald.

Matatandaang sa short-lived romance nina Sarah at Rayver noon, naisusuot lang ni Sarah ang regalong alahas ni Rayver kapag nag-uusap sila sa Skype.

Sikreto kasi noon ang relasyon ng dalawa dahil mahigpit na ipinagbabawal ng mga magulang ni Sarah ang pakikipag-relasyon.

Pero sa pagkakataong ito, ayon kay Sarah, hindi pa sila nag-ii-Skype ni Gerald.

Dagdag pa niya, "Hindi naman kailangang itago kasi, e."

Ano naman ang regalo niya kay Gerald noong Pasko?

"Niregaluhan namin siya ng shirt!" natatawang sabi ni Sarah.

"Si Mommy pa ang namili no’n, siyempre wala naman po akong time na makasama sa kanyang mag-shopping."


GERALD IS SPECIAL. Aminado si Sarah na "espesyal" para sa kanya si Gerald, ngunit hindi raw ito nangangahulugan na may namamagitan na sa kanila.

Aniya, "Siyempre, espesyal din naman po yung tao.

"Nakatrabaho natin siya at nakita ko kung gaano naman siya kabuting tao.

"Mabuting anak din sa mommy niya.

"Nakita ko kung gaano siya ka-sweet sa mommy niya.

"Siyempre, for a guy, di ba, na maging ganun ka-sweet sa mommy niya, nakakatuwa.

"So, yun lang naman po.

"Hindi ko naman itatanggi na espesyal naman po yung tao."

Pero nilinaw ni Sarah na hindi pa siya handang umibig muli pagkatapos ng naudlot nilang pagmamahalan noon ni Rayver.

"It can wait naman," sabi pa niya tungkol sa pagkakaroon ng lovelife.

Pagdating sa mga manliligaw, ito naman ang kanyang masasabi:

"Ay, ano lang naman po, wala naman po sigurong masama yung hayaan po natin yung friendship.

"Pero sa ngayon, wala po munang relationship."

Hanggang kailan siyang magiging ganito?

"Titingnan po natin kung ready na ’tong puso ko magmahal uli," nakangiting sagot ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN